Chapter Fifty: Xia Needs Help Part III
“Please! Please help me! Hindi ko na alam ang gagawin ko! I lost my family and they abducted my sister. Wala na akong ibang malalapitan pa. Please help me,” pagmamakaawa ni Xia sa kanila. They can all see how desperate the lady is. Bigla na lamang itong tumayo mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan nila. Pinagdikit pa nito ang dalawang palad at nagmamakaawa.
“Please! Kayo na lang ang malalapitan ko. Xel, please help me. Mababaliw na ako sa pag-iisip,” sabi nito sa kanya. Tumayo siya at nilapitan ang babae. Inalalayan niya itong tumayo at muling inupo sa silya.
“Xia, you don’t need to kneel. Kahit hindi sila pumayag ay tutulungan pa rin kita,” sabi niya at naramdaman niya ang pagbatok sa kanya ng hitman.
“Idiot! As if we let you go on them all by yourself!” sigaw sa kanya. Nahimas naman niya ang bahagi ng ulo niyang binatukan ni Renato.
“Boss, I’m always be with your side and decisions,” sabi naman ni Harold.
“Oo nga! Masaya kaya makatulong sa kapwa!” sabi naman ni Tony at nilapitan ang dalaga. “Don’t worry, tutulungan ka naming,” sabi nito kay Xia. Para namang nabuhayan ng loob ang dalaga. Tila nakakita ng pag-asa sa kanilang mga katauhan.
“Thank you! Thank you so much!” sabi ni Xia at halos halikan na ang kanyang mga kamay.
“Don’t thank yet. Wala pa kaming ginagawa,” sabi niya.
“But still, thank you.”
“Mas magandang kasama natin ang buong inner circle,” sabi niya. kasalukuyan silang nasa living room nila. Si Xia naman ay nasa kwarto n ani Jasmin at Ryan. Mukhang pagod na pagod ang dalaga kaya the moment na nahiga siya sa malambot na kama ay agad na itong dinuyan ng antok.
“Yes. Mas maganda na gano’n nga ang mangyari,” sabi ni Renato. “You need to build trust sa mga miyembro ng inner circles mo especially sa mga hindi mo madalas makasama,” dugtong pa nito.
“We need more information about sa Nero Famiglia. We can get information kay Sarah—” agad na pinutol ni Renato ang sinasabi ni Harold.
“Let Mykel and Celestine do that. They are part of the intelligence unit. Madali na lang sa kanila ‘yan,” sabi nito. Wala ng nagawa pa si Harold at sumang-ayon na lang.
“I hope they can get every bit of information lalo na sa nangyari kay Xia. Ano ang namamagitan sa pamilya nito at sa Nero Famiglia,” sabi niya.
“Maybe they are part of Cosa Nostra. O baka naman ay ang mga ninuno nila and pilit nilang tinatalikuran iyon at namumuhay ng normal,” sabi naman ni Richard.
“Good point!” sabi niya. Oh, he really likes Richard now. Tahimik lang ito at nakikinig pero laging malaman ang opinion nito. Well, hindi naman niya sinasabing walang kuwenta ang sinasabi ng iba pa niyang kasamahan.
“Call them, dumbass Axel!” utos sa kanya ni Renato.
“Yes I will, Sir Renats,” sagot niya. tatawagan na sana niya ang tatlo nang maalala niya si Lorence. “Do I need to call Lorence? He is part of my circle,” sabi niya.
“I think you need. Hindi naman porke’t bata lang siya ay hindi na natin siya isasali sa mga ganitong usapan. He is part of your circle, part of Cielo, and Cosa Nostra,” sagot sa kanya ni Richard. Ngumiti niya.
“I like your mindset, Richard,” he said at tuluyan ng tinawagan ang iba pang miyembro ng kanyang inner circle.
***
SOMEHWERE IN AZALEA
“Don Crisologo, nandito na po si Lia Montelibano,” sabi ni Jigger—ang kanyang right-hand man. Napangiti siya. Matagal na panahon niyang hinintay nag pagkakataong ito. Matagal niyang pinamanmanan at pinlano kung papaano niya kukunin ang dalaga. Ngayon na nagawa na niya ay walang mapagsidlan ang kanyang tuwa dahil nasa kanya na si Lia.
“Magaling. Where is she?” tanong niya. Lumapit siya sa kanyang liquor shelf at kinuha ang isang bote ng brandy. Isang Louis XIII de Remy Martin Rare Cask Grande Champagne Cognac—isa sa mga rare brandies sa buong mundo. Binuksan niya ito at nagsalin sa kanyang rock glass.
“Nasa guest room na po siya. Wala pong malay. May sugat lang po siya sa kanyang ulo,” sagot nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig.
“What did you say? May sugat siya? Sa ulo?” tanong niya at tumango si Jigger sa kanya. Hindi niya talaga nagustuhan ang kanyang narinig. Dahil dito ay mabilis niyang ibinato ka Jigger ang hawak na baso but unfortunately ay hindi ito tinamaan.
“Stupid! Hindi ba’t sinabi ko na ‘wag niyo siyang sasaktan?”
“Boss, nanlalaban po siya kaya we don’t have a choice,” sagot sa kanya ni Jigger. Huminga siya ng malalim. Isinantabi niya ang kanyang inis. Ang mahalaga ay nasa poder na niya si Lia.
“Get out of my sight. Make sure na bantayan niyo siya. Hindi siya pwedeng makalabas ng guest room hangga’t hindi ko sinasabi,” utos niya.
“Yes, boss. Masusunod po.” Lumabas na si Jigger at naiwan na naman siya sa kanyang opisina. Matapos ang ilang taong paghihintay ay sa wakas ay makakapiling na niya si Lia.
“You seem very happy.” Napatingin siya kay Gregory—ang lider ng Los Rojos.
“How did you get here?” tanong niya. Hinayaan lang niya itong lumapit sa kay=nyang liquor shelf at kumuha ng sariling alak.
“’Wag ka ng magtanong. Looks like you finally got her,” sabi nito at tumango naman siya.
“Yeah. And I am planning to do the great ceremony in Cosa Nostra. Walang papantay sa ceremony na magaganap!” sabi niya.
“Mind if I tell you that the eleventh boss is alive. I mean alive and kicking,” sabi sa kanya. Agad na napawi ang kanyang ngiti. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
“What? Totoo ba ‘yan? Bakit walang impormasyong lumilipad sa buong Cosa Nostra?” tanong niya.
“As usual the Cielo controls all of the information. Hawak na ng eleventh boss and Tamaguchi Clan.” Napaismid na lang siya. Akala niya ay tuluyan na nilang nailigpit ang natitirang tagapagmana ni Don Timoteo. Nagtagumpay man sila sa anak nitong si Rodel, nabigo naman sila kay Axel.
“We need to think another plan. Their dynasty should end,” sabi niya at nagsalin ng alak sa kanyang baso.