Chapter Forty-eight: Xia Needs Help Part I

1141 Words
Chapter Forty-eight: Xia Needs Help Part I                  “Well, that is strange,” sabi niya habang nakapangalumbaba sa kanyang desk. Malapit ng magsimula ang kanilang unang klase pero ang seatmate niya na si Xia ay hindi pa dumadating. Sa ilang buwan na naging magkaklase sila ay kahit papaano ay nakilala na niya ang dalaga. Alam nito kung gaano ka-conscious ang dalaga pagdating sa attendance nito. Minsan na kasi nitong sinabi sa kanya na may attendance award na ginagawad sa mga students na perfect attendance sa buong semester period. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya dahil hindi pa dumadating si Xia. Kadalasan din ay mas nauuna itong dumating kaysa sa kanya. “Maybe she is late?” sabi na naman niya at dumukdok na sa kanyang table. Pakiramdam niya kulang ang araw niya kapag wala si Xia. Not in a romantic way, nakakapanibago lang talaga para sa kanya. Pero lumipas na ang mga minuto at nagsimula na ang kanilang klase, walang Xia na pumasok. Maybe she is sick? Or something happened sa family niya?                  “Are you okay, boss?” Napatingin siya kay Celestine na binabato siya ng nag-aalalang tingin. Ngumiti naman siya at tumango. Mukhang hindi kumbinsido ang dalaga pero hindi na muli nangulit. Nasa canteen sila at kumakain ng lunch. Si Celestine at Harold lang ang kasama niya ngayon. Si Tony ay may klase pa. Ang iba naman ay wala siyang alam sa schedule ng mga ito. “May problema ka ba, boss Axel?” tanong ni Harold. Umiling naman siya. “Relax guys. I’m okay. Wala namang problema sa akin,” sagot niya. “Masyado ka kasing tahimik, boss. Very strange,” sabi naman ni Celestine. Napangiti siya ng alanganin. Iniisip niya na ganoon ba siya ka-obvious na may iniisip? “G-gano’n ba? Sorry. Iniisip ko lang kasi ang classmate kong si Xia,” sagot niya at pinagpatuloy na ang kanyang pagkain sa calderetang baka niya. “Xia?” tanong ni Celestine. “Si Xia. Classmate ni Boss Axel. Isa sa mga tumulong sa kanya noong may issue sila ni Mr. Diaz,” paliwanag ni Harold. “Anong problema kay Xia?” dugtong nito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. “I don’t know. I just feel strange about this day. Something is telling me na may nangyaring hindi maganda. It feels uncomfortable. Pakiramdam ko may nangyaring kakaiba kay Xia. Xia wants a perfect attendance this semester, kaya nagtataka ako bakit siya absent,” paliwanag niya. Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa at obvious na obvious sa mukha ni Celestine na may naiisip itong kakaiba. “Tine?” Agad namang lumingon sa kanya si Celestine. “May problema ba?” siya naman ang nagtatanong ngayon sa dalaga. “Wala naman. Baka intuition mo ang nagsasabi sa’yo, boss. You know, likas nas a mga heads ng Cielo ang magkaroon ng intuition. Ayon sa history ng family, Giovanni the first boss ay may malakas na intuition. The eight boss naman ang may mahina or almost non-existent intuition,” paliwanag ni Celestine sa kanya. “Boss, you should always trust your intuition. Intuition never fails.” “I know.”                  Natapos ang buong klase na walang Xia na dumating. Nagkaroon pa nga sila ng group project pero hindi na siya nagparticipate dahil sinabi niya sa kanyang professor na dalawa na lang sila ni Xia. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang kanilang professor at pumayag.                  Paglabas niya ng Business Management Building ay sinalubong siya ng malakas na pagbuhos ng ulan. Malakas din ang ihip ng hangin kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng ginaw. “Boss!” napalingon siya sa kaliwang bahagi ng hallway at nakita si Harold na ay dalang payong. “Tara na, para makauwi na tayo,” sabi niya at sabay na silang naglakad papuntang parking area.                  Pagdating nila sa parking area ay nakita niya sina Tony at Richard naman. Nakasandal si Richard sa sasakyan ni Harold at busy sa cellphone nito. “Yow!” bati niya at tumingin naman sa kanya si Richard. “Nandiyan ka na pala, Axe.” “It’s Xel. Call me Xel,” paglilinaw niya at mukhang hindi naman siya pinansin nito. “Hindi sasabay si Celestine?” tanong niya pagkapasok ng kotse. Umiling naman si Tony. “Mayroon daw siyang after class club. Nagkataon na sasabay sa atin itong si Richard,” sagot ni Tony. “Medyo maluwag na kasi ang schedules ko ngayon. Kaya talagang may time na ako para sa Liderlik,” sabi naman ni Richard. “Besides, gamit ni Bianca ang kotse ko,” dagdag pa nito. “Ah, okay.” Sumandal na siya sa sandalan at sumilip sa bintana. Malakas ang buhos ng ulan at halos mag-zero na ang visibility. Malakas na din ang pag-agos ng tubig-ulan sa windshield ni Harold. Binuksan ni Harold ang radyo at saktong may weather update.                  “Inaasahang patuloy na lalakas ang bagyong Jolina habang kumikilos sa gilid ng Eastern Teckslon at Sicione Region. Sa Setyembre 8-9 ito posibleng dumaan naman sa Northern-Central Azalea area - kasama ang Mista. Dahil sa Bagyong Jolina, inaasahan na ang katamtaman hanggang sa minsang malalakas na pagbugso ng hangin at katamtaman-malakas na pag-uulan sa Northern at Eastern Teckslon. Posibleng tumindi pa ito sa mga susunod na oras. Maulap na papawirin naman na may mga pag-uulan ang aasahan sa Tempest City, nalalabing bahagi ng Azalea dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong 'JOLINA' at habagat.”                  Napabuntong hininga siya dahil sa narinig na balita. No wonder at malakas ang ulan ngayon. Napatitig na lang siya sa labas ng bintana. Habang bumabyahe ay may nakita siyang pamilyar na babae. Agad niya itong hinabol ng tingin at nakumpirma ang kanyang nakita. “Stop the car,” sabi niya. Ramdam niya agad na tumingin sa kanya ang mga kasama. “What?” tanong ni Harold. “Just stop the car,” ulit niya. Hininto naman ni Harold ang sasakyan. Mabilis siyang lumabas ng kotse. Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Tuluyan na siyang nabasa ng ulan. Narinig pa niyang tinawag siya ni Tony pero hindi na niya ito pinansin. Ilang metro na din ang layo niya sa nakitang babae kaya tinakbo niya ito. “Xia?” tawag niya. Tumingin naman sa kanya si Xia. Nakaupo ito sa bangketa sa tapat ng isang bakery. Madumi ang mga pa anito at tila wala sa sarili. “X-xel?” Mabilis niya itong pinuntahan. Inalalayan niya itong tumayo. Kita din niya na mapula ang mat anito at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. “A-anong nangyari? Wait, you have to come with me.” Inalalayan niya ang dalaga at agad silang nakarating kung nasaan ang kotse ni Harold. Nang makita sila ni Richard ay mabilis itong hinubad ang suit at ipinatong sa balikat ng babae. “What happened?” tanong ni Richard. “I don’t know. Pero kailangan makauwi muna tayo. We need to warm her up.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD