Chapter Eighteen: Connor or Renato?

1466 Words
Chapter Eighteen: Connor or Renato?                  “Kumusta ang apo ko?” tanong ni Don Timoteo kina Harold at Tony. Kasalukuyan silang nasa amin house ng pamilya at pinatawag sila upang magbigay ng ulat tungkol sa kalagayan ni Axel. Humakbang papalapit si Harold at siya na ang sumagot sa tanong ng matanda. “Okay naman po siya. Sa susunod na linggo ay may huling session sila ni Dr. Linda Smith then after that ay good to go na po si Boss Axel,” sabi ni Harold at tumango naman si Don Timoteo. “Magaling kung ganoon. May mga kakaiba bang nangyari?” tanong ulit nito at dito na nagkatinginan sina Tony at Harold. Humakbang papalapit si Tony at sinagot ang tanong ng matanda. “May ilang tauhan po ng Castellejo Family ang nakitang umaaligid sa bahay ni Mama Natalie. Mabuti na lang po at may mga naka-stand by na mga tauhan natin at nadispatsa agad nila. Mukhang kumakalat na sa buong society ang kalagayan ni Axel,” sagot ni Tony. Dinig nila ang malalim na pagbuntong hininga ng matanda. Kailangan nilang mag-ingat ngayon lalo pa’t mabilis pa sa apoy ang balita tungkol kay Axel. Hanggang ngayon ay hindi pa din nila natutunton kung sinong pamilya o grupo ang may pakana ng aksidente tatlong taon na ang nakakalipas. “Don Timoteo?” tawag ni Harold at tumingin naman sa kanya ang matanda. “Ano iyon, Harold?” “What if po, oras na para isailalim si Axel sa training? Ang mangyayari po ay back to zero po ang lahat,” sabi niya. Ilang segundong natahimik si Don Timoteo. Tinitimbang ang mga pros and cons sa ideya ni Harold. “Siguro nga tama ka. Hindi naman habang buhay ay maitatago natin ang kanyang kalagayan at ang tungkol sa ating pamilya. Hindi pwedeng iaasa lang natin sa mga tauhan ang kanilang kaligtasan,” sabi ni Don Timoteo. “Si Connor po ba ulit ang ipapadala niyo?” tanong ni Tony at mabilis na umiling si Don Timoteo. “Wala si Connor sa bansa ngayon. Pinadala ko siya sa ibang bansa upang siya ang mag-supervise ng ilang shipments doon,” sagot ng matanda. “Sino po ang ipapadala niyo?” tanong ni Harold. “Si Renato. Si Renato lang ang available. Pauwi na siya ngayon galing sa ibang bansa. Baka next week ay mag-start na siya.” Pareho silang nanginig nang marinig ang pangalang binanggit ni Don Timoteo. Alam nilang pareho kung gaano kalupit at kabagsik si Renato—ang pinakamagaling na hitman ni Don Timoteo. “S-si Renato po?” paglilinaw ni Harold at tumango ang matanda sa kanila. “Oo, si Renato. May problema ba kung siya ang ipapadala ko kay Axel ay si Renato?” Ngumiti sila ng alanganin. “Don Timoteo, hindi po ba parang mas mabibigla si Axel kung si Renato ang ipadadala niyo bilang trainer niya? We all know na galing sa three years comatose state si Axel at baka makasama ang mga ipapagawa ni Renato. Knowing him, masyado siyang brutal,” katwiran ni Tony. Tinaasan lang siya ng kilay ni Don Timoteo. “I believe na mas epektibong trainer si Renato kumpara kay Connor. Dahil kung epektibo si Connor, hindi mangyayari kay Axel ang aksidente,” sagot ng matanda. Natahimik silang dalawa. Kung tutuusin ay tama ang sinabi ni Don Timoteo. “Kaya po ba nasa ibang bansa si Connor? Punishment niyo po?” tanong ni Harold. Nakita nila ang paghigpit ng matanda sa hawak nito sa arm rest. “Hindi ko kayang tingnan si Connor. Hindi ko mapigilang sisihin siya dahil sa nangyari. Kung maayos niyang na-train si Axel ay mabilis nitong malalaman ang kahalagahan ng intuition at gut feelings. Hindi niya nagawa ng maayos ang kanyang trabaho at ayoko ng maulit pa ang bangungot na iyon. Baka sa susunod na mangyari ay hindi na mabuhay pa si Axel at matulad sa kanyang ama. Ayokong maranasan ulit na mawalan ng mahal sa buhay. Baka hindi ko na kayanin pa.” Nagkatinginan sina Harold at Tony at sabay na yumuko. Para sa kanila ay tama ang sinabi ng matanda. Mas may tiwala sila sa kakayahan ni Renato kumpara kay Connor. Nagkulang sa pagtuturo si Connor. Pero kung si Renato ang naging guro ni Axel noon pa man ay malamang hindi sana naranasan ni Axel ang aksidente. Sa ngayon ay magiging back to zero lahat ang mga trainings ni Axel. Problema pa nila dahil nawala ang alaala ng kanilang kaibigan kaya kailangan ulit nila ipakilala ang background ng pamilya. ***                    “Wow! Bakit ngayon lang ako lumabas ng bahay?” tanong ni Axel habang naglalakad sa parke na nasa loob lang din ng subdivision nila. Sa tagal niyang nakatira sa bahay ni Natalie ay ngayon lang niya naisip na lumabas ng bahay. Sinamantala niyang wala sila Harold o Tony sa kanilang bahay. Pakiramdam niya ay binabantayan siya ng dalawa eh. Hindi siya makagalaw ng maayos. Sa kanyang paglalakad ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang babae. Napasimangot siya nang makita ang tatlong lalaki na nakapalibot sa babae at mukhang binabastos. Nakita niyang hinawakan ng isang lalaking nakademin jacket ang pisngi ng babae at mabilis itong umiwas. “Aba’t loko mga ‘yun ah. Maturuan nga ng leksyon,” bulong niya. I maybe a f*cker but I don’t disrespect women. Minamahal sila at pinaliligaya. Hindi sinasaktan at binabastos. Wala siyang pasabing lumapit at hinatak ang lalaking naka-denim jacket at agad niyag inundayan ng suntok sa mukha ito. Mukhang nagulat ang grupo dahil sa biglang pagsulpot niya. “P*ta! Sino ka ba?!” sigaw nito sa kanya. “Huwag niyong binabastos ang babae ah!” sigaw niya. Nakatayo ang lalaking naka-denim jacket at sinuntok siya. Mabuti na lamang at nakailag siya at agad na tinuhod ang sikmura nito. Ang mga kasama naman nito ay mabilis na gumati at inundayan din siya ng suntok at sipa pero mabilis niya itong naiilagan. Nakita niya ang isang trash bin sa gilid at binuhat ito saka ibinato sa tatlong lalaki. Hindi niya pa mapigilang matawa nang makitang natamaan sa ulo ang isa. Nakita niya ang isang sanga ng puno at pinaghahampas niya ito sa tatlong lalaki. “’Wag na ‘wag kayong mambabastos nga babae! Minamahal ang babae! Naiintindihan niyo?!” sigaw niya at mabilis na tumango ang tatlong lalaki at hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang mga ito at tumakbo na papalayo sa kanya. Tiningnan niya ang babae at ngayon lang niya nakilala ang babae. Siguro nga kahit saang mundo siya mapadpad ay magtatagpo pa din ang kanilang landas. “Victoria?” tanong niya. “A-axel? Naaalala mo ako?” tanong sa kanya. Natigilan naman siya. Ibig sabihin ay magkakilala na sila ni Axe? “Oo? ‘Di ba Victoria pangalan mo?” alanganing sagot niya at ngumiti ang babae sa kanya. “Oo pero ngayon mo lang ako tinawag na Victoria.” “Bakit ano ba pangalan mo?” tanong niya. “Kirsten. Victoria Kirsten,” sagot nito sa kanya. Kirsten? Wait? “Axel?” Napalingon siya sa batang babae. “Axel!” sigaw nito at mabilis siyang dinaluhan. Hinawakan nito ang kanyang braso at tinulungang tumayo. “Okay ka lang?” tanong sa kanya. Umiling siya bilang sagot. “Halika, dadalhin kita sa clinic! Malapit lang clinic ni Dr. Shawn dito,” sabi nito sa kanya ngunit mabilis siyang umiling. Inayos na lamang niya ang kanyang bag at nagsimulang maglakad. “Axel! Teka lang!” sigaw nito sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang batang babae. Naramdaman niya ang malabot at maliit nitong kamay sa kaliwang braso niya. “Ihahatid kita sa bahay niyo. Kapag binalikan ka ng damulag na iyon, ako makakaharap niya!” sabi nito sa kanya at pinakita pa ang bicep nito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ng batang babae. Akala mo ay may ibubuga talaga.                  Pagdating sa bahay nila ay ganoon na lamang ang gulat ng kanyang ina na si Natalie nang makita siyang may mga sugat sa palad at tuhod niya. “Axel, anak! A-anong nangyari?” tanong ng ina sa kanya. “Mrs. Natalie, tinulak po kasi siya ni damulag,” sagot ng batang babae. “Damulag? Sino?” “Hindi ko po alam ang name pero mataba siya at malaki kaya damulag ang tawag ko sa kanya,” sagot ng batang babae. Huminga ng malalim ang kanyang ina at pinapasok agad sila sa loob. Naupo sila sa sofa habang kinukuha ng kanyang ina ang first aid kit sa c.r. nila. Tumingin siya sa batang babae at ngumiti. “T-thank you, Kirsten,” sabi niya. Lumaki ang ngiti ng batang babae. “Welcome, Axel!” Pagkatapos gamutin ng kanyang ina ang mga sugat niya ay nilutuan sila ng kanyang ina ng pancakes na masaya nilang pinagsaluhan ni Kirsten. Damn! Siya ang batang babae sa panaginip ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD