Chapter Seventeen: The Chances Given to Him

1235 Words
Chapter Seventeen: The Chances Given to Him                  Gusto niyang iumpog ang kanyang ulo sa pader dahil sa kanyang mga nalaman. Hindi siya makapaniwala na tatay ni Axe si Lt. Rodel Carmen. Ang police lieutenant na halos itinuring niyang ama noong nabubuhay pa siya sa mundo niya. Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. “F*ck! Tatay ni Axe si Lt. Carmen! Does it mean na tatay ko talaga siya sa mundo ko? Pero malabong mangyari iyon. Dahil lang ba sa pareho kami ng surname? Kung tatay ko nga siya, bakit niya ako pinabayaan? Kung may Natalie nga sa mundo ko, bakit niya ako pinabayaan? Bakit iniwan niya ako sa orphanage?” tanong niya sa kanyang sarili. Kasalukuyan siyang nasa kwarto niya at halos hindi na siya nakatulog dahil sa kakaisip sa tatay ni Axe. Kahit kurap ng mata ay hindi niya nagawa dahil sa mga bagay na bumabagabag sa kanya. “Mukhang nai-stress ka sa revelation ni Natalie ah.” Napalingon siya sa cabinet niya at napaikot na lang niya ang kanyang mga mata dahil muli na namang sumulpot si Kronos. “Akala ko ba busy ka?” tanong niya at napasandal na lang sa kanyang swivel chair. “Busy ako pero I can make time naman. So, stress ka na ba?” sabi sa kanya at tiningnan niya ito ng seryoso. Natawa naman si Kronos dahil sa kanyang hitsura. Humalakhak ito ng humalakhak at halos gumulong na sa sahig nila. Mas lalo siyang nainis dahil parang iniinsulto siya sa pagtawa nito. Tumayo na siya at pumasok sa banyo na nasa loob din ng kanyang kwarto. Dito na niya nakita ang kanyang hitsura sa salamin. Eyebags sa magkabilang mata at halatang pagod na pagod siya. Pagod na pagod siya kakaisip ang tungkol kay Lt. Carmen. Naiiling na lang siya at naghilamos ng kanyang mukha. Kahit papaano ay naginhawaan ang pakiramdam niya. Patuloy pa din ang paghalakhak ni Kronos kaya sa asar niya ay kinuha niya ang isang tuwalya niya at inihagis sa administrator ng parallel worlds. Tumama naman ang tuwalya sa mukha ni Kronos. “Maingay ka. Marinig ka ni Natalie,” sabi niya. “Hindi naman nila ako maririnig. Ikaw lang ang nakakakita at nakakarinig sa akin,” sabi nito sa kanya. Napakunot namana ng noo niya dahil sa sinabi nito. “Ano ka? Multo?” tanong niya at nagkibit-balikat naman ang lalaki. “Parang ganoon nan ga. Makikita nila ako if I let them. Besides, after so many years ay may nakakausap ako. Hirap kaya walang kausap,” sabi nito at humiga pa sa kanyang kama. “Wow, feel at home ah,” sabi niya at muling umupo sa swivel chair. “Gusto mo bang malaman ang tungkol sa ina mo?” “You mean Axe’s mother?” tanong niya at umiling naman si Kronos. “Nope!” sabi nito. He even popped the letter Pp. “Nanay ko? May alam ka tungkol sa kanya?” Bumangon si Kronos at naupo sa tapat niya. “Of course! I am the f*cking administrator if the f*cking parallel worlds! Kaya alam ko ang lahat maging ang tungkol sa mga ninuno mo,” sagot nito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang kanyang mararamdaman. Ngayon ay may pagkakataon na siyang malaman ang tungkol sa tunay niyang magulang. Noon naman ay wala siyang pakialam dahil katwiran niya ay pinabayaan naman kasi siya so bakit pa siya mag-aaksaya na alamin ang pagkakakilanlan nila. Pero ngayon ay nakilala niya si Natalie at nalaman pa na ang ama ni Axe ay si Lt. Carmen ay umusbong ang mga katanungan sa kanyang isipan. Parallel worlds—ang mga alternatibong mundo kung saan ay puno ito ng iba’t ibang reyalidad. Kaya malaki ang posibilidad na totoong tatay nga niya si Lt. Carmen. Kaya ba mabait si Lt. Carmen sa akin? Kung sana lang hindi niya kinansel ang leave ko ay hindi sana ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. “So, sino ang nanay ko?” tanong niya. “Si Natalie,” sagot sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin. Sabi na nga ba. Isang Natalie din ang nanay ko. “Hindi na ako nagulat pa,” sabi niya. “Bakit ako iniwan ng nanay ko sa orphanage?” “Sa pagkakatanda ko ay napagsamantalahan si Natalie noong nasa kolehiyo palang siya.” Natigilan siya sa narinig. “What? Totoo ba ‘yan?” tanong niya at kahit nakasuot ito ng sunglasses ay alam niyang inirapan siya nito. “Mukha ba akong nagsisinungaling. Anyway, ‘yun nan ga pinagsamantalahan siya ng isang college student. Isang criminology student named Rodel Carmen Santos.” “At ako ang bunga?” Tumango naman si Kronos. Napasandal siya sa kanyang swivel chair. Natahimik siya at nalungkot para sa kanyang ina. No wonder kaya niya ako iniwan. “Pero hinanap ka niya.” Napalingon siya kay Kronos. “Hinanap? Ako? Bakit naman? Obvious naman na ako ang bunga ng pambababoy sa kanya ni Lt. Carmen,” sabi niya. “Hinanap ka niya. Binalikan ka niya sa orphanage pagkatapos ng tatlong taon pero habang papunta siya doon ay naaksidente ang sinasakyan niyang bus. Kaya nawalan na siya ng pagkakataon na makita at mabawi ka niya,” paliwanag sa kanya ni Kronos. Dama niya ang bigat ng kanyang dibdib. May dahilan ang kanyang ina para pabayaan siya pero nang babalikan siya ay naaksidente naman ito. Nawalan sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa. Pero nawalan nga ba? “Kronos?” “Hmm?” “Nawalan kami ng pagkakataong makilala ang isa’t isa ‘di ba?” tanong niya ngunit hindi sumagot si Kronos sa kanya. “What if, ito na ang pagkakataon ko? Pagkakataon namin?” “Kung iyan ang naiisip mo at gusto mong paniwalaan ay hindi naman kita pagbabawalan. Nasa sa iyo na kung ano ang gusto mong paniwalaan,” sabi nito sa kanya. Tumayo na si Kronos mula sa kanyang kama at nag-inat-inat pa. Maging ang buhok ay inayos nito. “Anyway, have a nice day,” sabi nito sa kanya at tuluyan ng pumasok sa closet niya. Hindi na siya nagulat pa nang maglaho ito ng tuluyan. Napatingin siya sa pintuan nang makarinig siya ng pagkatok. Tatlong katok ang narinig niya bago niya narinig ang boses ni Natalie. “Axel, anak? Gising ka na ba?” tanong nito sa kanya. Napatingin siya sa orasan na nakapatong sa study table at bumuntong hininga. Hindi na niya napansin na halos mataas na ang araw. Seven thirty-seven in the morning. Tumayo na siya at pinagbuksan ang ginang. Bumungad sa kanya ang ginang na nakangiti, may suot itong itim na headband at pink na apron. Ewan ko ba niya gusto niyang maiyak. Gusto niyang maiyak dahil sa nalaman niya tungkol sa kanyang ina. Gusto niyang bumawi. Hindi man sa totoong Natalie na siyang ina niya, kahit papaano ay mapakita niya ang kanyang pagmamahal bilang anak at maramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito. Lumapit siya sa ginang at niyakap niya ito ng mahigpit. Mukhang nabigla ang ginang ngunit kalaunan ay naramdaman niya ang pagsagot sa kanyang mga yakap. “May problem aba? May masakit ba sa’yo?” tanong sa kanya ni Natalie. Umiling siya. “Mama.” Sa unang pagkakataon ay nasabi niya ito na bukal at mula sa puso. Hindi siya napipilitan lamang. “Mama, mahal kita.” “Mahal din kita, Axel.” At nadama niya ang pagmamahal ng isang ina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD