Chapter Ninteen: Renato—the greatest hitman!

1103 Words
Chapter Ninteen: Renato—the greatest hitman!                  Kanina pa walang tigil sa pagtunog ang kanyang telepono. Makailang beses na din niyang hindi ito pinansin pero mukhang hindi susuko ang tumatawag sa kanya. Inihagis niya ang conforter na gamit at mabilis na tinungo ang telepono. Halos wala siyang saplot nang lumakad sa loob ng kanyang apartment. Katwiran niya ay siya lang naman mag-isa sa loob ng apartment niya. “Hello?” sagot niya. “Renato.” Napataas na lang ang kilay niya nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Walang iba kung hindi si Don Timoteo Santos—ang kanyang amo. “Ikaw pala Don Timoteo. Pasensya na hindi ko nasagot ang tawag mo,” sabi niya. “Okay lang. Alam ko naman na galing ka sa biyahe,” sagot naman ni Don Timoteo mula sa kabilang linya. Dinig niya ang pagbuntong hininga ng matanda. “Renato, I want you to train Axel.” Napakunot ang noo niya dahil sa narinig. “Train? Si Axel? G-gising na ba siya?” sunod-sunod na tanong niya. Walang nakarating na balita sa kanya na gising na ang apo nitong si Axel. Not unless na kinokontrol ng buong grupo ang paglabas ng impormasyon. “Yes. Well you see, almost four months ago na ang nakalilipas mula ng magising si Axel from three years comatose state. It was a miracle actually. Maybe two weeks after niya magising he took his physical therapy and he was able to walk again. The thing is he lost his memories. Hindi niya maalala kung sino talaga siya,” paliwanag sa kanya ni Don Timoteo. “Why me, Don Timoteo? Hindi ba’t si Connor ang may hawak kay Axel?” tanong niya. Sa pagkakatanda niya for the two years ay si Connor ang trainer ng apo nito. “Connor failed me. Ayoko nang maulit ang bangungot na iyon that’s why I want you to teach him. Everything, telling who are us, who he is, where he belongs, who are his inner circle. The family’s business and especially the intuition and gut feelings. Iyon ang hindi naituro ni Connor kay Axel.” Gusto niyang paikutan ng mata ang matanda. Alam naman nila ang intuitions and gut feelings ay hindi naituturo. Taglay na talaga ng isang tao ang mga bagay na iyon pero too bad, Don Timoteo’s grandchild doesn’t have it. “Kailan ako magsisimula?” tanong niya. Sandaling nanahimik si Don Timoteo. “As soon as possible, Renato. Hangga’t kaya pa namin harangin ang mga nagtatangka sa buhay niya.” “As you wish, Don Timoteo.” Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay agad siyang nag-asikaso ng kanyang sarili. Mabilis na pagligo ang ginawa niya at nagbihis siya ng kanyang signature outfit. Black long slevees at black slacks na pinaresan niya ng black leather shoes. Ang kanyang itim na buhok ay itinali niya ng isang mababang ponytail. Sinuot din niya ang kanyang antipara na may itim na frame. Inayos niya ang kanyang holster at isinuot ito. Maingat niyang nilagay ang dalawang paborito niyang baril. Ang CZ 75 na gawa pa mula sa bansang Czechzonia. Hindi nagtagal ay lumabas na siya ng kanyang apartment at sinalubong siya ng mataas na sinag ng araw. Maingat ang bawat paghakbang niya pababa sa apartment niya at sumakay sa kanyang puting Corvette c8. Siya si Apollo Renato o mas kilala bilang Renato. Apo siya sa pamangkin ni Don Timoteo at halos sa poder na ng matanda lumaki. Isa siya sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Don Timoteo at ang pinakamagaling na hitman sa kanilang society. Aminado siyang maraming takot sa kanya at kahit minsan ay hindi pa pumalya ang kanyang mga tira. One hit, one shot, one dead kung siya ay magtrabaho. Kaya ganoon na lang ang gulat niya ngayon na binigyan siya ng misyon at ito ang maging trainer ng apo nitong si Axel Santos.                  Mula pa siya sa bayan ng Quirone at ilang oras din ang magiging biyahe niya papunta sa main house ng pamilya na nasa Mista. Alam niyang sa lungsod ng Mista din nakatira ngayon ang apo ni Don Timoteo. Hindi niya maiwasang ma-excite na tingnan ang kalagayan ngayon ni Axel Santos. ***                  “Buti na lang dumating ka Axe, nakakatakot ang mga lalaking iyon,” sabi ni Victoria sa kanya. Kasalukuyan silang nasa parke at kumakain ng ice cream. Kanina niya pa pinagmamasdan ang babae at kinukumpara ito sa Victoria sa mundo niya. Kung ang Victoriang kilala niya ay bubbly, fierce, at independent, itong nasa harapan naman niya ay timid, shy, and dependent. Hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili unlike sa Victoriang kilala niya na kayang sipain ang balls ng kung sino mang bumabastos. Napangiti na lang siya. Pareho man ng mukha at pangalan sila pero magkaiba ang kanilang mga personalities. Malayong-malayo sa mga taong kilala niya. “Oo nga eh. Buti na lang talaga. Baka kung ano na ang nagawa nila sa’yo kung hindi ako napadaan,” sagot niya at dinilaan ang ice cream na hawak niya. “Hindi pala nakita noong nagpa-welcome party sina Harold.” Ngumiti ng alanganin si Victoria sa kanya. “Ah, nasa ibang bansa ako that time. Pero ibinalita naman sa akin ni Kuya Richard ang nangyari sa’yo. Alam mob a tuwang-tuwa ako na malaman na gising ka na! Dininig ng panginoon ang dasal naming lahat. Mabuti na lang hindi kami sumuko sa’yo. Ilang beses nang sinabihan ng mga doktor si Mama Natalie na ‘wag ka na daw pahirapan at patayin na ang life support machine mo.” “You mean euthanasia?” tanong niya at mabilis na tumango si Victoria. “Oo iyon nga. Pero mabilis na tinanggihan iyon ni Mama Natalie. Ayaw niyang sumuko. Naniniwala siyang gigising ka at sa wakas ay natupad na ang dasal naming lahat. You’re back Axe!” Ngumiti siya. Kung pwede lang niyang sabihin na si Axel na kilala nila ay pumanaw na at siya ang pumalit. Kaso kahit naman sabihin niya ay hindi naman siya paniniwalaan just like Dr. Linda Smith. Kapag naalala niya ang doktor na iyon ay gusto na lang niya sakalin ito. Palagi nitong sinasabi na may PTSD siya. “Umm… Victoria?” “Bakit?” “Please call me Xel,” sabi niya. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng dalaga. “Xel? Why?” Nagkibit-balikat na lamang siya. “Wala lang. You know, this is my second life. Just want to start over again. Xel is cool right? Kumpara mo sa Axe?” sabi niya at ngumiti na lang sa kanya si Victoria. “Yeah. So from now on, Xel na ang itatawag ko sa’yo,” sabi ni Victoria sa kanya. “Yeah! I like it!”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD