Chapter Twenty: I don’t do favoritism.

1142 Words
Chapter Twenty: I don’t do favoritism.                  Alas kuwatro na ng hapon nang makarating si Renato sa main house ng pamilya. Katulad ng dati ay bantay sarado ang buong estate. Hindi na niya bilang kung ilang guwardya ang nagbabantay sa buong estate. Bago siya makapasok ng tuluyan sa loob ng estate ay pinahinto muna siya ng isang guwardiya at pinababa ang bintana niya. “Kumusta?” tanong niya at agad naman siyang nakilala ng guwardiya. “Kayo po pala Sir Apollo! Okay naman po dito!” sagot ng gwardiya. “Mabuti naman kung gan’on. Pwede na baa ko makapasok?” tanong niya ulit. “Pwedeng-pwede naman. Takot lang ako mabaril mo,” biro nito sa kanya. Hindi naman nagtagal ay tuluyan ng binuksan ang malaking tarangkahan ng estate at pinapasok na din siya. Pagdating niya sa front door ay sinalubong siya ng isang valet. Mabilis niyang binigay ang susi ng kanyang Corvette. Alam naman na ng valet ang dapat nitong gawin. Tiwala naman siya dito. Sa mahigit isa’t kalahating taong pananalagi niya sa ibang bansa ay halos wala namang nagbago sa hitsura ng main house. Sumisigaw sa karangyaan ang bawat muebles sa loob ng bahay na ito. Mula sa chandelier hanggang sa carpet ay talagang galing mula sa mga dekalidad na materyales. Malaki ang main house ng pamilyang ito. Sa pagkakaalam niya ay simula pa sa unang henerasyon ng Santos ang kwento ng main house na ito. Si Don Timoteo ang ika-sampung henerasyon at ngayon nga, si Axel ang panglabing-isang henerasyon na magmamana ng buong organisasyon ng pamilya. Umakyat siya sa ikatlong palapag ng bahay kung nasaan ang opisina ni Don Timoteo. Pagdating niya doon ay nakita niya si Bernard—ang right-hand man ni Don Timoteo. Nang makita siya ay nagtanguan lang silang dalawa at pinagbuksan siya nito ng pinto. Pagpasok niya ay naabutan niya si Don Timoteo na nakadungaw sa malaki nitong bintana at tinatanaw ang malawak na hardin ng estate. “Mabuti at nakarating ka,” sabi ni Don Timoteo sa kanya. “I want to start as soon as possible, Don Timoteo,” sagot niya. Lumingon na sa kanya ang matanda. Hindi niya mapagkakailang matanda na si Don Timoteo. Puti na ang buhok, kulubot na ang balat, at medyo mahina na din ang mga binti ngunit taglay pa din ng matanda ang awra ng isang pagiging boss. Ang pinuno na kinatatakunan noon ng buong society. “Mabuti kung ganoon. That’s why I like you. Look at the folder, nandiyan ang information about kay Axel including his health.” Nakita niya ang isang brown folder sa ibabaw ng mahogany table at kinuha niya ito. Binuksan niya ito at lumantad sa kanya ang larawan ni Axel Santos. Sa tingin niya ay recent photos ito. Binasa niya ang mga nakasulat at kahit papaano ay napabilib siya. Sa loob lamang ng tatlong buwan mula ng magising ang binata ay halos naka-recover na ito. Hindi lang niya mapigilang magsalubong ang kanyang kilay nang mabasa ang mga katagang PTSD—Post Traumatic Stress Disorder. May nakita pa siyang pirma ni Dr. Linda Smith. “PTSD?” tanong niya at tumingin kay Don Timoteo. Napatango naman ang matanda sa kanya. “Yes, PTSD. Post Traumatic Stress Disorder. Iyan ang diagnosis ni Dr. Smith. Maybe na-trauma ng husto ang apo ko kaya he forgot his memories,” sabi ni Don Timoteo. Ayaw niyang maniwala sa ganitong diagnosis. “Trauma? Don Timoteo, sigurado ka ba sa gusto mo? Let’s say na traumatic nga sa kanya ang nangyaring aksidente, papaano mo pa siya mapaipapasok sa ating society. Mas traumatic ang society natin,” sabi niya. Natahimik ng sandali si Don Timoteo. “But I don’t have a choice, Renato. Hindi ko naman pwedeng hahayaang matapos ang pamilya sa akin. I need successor. Kung hindi naman namatay si Rodel ay hindi ako mamomoblema ng ganito. Masyado pang bata para hilahin ang apo ko sa dark side ng ating mundo pero wala naman akong magagawa. Cielo needs to continue.” At hindi na siya tumutol pa sa sinabi ni Don Timoteo. Tama, Cielo must continue. Hindi pwedeng mawala sa mundo ang Cielo.  “Then, I will observe him first,” sabi niya at tumalikod na. Bago pa siya makalabas ay muling nagsalita si Don Timoteo. “Renato, please be gentle on him.” Napaismid siya. “Too bad, Don Timoteo. I don’t do favoritism.” At tuluyan na siyang lumabas ng opisna ng matanda.                  “Maghinay-hinay ka naman sa pagtrain kay Axel,” sabi ni Bernard pagkalabas niya ng opisina. “Aba, hindi pwedeng gan’on. Papaano matututo ang tao? Alam niyo naman ang pamamaraan ko,” sabi niya at natawa na lang sa kanya si Bernard. Kilala siya sa kanilang society bilang isang brutal at malupit na trainer. Ilang anak na din ng mga pamilya ang kanyang naging estudyante at talaga namang lumuluha ng dugo ang mga iyon. “Pero please bear in mind na kagagaling lang niya ng three years comatose state. Baka bigla na lang ma-coma ulit si Axel.” “Yeah right. Sisikapin ko,” sabi niya at tuluyan ng tumalikod. “Baka gusto mong magkape muna?” sabi ni Bernard at napatigil naman siya sa paglalakd. Muli niyang nilingon ang lalaki. “May espresso?” tanong niya. “We have our own barista here. Kaya ‘wag kang mag-alala,” sagot sa kanya at sabay silang nagtungo sa kitchen ng mansion. ***                  “Harold,” tawag ni Axel kay Harold. Kasalukuyan silang nasa bahay nila at naghahapunan. Tumigil naman sa pagkain si Harold at tumingin sa kanya. “Bakit Boss Axel?” tanong sa kanya at napaikot naman ang mata niya. “Bakit ba boss tawag mo sa akin? May-ari ba ako ng isang company? O baka naman isang gang? Organization? Mafia?” sunod-sunod niyang tanong. Mukha namang naghahanap ng tamang sasabihin si Harold. Isa ito sa napansin niya, ang Harold na nasa harapan niya ay pinag-iisipang maiigi kung ano ang sasabihin. Hindi tulad ng Harold na nakasama niya sa kanyang mundo na parang ewan lang. “Ano kasi, that’s my sign of respect,” sagot sa kanya. “May napapansin ako sa’yo. Bakit ba mukha kang tensyonado kahit nandito ka sa loob ng bahay?” tanong niya. “Umm… mukha ba? Huwag mo na lang ako pansinin masyado Axel,” sabi sa kanya. “Can’t do that. Ikaw na nga lang ang kilala ko dito,” sabi niya at mukhang nagtataka naman si Harold sa kanya. “Ako? I mean, ako lang naman nakikilala mo dito ‘di ba?” “Not really. Familiar face lang kumbaga. Ay teka, nandito nga din pala si Victoria.” “Victoria?” “You know her? Victoria? Victoria Kirsten?” Napa-oh na lang si Harold sa kanya. Sa totoo lang, nagsisimula na siyang maboring sa buhay niya dito. Sanay siyang may hinahawakang murder cases sa mundo niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD