Chapter Thirty-seven: Intuition
“You made what?” tanong ni Renato sa kanya matapos niyang ikwento ang lahat ng mga napag-usapan nila ng kumicho ng Tamaguchi Clan na si Chester Tamaguchi. At base sa boses nito ay tutol ito sa kanyang desisyon.
“You made an alliance with him? With the Tamaguchi Clan?” tanong ulit sa kanya. Tumango naman siya at sumimsim ng kanyang black coffee. Kasalukuyan silang nasa dinning table ng kanilang bahay at kararating lang nila galing sa headquarters ng Tamaguchi Clan. Pasado alas onse na din ng gabi.
Tumagal ang pag-uusap nil ani Kumicho Chester ng halos isa’t kalahating oras. Noong lumabas na sila ng building ay mabilis silang sumakay ng kotse at humarurot pauwi.
“Bakit hindi mo pinigilan, Harold?” tanong nito at tiningnan nito si Harold. Agad namang napayuko ang kasama niya.
“I tried but I’m the right-hand man. I respect what is my boss’ decision,” sagot nito at dinig nila ang pagbuntong hininga ng hitman. Tumingin naman ito kay Tony.
“Ikaw, bakit hindi mo pinigilan?” tanong nito at ngumiti lang ng alanganin si Tony sabay kamot sa ulo nito.
“I don’t know what to say that’s why I keep my mouth shut,” sagot nito. Kitang kita nila ang inis na mukha ni Renato. Napahilamos pa ito ng mukha.
“Whay are you like that? Mali ba ang ginawa ko?” tanong niya. Mabilis siyang tiningnan ng masama ni Renato.
“Obviously, yes! That was a very impulsive decision! Dapat pala ako na nakipag-usap doon!” sabi nito.
“Ang arte mo kasi, Sir Renats. May diplomatic training ka pang nalalaman. Don’t blame me, okay? Gusto ko lang tulungan si Angel and I will do everything to help her,” sagot naman niya at napasandal na sa dinning chair na inuupan niya.
“Kilala ang Tamaguchi Clan for extortion, p*rnography, drug trafficking, and even prostitution. Being allied to Cielo Famiglia will put them on advantage at gagamitin nila ang pangalan natin to strengthen their activities,” sabi nito sa kanya. “Kaya nga ilang beses na siyang nakikipag-alyansa kay Don Timoteo at makailang beses na din siyang hindi pinagbibigyan ni Don Timoteo,” dagdag pa nito.
“Well, technically it’s your fault,” sabi niya at nanlaki naman ang mga mat ani Renato sa kanya.
“What?”
“It’s your fault. Hindi moa ko inorient about sa kanila. To the groups and families that I can offer an alliance. Wala kang sinabi. I’m just a trainee and it’s your responsibility as a trainer to educate me well.”
Napaismid siya. Kung sinisisi siya dahil sa pagkakamali niyang makipag-alyansa sa Tamaguchi Clan, well hindi din siya magpapatalo. Sisisihin din niya ang hitman.
It’s unfair! Nagagalit siya at sinisisi ako? Aba, hindi naman niya ako sinabihan! Wala naman siyang ginawa kung hindi patakbuhin ako nang patakbuhin. Paakyatin ng bundok! Ilalapag lang niya ang mga libro sa harapan ko without explaining every detail!
“It’s my fault?” tanong nito sa kanya.
“Obviously,” sagot niya at inubos na ang natitirang black coffee sa kanyang mug. Nakita niyang tumingin ang hitman sa dalawa niyang kasama at nagtanong din.
“It’s my fault?” Dahan-dahan namang tumango sina Tony at Henry.
“See? Kaya ‘wag mo akong batuhin ng ganyang tono. I don’t care who you are pero kapag sinisisi mo ako sa bagay na dapat sana ay itinuturo mo sa akin. Hindi ko kasalanan na hindi ko alam,” sabi niya.
“Ignorance is not an excuse!”
“I’m ignorant because of you.” Natahimik na ang hitman. Mukhang alam nitong wala ng patutunguhan ang kanilang pag-uusap. They’re just running in circles.
“’Wag kayong mag-alala. I can feel it na hindi gagawin iyon ni Kumicho Chester. Mukhang hindi sasayangin ni Kumicho Chester ang pagkakataong ibinigay ko lalo na’t ilang beses na pala siyang tinanggihan ni Don Timoteo,” he said at tumayo na. nag-stretching pa siya para mawala ang pananakit ng kanyang katawan.
“How can you say so, Boss Axel?” tanong ni Harold.
“Simple lang. My intuition said so,” sagot niya at tinuro pa niya ulo niya Mukha namang gulat ang tatlo sa kanya. “Anyway, maiwan ko na kayo. I’m exhausted.” Tumalikod na siya at umakyat papunta sa kanyang kwarto.
Pag-pasok niya sa kanyang silid ay agad siyang naligo at ramdam niya ang pag-tanggal ng alikabok sa kanyang katawan. Na-relax ang kanyang katawan dahil sa mainit na tubig. Pagkatapos ay nagsuot lang siya ng boxer shorts at agad na nag-dive sa kanyang kama. Hindi nagtagal ay dinuyan na din siya ng antok.
***
“Tama ba narinig ko?” tanong ni Harold at napatingin sa kanya. Maging siya ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
“Lahat tayo narinig iyon,” sabi ni Tony.
“Intuition? Hindi ba’t wala siya ng bagay na iyon?” tanong ni Harold. “Kaya nga hindi niya naramdaman o nalaman na magkakaroon siya ng aksidente,” dugtong pa nito.
“Maybe he’s intuition awaken after the three years coma?” tanong ni Tony.
“I actually don’t know,” sagot niya. “The first time na nangyari na ay noong minamanmanan ko siya. Tapos ngayon. Hindi ko alam kung nagising ang intuition niya after ng accident o kung ano man. It feels like he’s not Axel,” dugtong pa niya.
“Akala ko ako lang ang nakakaramdam ng bagay na iyan.” Napatingin sila kay Harold. “Pakiramdam ko ibang tao na siya. Na ibang tao ang nakakasama natin. The Axel I knew was sweet and caring but medyo duwag. He doesn’t have any courage. Gusto niyang tulungan ang isang tao but he can’t do it. Lagi siyang takot. But this one, after he woke up para siyang ibang tao. Hindi siya nagdadalawang isip na tulungan ang mga tao and he knows what is he doing. Wala siyang pakialam sa iisipin natin basta may natulungan siya.”
Napaisip siya. Pagkatapos magising ay tila nag-iba nan ga si Axel maging ang personality nito.
Parallel Worlds.
Napailing siya sa kanyang naisip.
No, imposible. Kronos said na hindi na niya gagawin ang bagay na iyon. Imposibleng pakialaman na naman niya ang mga parallel worlds. Imposibleng ibang tao ang nasa katawan ni Axel. Imposibleng mangyari iyon.
“’Wag na kayong mag-overthink,” sabi niya at tumayo na din. Inilagay niya ang kanyang tasa sa sink at sinimulang hugasan ito. “Maging masaya na lang tayo sa improvement niya. I admit n amabilis siyang mag-excel. Maybe he forgot his pasts but the trainings with Connor ay nasa katawan pa din niya.”
“Tama ka, Sir Renato. We should stop thinking that way,” pagsasang-ayon ni Harold.