Chapter Thirty-eight: Thank You, Xel

1152 Words
Chapter Thirty-eight: Thank You, Xel                  Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na tumatagos sa manipis niyang puting kurtina. Nare-relax ang kanyang katawan ng dahil sa init na ibinibigay nito. Hindi niya alam kung anong oras na pero wala siyang balak dumilat. Dama pa din niya ang pagod dahil sa mgha nangyari sa kanila kagabi mula sa pakikipag-usap sa Tamaguchi Clan at kay Renato. “Wake up dumbass!” sigaw ni Renato sa kanya. Mabilis siyang umikot sa kanan niya nang bigla siyang undayan ng saksak. Dumilat na siya at nakita na bumaon sa kanyang kama ang hawak nitong kutsilyo. “What the f*ck?!” tanong niya. Sinipa niya si Renato nang iwasiwas nito ang kutsilyo sa kanya. Sa lakas ng sipa niya ay napaatras ito at napasandal sa kanyang cabinet. “Your life as a mafia boss is always on the line. You should know how to eat death threats in your breakfast,” pangaral nito. Pinigilan niya ang pag-ikot ng kanyang mata dahil sa narinig. Lagi akong may death threats noong detective ako. “Yeah, whatever. Lumabas ka na, okay?” sabi niya at pumasok na sa kanyang banyo. Habang nagsisipilyo ay narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto.                  Pagkatapos niyang mag-asikaso ng kanyang sarili ay bumaba na siya at katulad ng nakakasanayan niya ay nasa dining area na sina Ryan, Jasmin, Renato, at Mama Natalie. Mukhang hindi din umuwi kagabi sina Harold at Tony at nakapwesto na sa dining table. “Good morning, Xel!” bati ni Tony. “Good morning, Boss Axel!” bati naman ni Harold. “Good morning, Xel!” “Good morning, Kuya Xel!” “Good morning, anak!” “Good morning, dumbass!” “Good morning, everyone!” And they all have a peaceful (sort of) morning.   ***                  “Hey!” sabi niya nang makita si Angel Aquino na papalapit sa kanya. Tinawagan niya ang dalaga at nagkasundong magkita sa park ng subdivision. Gusto na niyang ibalita ang naging usapan nila ni Kumicho Chester. May isa din siyang surpresa na sasabihin sa dalaga. “Hello, Xel!” bati sa kanya ni Angel. Kumpara kahapon ay mas maayos na itong tingnan. Kung kahapon ay halos magulo ang buhok nito ngayon ay maayos itong nakatali ng ponytail. Maaliwalas na din ang mukha nito, hindi katulad nito na may bahid ng takot at luha. “I have good news,” sabi niya nang maupo sa tabi niya ang dalaga. “A-ano iyon?” “Nakausap ko ang kumicho ng Tamaguchi Clan and he agreed na bigyan ka niya ng palugit. Limang buwang extension. Iyon ang ibinigay niya,” sabi niya. Kita niya ang saya sa mukha ng dalaga. “T-talaga?” Kita sa mukha ni Angel na hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. “Yes. ‘Wag mo ng tanungin kung papaano ko nakumbinsi siya. That’s my secret,” sabi niya. Tumayo ang dalaga at yumuko sa kanya. “Thank you so much, Xel! Malaking bagay na ang nagawa mo sa akin! Kahit kakakakilala palang natin ay hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako. Maraming salamat!” Napangiti siya. Magaan sa pakiramdam niya na makita si Angel na masayang-masaya. Na nakatulong na naman siya. “Hindi ko sasayangin ang tulong mo sa akin, Xel. Sisikapin kong makakita ng bagong trabaho. Hindi ko hahayaang mabalewala ang ginawa mo para sa akin,” sabi ni Angel sa kanya. Kita niya ang determinasyon sa mukha nito. Para itong nabuhayan ng pag-asa at hand ana ulit lumaban sa buhay. Tumayo siya at pinagpagan ang suot na maong pants. “I have a surprise for you,” sabi niya. “Huh? Surprise?” Tumango siya. “Yep. Halika.” Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito at naglakad na sila palayo sa parke.                  Hindi nagtagal ay nakarating sila sa restaurant ni Lola Igna—ang Mangiatoia del leone. Katulad ng dati ay sa tuwing papasok siya sa resto na ito ay sinasalubong siya ng mabangong aroma nito. Naglalaban ang amoy ng kape at ng ilang pagkain dito. Binati sila ng ilang empleyado dito pero imbes na maupo sa paborito niyang spot ay dumeretso sila sa manager’s office. Ramdam niya ang pagtataka ni Angel. Baka inaakala ni Angel ay kakain sila pero hindi iyon ang sadya nila. Umakyat sila sa second floor at lumapit sa isang itim na pinto. May karatulang nakalagay na manager’s office. Kumatok siya ng tatlong beses bago siya nakarinig ng boses sa kabilang bahagi ng pinto. “Come in.” Hinawakan na niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Pagpasok nila ay sinalubong sila ng may-ari ng Mangiatoia del leone na si Lola Igna at sa tabi nito ay isang lalaki. May nakalagay na bar pin sa bulsa ng vest nito na nakalagay na manager. “Good afternoon, Lola Igna,” bati niya sa matanda. Ngumiti ang matanda sa kanya. “Good afternoon din, Xel,” sagot ng matanda. Nagstep-forward ang lalaki at kinausap sila. “I am Justin Baccol. I am the manager of Mangiatoia del leone,” pakilala nito sa kanila. Nakipagkamay naman silang dalawa ni Angel sa manager. “Apo ko din iyang si Justin. Great-grandson to be exact,” sabi ni Lola Igna. Lumapit si Manager Justin kay Angel at ibinigay ang isang uniform—uniform ng Mangiatoia del leone ng pang-waitress. Nagtatakang tiningnan ni Angel ang damit, si Manager Justin, si Lola Igna, at siya. Ngumiti lang siya. “Surprise!” sabi niya. “T-teka… ano… ibig bang sabihin dito na ako magtatrabaho?” tanong nito at tumango silang tatlo sa dalaga. “Thank you so much!” sabi nito at naluluhang tinanggap ang uniform mula kay Manager Justin. “Angel, ituturo sa’yo lahat ni Justin ang mga gawain dito sa restaurant,” sabi ni Lola Igna. “Thank you po! Thank you so much!” sabi ni Angel at nilapitan ang matanda. Niyakap nito ang matanda at magiliw nitong sinagot ng matanda. Lumapit ulit sa kanya si Angel at niyakap din siya. “Thank you, Xel,” bulong nito sa kanya. Lumapit ang dalaga kay Manager Justin. “Thank you, Manager Justin! I will do my best!” sabi nito. “I hope you don’t mind that today is your first day?” sabi ni Lola Igna. Mabilis na tumango si Angel at iginiya na ni Manager Justin si Angel palabas ng opisina. Naiwan silang dalawa ni Lola Igna. Lumapit siya sa matanda at niyakap. “Thank you, lola. Pumayag ka sa favor ko,” sabi niya. Tinapik naman ng matanda ang kanyang balikat. “I am grateful to you. Maliit na bagay lang naman iyon at nagkataon din naman na may nagresign na waitress. Timing ang lahat ng, Xel,” sagot ng matanda sa kanya. “I admire you, Xel. Hindi ka nagdadalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan.” “I am just doing what should everyone did. Thank you so much, Lola Igna.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD