Chapter Thirty-six: The Future Boss of Cielo Famiglia Part II

1223 Words
Chapter Thirty-six: The Future Boss of Cielo Famiglia Part II                  Tahimik na pinagmamasdan ni Kumicho Chester Tamaguchi ang kanyang mga alagang koi sa kanyang indoor pond. Sa kanyang pagtitig sa mga munting isda ay kahit papaano ay nawawala ang stress na nararamdaman niya. Pero hanggang ngayon ay naiinis pa din siya kapag naiisip ang lalaking tumalo sa kanyang mga miyembro. Pakiramdam niya ay nainsulto siya sa ginawa nito. Kinuha niya ang feeds na nasa shelf sa taas lamang ng indoor pond at nagbuhos ng kaunti para pakain ang mga ito. Habang ninanamnam niya katahimikan ay siya namang pagbasag nito nang pumasok ang isa sa mga taga-bantay niya. Humahangos ito at hingal na hingal. Mukhang hindi na rin naisipan nito na gamitin ang elevator. “B-boss! K-kumicho!” sigaw nito sa kabila ng paghingal. “Naririnig kita kaya huwag kang sumigaw,” sabi niya. Muli niyang ibinalik ang kanyang mga tingin sa mga alaga niyang koi fish. “May… may gustong kumausap po sa’yo. Mga miyembro ng Cielo,” sabi nito. Muli siyang napalingon sa lalaki. “Anong sabi mo?” tanong niya. Tila ba pinaglalaruan siya ng kanyang pandinig. “Nandito po ang ilang miyembro ng Cielo,” pag-uulit ng tauhan niya. “Bakit daw?” Nagkibit-balikat ang tauhan niya. “Hindi ko po alam. Hindi nila sinabi ang kanilang pakay,” sagot nito. Huminga siya ng malalim. Iniisip niya kung ano ang mga nagawang mali ng grupo upang bisitahin sila ng Cielo. Kung ikukumpara niya ang Tamaguchi sa Cielo, hindi hamak na basahan lang sila sa mga paningin nito. Ang Cielo na namumuno sa buong Cosa Nostra. Ano ang kailangan nila? May nagawa ba kaming mali? “Papasukin sila,” sabi niya at mabilis na lumabas ng kanyang opisina ang tauhan niya. Huminga siya ng malalim. Kinakalma ang sarili. Iniwanan na niya ang kanyang mga alagang koi fish at naupo na sa kanyang swivel chair. Ang kanyang itim na yukata ay pinlantsa niya gamit ang kanyang palad. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Sa tingin niya ay mga bata pa ito. Naglalaro sa edad na bente uno hanggang bente kwatro anyos. Pero sa tatlong lalaki ay ang lalaki na nasa gitna ang pumukaw ng kanyang atensyon. May kakaibang awra itong taglay at sa tingin niya ay ito ang lider ng mga ito. “Kumicho Chester,” bati ng isa at sa kilos palang nito ay alam niyang kanang-kamay ang ranggo nito. Yumuko ito bilang tanda ng respeto. “I am Harold, and a member of Cielo Famiglia. My boss wants to discuss something with you,” dugtong nito. Napataas ang kilay niya. Boss? Si Don Timoteo? “Maupo kayo,” sabi niya at itinuro ang couch na nasa gitna ng opisina niya. Sumunod naman ang tatlo at pinanuod niya itong umupo, hindi niya nilulubayan ng tingin ang lalaking nasa gitna. Tumayo na siya at naupo sa arm chair—ang upuang para lamang sa mga kumicho. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya. Sasagot na sana ang lalaking nasa gitna nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Sebastian. “Boss—” napatigil ito bigla nang makitang may bisita siya. Agad itong nahiya at bilang kanang-kamay ay tungkulin nitong samahan siya. Nang lumapit na sa kanya si Sebastian ay bigla na lamang itong napatingin sa kanyang mga bisita at itinuro ang lalaking nasa gitna. “Ikaw! Ikaw ang bumugbos sa amin!” sigaw nito habang dinuduro ang lalaki. Nagpalipat-lipat ang kanyang mga tingin kay Sebastian at sa lalaki. Ngumiti naman ang lalaki at itinaas ang magkabilang kamay na animo’y sumusko. “Hehe! Relax lang!” sabi nito. Tumayo si Harold at halatang hindi nagustuhan ang inaasal ni Sebastian. “Oy! Huwag mong dinuduro ang boss ko!” sigaw nito. Dito na siya naguguluhan. Papaano na ang lalaking nasa gitna ay ang taong nambugbog sa kanyang mga tauhan? Ang lalaking kinaiinisan niya kahit hindi pa niya nakikila? At sinong boss ba ang tinutukoy ni Harold? Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa mga nangyayari. “What is going on?!” Tumaas na ang kanyang boses. Mabilis na nanahimik si Sebastian at napatingin sa kanya ang tatlong lalaki. “Okay, magpapakilala ako. I am Axel Santos but you can call me Xel for short. I’m the future 11th boss of Cielo Famigly,” pakilala ng lalaki na nasa gitna. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam na ito ang susunod na lider ng Cielo. Ang huling balita niya tungkol dito ay naaksidente ito. “Cielo? ikaw? Ang ika-labing-isang boss? Huwag mo kaming lokohin!” sigaw ni Sebastian. May binunot na envelope si Harold at kinuha ang sulat at ipinakita sa kanila. Mas lalo lamang pinagtibay nito na ang lalaking nasa harapan niya ay ang susunod na lider ng Cielo Famiglia. Tumayo siya at walang anu-ano’y tinuhod niya ang sikmura ni Sebastian. Dinig niya ang paglagutok ng tadyang nito. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga nito at bumulong. “Umalis ka sa harapan ko.” Pilit na naglakad si Sebastian palabas ng kanyang opisina. Muli niyang hinarap ang kanyang mga bisita. “Ano ang maipaglilingkod ko sa future boss ng Cielo?” tanong niya at muling naupo sa armchair. “Nandito ako para pag-usapan ang tungkol kay Angel Aquino,” sabi nito sa kanya. Napataas ang kanyang kilay. “Angel Aquino? Ano naman ang tungkol sa kanya?” “I know na may utang siya sa inyo na nagkakahalaga ng twenty thousand pesos.” “She’s overdue. She needs to pay,” sabi niya. Tumango naman si Axel sa kanya. “Yeah, I know. Nandito ako para makiusap sa’yo na give her another extension. Nawalan siya ng trabaho that’s why he can’t pay her debt,” sabi nito at umiling naman siya. “You don’t get it mister. Business is business. Due date is due date. Debt is debt. Kailangang bayaran mo iyon,” sabi niya. Wala naman talaga siyang pakialam sa kung anong dahilan ng babae kung bakit hindi ito makapagbayad. Ang importante sa kanya ay mabayaran nito ang utang sa kanya. “But she can’t—” “Kapag ba hindi ka nakapagbayad ng electric bill mo ay tatanggapin nila ang katwiran mo?” tanong niya at natahimik naman si Axel. “Whether you like it or not you need to pay your bill.” “How about this. Give her another five months extension and you will become one of my allied groups,” sabi nito sa kanya. Dito na siya tuluyang natigilan. “Boss!” sigaw ni Harold. Bakas sa boses nito ang pagtutol sa naiisip ng boss nito. Tinitimbang niya ang maaaring mangyari. Ang pros and cons kapag nakipagkasundo siya sa Cielo. Being an allied group sa Cielo ay malaking prebilehiyo na. Hindi lahat sa Cosa Nostra ay mapalad na maging ka-alyado ang pamilyang pinuno ng Cosa Nostra. Matagal na niyang gustong makipag-alyansa sa pamilyang iyon ngunit hindi siya pinagbibigyan ni Don Timoteo. Pero ngayon, mismong ang susunod na boss ang nag-ooffer sa kanya upang maging kaalyado kapalit ng limang buwang palugit para sa babaeng may utang sa kanila. Sumandal siya sa kanyang armchair at dumekwatro. “Fine. I will give her five months extension and I am looking forward to become one of your allies.” Kita niya ang paglawak ng ngiti ni Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD