Chapter Twenty-three: The Cielo Famiglia
Ang Cielo Famiglia ay ang pinakamakapangyarihan sa pamilya sa mundo ng Cosa Nostra. Binuo ng unang head ng Santos Family na si Giovanni Santos ang mafia family na ito. Nagmula sa isang vigilante group ang Cielo limang daang taon na ang nakakaraan. Hanggang sa nauwi ito sa isang mafia family at magpahanggang ngayon ay nananatiling nasa itaas ng mafia food chain.
Cielo na ang ibig sabihin ay kalangitan.
Bumuntong hininga siya habang binabasa ang history ng Cielo Famiglia. Hindi niya akalain na sa mundong ito ay isa siyang future mafia boss. No wonder kung bakit boss ang tawag sa kanya ni Harold. And it finally makes sense sa kanya kung bakit tila ay mga nagbabantay sa labas ng bahay niya. Pero isa sa katanungang bumabagabaga sa kany ay papaanong walang alam ang Mama Natalie niya tungkol sa business ng mga Santos? Ang tungkol sa Cielo? Muli na naman siyang napabuntong hininga.
“That is your tenth time, Axel.” Napatingin siya kay Renato na nakaupo sa kanyang swivel chair at nakapalumbaba sa kanya.
“Sorry, information overload lang,” sabi niya. “Renato—” nagulat na lamang siya nang bigla siyang batuhin ng stapler. Mabuti na lang at nakailag siya. Halos masira ang stapler nang tumama ito sa pader.
“What was that for?!” reklamo niya.
“Call me sir, dumbass!”
“Yes sir! Yes sir!” sabi niya at sumaludo pa.
“May itatanong ka ba?” tanong nito sa kanya at umiling na lang. “Wala na, nakalimutan ko na,” sagot niya.
“I want you to study the history of the family. Then bukas na bukas ay magsisimula na ang training mo,” sab isa kanya at tuluyan na itong lumabas ng kanyang kwarto. Sa pagkakaalam niya ay pansamantalang mananatili dito ang hitman sa kanilang tahanan. Inayos nan ga kanina ni Mama Natalie ang guest room kung saan mananatili si Renato.
Wala naman na siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa agos ng buhay niya dito sa mundong ito. Muli na lamang niya ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.
Nagsimula bilang vigilante ang grupong itinatag ni Giovanni Santos. Taong 1521 nang buoin ni Giovanni ang grupo. Mayroong pitong miyembro ang kanyang grupo at siya ang hinirang nitong lider. Ang layunin ng grupo ay tulungan ang mga kapos palad dahil ng taong din iyon ay pumutok ang giyera ng Azalea laban sa bansang Amonia. Maayos ang pamamalakad ng unang lider ng grupo ngunit nang anak na nito ang pumalit sa pwesto ay naging kamay na bakal ang pamamalakad nito. Naging bayolente at dito na pumasok sa pagiging mafia group ang dating vigilante.
Sa nakalipas na mga taon ay patuloy na dumadanak ang dugo sa buong Cosa Nostra at hindi nito magawang mapigilan ng Cielo.
“Ano ba itong Cosa Nostra?” tanong niya. Pangalawang beses na niyang nabasa ang salitang iyon. Naisip niyang tanungin na lang bukas si Renato tungkol dito kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng isang maliit na notebook at doon isinulat ang mga bagay na hindi niya naiintindihan.
Mayroong main family ang Cielo Famiglia. Ito ay ang tinatawag na inner circle. Binubuo ito ng pito hanggang walang miyembro at kabilang dito ang pinuno ng pamilya. Bawat isang miyembro ng inner family ay may kanya-kanyang role na ginagampanan.
Nahahati sa limang dibisyon ang buong pamilya at ang bawat dibisyong ito ay pinamumunuan ng bawat miyembro ng inner circle. Ang Firtina, Yagmur, Yildirim, Duman, at Bulut. Ang Firtina ay may kinalaman sa diplomansya. Ang Yagmur ay may kinalaman sa assassination. Ang Yildrim ay may kinalaman sa teknolohiya. Ang Duman ay may kinalaman sa pagmamanman at ang Bulut ay may kinalaman sa imbestigasyon ng mga bagay-bagay.
“Wow! It looks like, Cielo has its own system!” manghang sabi niya. Hindi niya akalain na ganito ang isang mafia group. Noong detective pa siya ay hindi ganito ang impormasyong alam niya tungkol sa mga mafia groups. Akala niya ay bastang grupo lang ang mga ito na may isang lider at kanang kamay na tauhan at nagpapalakad ng mga krimen sa society.
Mayroong dalawang grupo ang konektado sa main family ngunit masasabing independent. Ito ang ADD o ang ibig sabihin ay Ailenin Dış Danısmanı. Ito ang external advisors ng pamilya. Ang pangunahing role nito ay ang pagiging second-in-command kapag nagkagulo ang main family o hindi kaya’y nasa kritikal o namatay ang lider ng Cielo. Ang isa naman ay ang BST o ang Bagımsız Suikast Timi. Ang pangunahing tungkulin nito ang ang assassination ayon sa kautusan ng lider ng Cielo.
“Mukhang nakakahilo ang mga terms nila. Hindi ko alam kung lingwahe nila,” sabi niya at muling inilipat ang pahina.
Papaano ng aba pinipili ang magiging bagong lider ng Cielo Famiglia? Una dito ay dapat isa siyang Santos at direktang tagapagmana. May purong dugong Santos. Pangalawa ay kapag naipasa niya ang Liderlik Denemesi—isang uri ng trial na ibinibigay sa magiging tagapagmana ng pwesto. Kapag ito ay naipasa ay dadaan siya sa tinatawag na Veraset Toreni o ang succession ceremony. Kapag ibinigay na sa kanya ang Cielo ring ay ganap ng bagong lider na at siya ang kikilalanin ng buong Cosa Nostra.
“Wow! Kaya naman pala kailangan ko ng training ay dahil sa trial na ito. Ano bang tawag doon? Liderlik Denemesi,” sabi niya. Talagang namamangha siya sa kanyang mga nababasa. Sa muling paglipat niya ng pahina ay lumantad sa kanya ang mga larawan ng mga naging lider ng Cielo Famiglia. Mula sa taong 1531 kung saan mula kay Giovanni hanggang sa taong 1975 kung saan nagsimula ang era ni Don Timoteo. Dito niya napansin na may tatlong babaeng naging lider ng pamilya. Si Donya Trinidad Santos na namuno mula 1581 hanggang 1611. Si Donya Julianne Santos na namuno mula noong 1731 hanggang 1761 at si Donya Danniela Santos na namuno mula 1895 hanggang 1975. Si Donya Daniella ang in ani Don Timoteo.
“Siguro ito ang sinasabi ni Kronos na misyong iniwan ni Axe at ako ang magpapatuloy nito. Pero bakit? Bakit ako? Hindi ko akalain na mula sa pagiging detective ay magiging mafia boss ako. Talagang nag-iba na ang takbo ng mundo ko,” sabi niya at inilapag na sa lamesa ang librong hawak.
Kahit papaano ay may nalaman siyang impormasyon tungkol sa Cielo. Pero alam niyang hindi sapat ang mga nakasulat at marami pa siyang dapat matutunan.