Chapter Twenty-four: Training
“Wake up, Axel!” sigaw ni Renato at kasabay nito ang pagbaril niya ng mga rubber bullets sa kanyang estudyante. Kaagad namang nagising si Axel dahil sa mga tama ng rubber bullets.
“Aray! Aray!” sigaw ni Axel. Wala ng nagawa pa si Axel at kinuha nito ang unan at ginawang panangga laban sa kanya.
“Rule number one of being a mafia boss, always be prepared. Hindi mo alam kung kailan aatake ang mga kalaban. Sa tingin mo kapag niratrat ka nila makakasigaw ka pa ng aray?” sabi niya at patuloy na pinauulanan ng rubber bullets ang kanyang estudyante.
“Oo na! Oo na!” Sa wakas ay tigilan na din niya si Axel. Kita niya sa mukha nito na talaga namang nasaktan ito pero hindi na din naman na nagreklamo.
“Tandaan mo itong mga sinasabi ko sa’yo, Axel. Ayokong mamatay ka kaagad,” sabi niya.
“Wala na akong balak mamatay ulit!” sagot sa kanya at tuluyan ng tumayo para mag-asikaso ng sarili.
Alas sinco palang ng umaga at ganito na ang tagpo nila. Ngayong araw ang simula ng kanilang training. Training to become a mafia boss. Naalala niya minsan na niyang nakita si Axel noon, tatlong linggo bago ang aksidente. Masasabi niyang kakaiba ang Axel na nakikita niya ngayon. Pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa katawan ni Axel. Naiiling na lang siya.
Hindi pwedeng mangyari iyon. Ang sabi niya ay isang beses lang niya gagawin iyon. Pero papaano kung may kinlaman nga siya? Si Kronos?
Nang matapos makabihis si Axel ay sabay silang lumabas ng bahay. Nagstretching pa muna si Axel at nagjogging in place. Mukhang alam na alam na nito ang gagawin.
Maybe his body remember what Connor’s training? So, may possibility na bumalik ang mga alaala niya?
Ginawa ni Axel ang isang rounds ng static stretching. Naroong nag-hamstrings stretching at groin stretching. Pagkatapos ay one minute jogging in place.
“Do the twenty laps around the subdivision!” sabi niya at mabilis na lumingon sa kanya si Axel.
“What? Twenty laps? Sa Police Academy mga eight laps lang!” reklamo sa kanya at dito na niya binatukan si Axel.
“Stop whining and do what is your task!” sigaw niya at itinulak na si Axel. Wala ng nagawa pa si Axel kung hindi magsimulang magjogging around the subdivision.
Pagpatak ng alas siete ng umaga ay nakakalimang laps na si Axel. Pawis na pawis na din ito at hinihingal. Sa muling pag-ikot sa bahay ay bumilang na ng anim na laps. Pero hindi pa niya nakikita ang sagarang pagod ni Axel. Kung ang ibang estudyante niya ay halos gumapang na sa ikatlong laps palang, si Axel ay hindi pa. Relax pa ito during the third lap at ito ngang sixth lap ay medyo relax pa din pero tagaktak na ang pawis nito.
Alas otso ng umaga ay pumalo na sa twelfth laps si Axel. Anim na laps na lang at tapos na sila sa araw na ito.
Alas nueve ng umaga ay tuluyan nitong natapos ang twenty laps. Medyo nabibilib talaga siya ngayon kay Axel. Mula sa pagiging comatose patient ay ganito na ang estado ng katawan ng binata.
“I’m done, okay?” sabi ni Axel at napaupo na lang sa gilid ng gate ng bahay. Hingal na hingal ito at pawis na pawis. Pero sa kabila ng pinagawa niyang twenty laps ay hindi niya ito nakitang gumapang o sumuko man lang.
Bigla tuloy niyang naalala ang isa niyang estudyante noon na si Daniel. Nakakadalawang laps palang ito nang bumagsak ito at sumuko na ng husto. Kaya katakot-takot na training ang ibinigay niya.
“I’m exhausted!” sigaw ni Axel. Tumayo ito at pinagmapagan ang alikabok na kumapit sa jogging pants nito. “Si Mama Natalie pala, lumabas na?” tanong nito sa kanya.
“Yeah. Sabi niya dadalaw daw siya sa kaibigan siya. She also said have fun,” sagot niya at napasipol na lang si Axel.
“I used all of my energy. I need some sweets,” sabi nito at nagsimula ng lumakad palayo sa kanya. Nagsalubong naman ang kanyang kilay.
“Where are you going, dumbass?” tanong niya.
“I want sweets, okay? Want to come?” sabi ni Axel sa kanya. Bigla tuloy niyang gusto magkape. Hindi na siya tumutol pa at sinundan na ang binata.
Sa kanilang paglalakad ay may nakita silang matanda. Tatawid sana ito sa kabilang kalsada ngunit may biglang humahagibis na pulang kotse. Mabuti na lamang at nakailag ang matanda pero natumba ito at ang dalang buslo na naglalaman ng mga pinamili nito ay bumuhos at nagkalat sa kalsada.
“Hoy! P*tangna ‘yon ah!” sigaw ni Axel. Mabilis nitong nilapitan ang matanda ay tinulungang makatayo. Sinundan naman niya si Axel.
“Ayos ka lang po ba?” tanong nito sa matanda.
“Oo. Ayos lang ako, hijo,” sagot ng matanda.
“Loko-lokong driver ‘yun. Pababarangay natin ang lokong iyon, lola,” sabi nito. Siya naman ay pinulot ang mga nagkalat na prutas at gulay at ibinalik ito sa buslong bitbit ng matanda.
“Salamat sa inyong lahat,” sabi ng matanda.
“Saan po ba kayo nakatira? Ihahatid ko na po kayo,” sabi ni Axel.
“Doon lang ako, hijo.” Itinuro ng matanda ang isang establishment. Nakita nila ang isang restaurant. Nagkatinginan tuloy sila ni Axel.
“Doon muna kayo sa resto ko para kahit papaano makapagpasalamat ako,” sabi ng matanda at naglakad na. Sinundan naman nila ang matanda.
Pagpasok nila sa loob ng restaurant ay sinalubong sila ng mabangong aroma ng mga niluluto. Katamtaman ang laki ng resto. Hindi ganoon kaliit at hindi din ganoon kalaki. May mangilang-ngilang kumakain.
“Roberto, bigyan mo sila ng menu,” utos ng matanda sa isang waiter. Binigyan naman sila at tiningnan ang menu. Masyadong marami silang pagpipilian at parehong hindi nila alam ang kukunin.
“Lola, pasensya na ang daming pagpipilian eh. Sa akin po kahit isang slice lang ng cake,” sabi ni Axel.
“Sa akin po ay isang espresso coffee lang po,” sabi naman niya.
“Ay nako mas maganda tikman niyo lahat ang nasa menu ko.”
“Nakul ola, baka mashort kami sa budget,” sabi ni Axel. Hinawakan ng matanda ang kamay ni Axel.
“Huwag kayong mag-alala, libre ko iyan sa inyo. Pasasalamat ko sa inyong dalawa.”
“Maraming salamat po,” sabi niya at tinapik lang ng matanda ang balikat niya. Tumalikod na ang matanda at tumingin sa kanya si Axel.
“Nakalibre tayo,” sabi nito at tinaas-baba pa ang kilay nito. “Anyway, after nito ay pumunta tayo ng barangay. Ipapabarangay natin ang gag*ng driver na iyon.”
“Papaano mo naman gagawin iyon? Hindi mo kilala ang driver at hindi mo alam ang plate number nito,” sabi niya. Ngumiti naman sa kanya si Axel.
“Don’t worry. Kabisado ko ang plate number ng sasakyang iyon. 314RHV.”
Napakurap na lang siya.
How did he know? Sobrang bilis ng sasakyang iyon.
“How did you know?”
“I have some sort photographic memory. I think? Hahaha!”
No. The Axel everyone knew has a zero photographic memory. Isang stanza ng tula nga ay hirap nitong kabisaduhin.
“Photographic? Photographic my ass. Hindi mo nga daw kabisaduhin ang isang stanza ng All Things Bright and Beautiful,” he said at mukhang natigilan ang binata sa kanya.
“Really?” tapos ay bumulong pa ito ngunit hindi niya narinig.
“Anyway, I’m proud of what you did. Rule number two of being a mafia boss, always pay respects to elders.”