Chapter Twenty-two: I’m the future Mafia Boss?!
Mula kaninang umaga ay ramdam niya ang pagmamasid sa kanya ng isang tao. Mula ng lumabas siya ng kanilang bahay upang mag-jogging ay alam niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Mula ng mamalengke sila ng kanyang inang si Natalie, sa restaurant, sa café kung saan nagmeryenda sila ni Victoria. Sa club house at habang naglalaro siya. It creeps him out pero hindi niya muna pinahalata. Alam niyang sampong metro ang layo nito sa kanya.
He was a detective before kaya alam niya ang Stalking 101. Kaya ng alan niyang nalagpasan nila ang pinagtataguan nito ay hminto siya sa paglalakad at kinuha ang isang bato. Inihagis niya pa ito sa ere bago niya ibinato kung saan nagtatago ang stalker niya.
“Lumabas ka na! Kung sino ka man ay lumabas ka na! Kanina pa kitang umaga nararamdaman!” sigaw niya at hind inga nagkakamali. May nagmamanman sa kanya. Lumabas ang isang lalaki na may mahabang buhok at nakatali ito ng isang mababang ponytail. Halos itim ang suot nito at may suot na eyeglasses.
“Didn’t know na kanina mo pa pala alam na minamanmanan kita,” sabi nito sa kanya at namulsa pa. Hindi niya mapigilang mainis dahil sa pinakikita nito sa kanya.
Yabang.
“Who are you? Mula kaninang lumabas ako ng bahay naramdaman na kita, kahit nong naglalaro ako ng table tennis. Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya.
“My name is Apollo Renato but you can call me Renato. I will be your trainer, Axel Santos,” pakilala nito sa kanya at nagsalubong talaga ang kilay niya.
Anong trainer ang sinasabi nito? Anong trainer?
“Apollo who? Trainer? I didn’t sign up for a gym class,” sabi niya. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa biglang pagtawa nito. Humalakhak ito ng humalakhak.
“A-axel.” Lumingon siya kina Tony at Harold na medyo namumutla ang mga mukha.
“O bakit?”
“Sino Sir Renato iyan. Be careful, he’s merciless,” sabi ni Harold.
“Kilala niyo ang baliw na iyan?” tanong niya. Nagulat na lamang siya nang may biglang sumulpot nakutsilyo. Mabuti na lang at nakailag siya. Napatulala naman sa kanya sina Tony at Harold.
“Not bad, kid,” sabi ni Renato sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay.
“Kid? Don’t call me kid, old fart,” sabi niya at agad na tinakpan ni Harold ang bibig niya. Gusto niyang sumigaw pero masyadong madiin ang palad ni Harold sa kanyang bibig.
“Boss, maghunos dili ka. ‘Wag mong gagalitin ang taong iyan,” bulong sa kanya ni Harold.
“Oo nga, Axel. Relax ka muna,” segunda ni Tony. Mukhang takot ang dalawa sa lalaking nasa harapan nila. Pinilit niyang magpumiglas at sa wakas ay nakakawala na din siya sa kamay ni Harold.
“Just like they said, relax,” sabi ng lalaki sa kanya.
“Sir Renato, baka pwede tayong mag-usap ng maayos,” sabi ni Harold. Hindi na sumagot ang lalaki at nauna na itong maglakad sa kanila. Wala silang nagawa kung hindi ang sundan ito hanggang sa kanilang bahay. Sa tingin niya ay mukhang kilala ng dalawa ang lalaki.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay naabutan nila ang ina niyang si Natalie na nagluluto na ng hapunan.
“Good evening, Mama Natalie,” bati nito sa ginang. Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay niya.
“Ara? Nandito ka pala Renato!” sabi ni Mama Natalie. Lumapit ang lalaki at nagmano sa ginang. Ganoon din ang ginawa nina Tony at Harold kaya ginaya na din niya. nagmano siya at hinalikan sa pisngi ang ginang.
“Doon muna kayo sa taas habang hindi pa ito luto,” sabi ni Mama Natalie at bumalik na sa ginagawa nito.
Naramdaman niyang hinatak siya ni Renato paakyat sa second floor ng bahay hanggang sa kanyang kwarto. Itinulak pa siya hanggang sa kanyang higaan.
“The fvck?!” sigaw niya at mukhang nabigla sina Harold at Tony.
“Ano ba kailangan mo?!” reklamo niya.
“Listen carefully, little brat,” sabi ni Renato. “I am Apollo Renato—the greatest hitman! I’m here to train you as the future mafia boss of Cielo Famiglia.”
What did he just said? Mafia boss? Cielo what?
“Anong sinasabi mo?” tanong niya at dinig niya ang pagbuntong hininga ni Harold.
“Just like we expected, Sir Renato. back to zero po talaga,” sabi ni Harold at tumango ang lalaki.
“Wait, ipaliwanag niyo nga sa akin ng maayos. Wala akong alam eh,” sabi niya.
“Boss Axel, ikaw ang apo ni Don Timoteo Santos. Santos family owns an organization called Cielo. Cielo became a mafia organization and the tenth boss is Don Timoteo,” paliwanag ni Harold.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig. Did he heard it right? A mafia family? Napabuga na lamang siya ng hangin. Bakit pa nga ba siya magugulat? This world is freaking different kaysa sa mundong pinanggalingan niya.
I’m a fvcking detective and turns out I’m gonna be a mafia boss!
“And I’m going to be the successor of Don Timoteo?” tanong niya. Nais niyang linawin ang mga bagay-bagay.
“Yes, precisely,” sagot ni Renato sa kanya. Napasandal na lang siya sa pader.
“Dapat ang ama mong si Papa Rodel ang magiging eleventh boss pero dahil nagkaroon ng ambush kaya ikaw ang nasa next in line,” sabi naman ni Tony.
“Wait, that ambush. Sinabi ni Mama Natalie na galing sa business ang tatay ko when he was ambush,” sabi niya. “Does it mean na kalabang mafia group ang nagpapatay sa kanya?” Sabay-sabay na tumango sa kanya.
“For a person who went three years comatose state, medyo sharp na ang isipan mo. Before your accident ay na-introduce ka na sa Cielo. Si Connor ang una mong trainer not me. After your accident, lumalabas sa investigation na isinagawa ng intelligence unit ng pamilya na sinadya ang aksidente mo. May isang grupo na gustong mabura ang Cielo. I have a hunch na iisa lang ang grupo na nasa likod ng aksidente mo at ang pagkamatay ng ama mong si Rodel,” sabi ni Renato.
“Do I have a choice to reject this offer?” tanong niya.
“This is not an offer; this is your destiny. Also, you have no choice. Whether you like it or not, you will become a mafia boss of the Cielo Family. Be ready to experience my hellish training.”
“Umm… Sir Renato, baka pwedeng dahan-dahan lang. he was in coma for three years,” sabi ni Tony.
“Nope. I’m not a soft person and I don’t do fvcking favoritism!”