Chapter Eleven: What world is this?

1088 Words
Chapter Eleven: What world is this?                  Pilit niyang binuksan ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay ilang taong nakasara ang kanyang mga talukap. Ramdam din niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. May mga boses siyang naririnig ngunit hindi niya malaman kung sino-sino ang mga nagmamay-ari. “Ugghh…” ungol niya. Pinilit niyang magsalita ngunit tanging pag-ungol lang ang kanyang nagawa. Gusto niyang tumawag ng kahit na sino at tanggalin ang kung anong aparato na nasa lalamunan niya. “Ugghh…” ungol niya ulit. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya magawa. Tanging daliri lang ang kanyang nagagalaw. “Axel? Anak?” dinig niyang sabi ng isang babae. “Ugghh…” ungol niya ulit. Dito na niya pinilit ng husto na buksan ang kanyang mga mata. Mabilis din niya kaagad isinara ito dahil sa pagkasilaw. Inulit niya ito hanggang sa tuluyan na niyang nabuksan ang kanyang mga mata. Sa una ay malabo pa ang kanyang nakikita. Tanging mga silweta lang ng mga tao ang kanyang nakikita. Parang napakabilis ng mga pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Naramdaman na lang niya na tinaggal na ang aparato sa kanyang lalamunan at nakarinig siya ng mga iyakan. Hindi nagtagal ay luminaw na ang kanyang paningin. Nakita niya ang isang babae na may kaedaran na at lumuluha itong nakatingin sa kanya. Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kanya. Hindi niya kilala ang babae kaya nagtataka siya kung bakit niyayakap siya nito. “S-sino ka?” tanong niya. Ramdam niya ang pagiging magaspang ng boses niya. Medyo nanakit pa ang kanyang lalamunan, tanda na hindi ito nagagamit sa loob ng mahabang panahon. “Axel? Ako ito, ang mama,” sabi ng babae. Pakiramdam niya sumakit ang kanyang ulo sa kanyang narinig. Anong mama ang sinasabi nito sa kanya? Alam niyang wala siyang ina at wala siyang balak hanapin at kilalanin ito. “Mama?” tanong niya at nakita niya ang paglungkot ng mukha ng babae. Dito na niya nakita ang dalawang doktor na nasa tabi ng babae. “Alam mo ba ang pangalan mo?” tanong nito sa kanya. “Axel Santos,” sagot niya. Pagkatapos ay tinanong nito kung nakikilala niya ang babae kaya sumagot siya ng hindi. Hindi naman talaga niya kilala ang babaeng ito. “May nakikilala ka ba sa mga taong nandito?” tanong ulit sa kanya. Inilibot niya ang kanyang mata at tanging si Harold lang ang nakikilala niya. Ngayon na lang niya ulit nakita si Harold at hindi niya maiwasang maasar dahil naalala niya ang aberyang idinulot nito noong gabi sa pier ng Teckslon. Hinabol sila ng hinabol ng mga miyembro ng Los Rojos. “Harold,” sabi niya. Kita niya ang maluha-luha nitong mga mata at kahit papaano ang nakangiti nitong mga labi. “B-boss Axe! Naalala mo ako!” sigaw nito sa kanya. Medyo hindi niya na-gets ang pagtawag sa kanya nito. Kahit kailan ay hindi niya narinig na tawagin siya ni Harold sa ganoong pangalan at kahit kailan ay hindi niya inisip ang nickname na iyon. He preferred the nickname Xel dahil mukhang man’s perfume kapag Axe ang gamit niya. Hindi niya gusto iyon. “Talagang maalala kita. Ang laki ng kasalanan mo sa akin eh,” sabi niya. Patong-patong na talaga ang kasalanan ni Harold sa kanya. Nagtataka naman si Harold dahil sa sinabi niya. “Huh? Kasalanan?” Gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Harold. Mukha talaga itong clueless. Marami pa siyang sinabi ngunit mukhang hindi talaga nito naiintindihan. Dito na ulit nagtanong sa kanya ang doktor. Tinatanong nito kung bakit nasa ospital siya. Sinagot niya ang tungkol sa nangyari sa kanila laban sa Los Rojos. Sa pagkakatanda niya ay nabaril siya. Pagkatapos ay wala na siyang naaalala pa. “Axel, you didn’t get a shot? You’re got into a car crash,” sabi ng doktor sa kanya. Nagsalubong na ang kanyang mga kilay. “What?” tanong niya. Dito na niya tiningnan isa-isa ang mga tao sa kanyang paligid. Ang babae na halos mamaga na ang mga mata sa kakaiyak. May isang bata nasa tingin niya ay labing-dalawang taong gulang. Ang isa naman ay isang lalaki na may maitim na mata at kayumangging balat. Muli niyang tinitigan si Harold. Ngayon lang niya napansin ang mga mata nito. Those eyes hold an intelligence. Malayong-malayo sa Harold na kilala niya na madalas palpak at palaging nakaasa sa kanya. “Ewan ko ba sa inyo. Ikaw ayaw mong mamatay, ‘yung isa naman ay gusto ng magpahinga. Bilang administrator ng parallel worlds, pagbibigyan ko ang inyong mga hiling.” Oh sh*t! Napahawak siya sa kanyang ulo. Naalala niya ang lalaking may puting buhok. Hindi niya alam kung panaginip ba iyon o hindi. Hindi niya alam kung totoo o hindi. “Car crash. Three years na siyang comatose and nakausap ko siya. He wants to rest.” Tang*na! Ibig bang sabihin nasa katawan ako ng isang Axel Santos? Damn! Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari! Sino ba ang lalaking iyon? “Harold,” tawag niya sa lalaki. “Y-yes Axe?” Hindi niya mapigilang mapangiwi dahil sa pagtawag sa kanya. “What’s your profession? Anong trabaho mo ngayon?” tanong niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Harold sa tanong niya. “Umm wala pa, Axe. Nag-aaral pa lang tayo, I mean kami. Hindi pa kami nakakatapos ng college,” sagot sa kanya. Double f*cking sh*t! “Anong course?” “Conservatory ang course ko.” Well, that’s triple f*cking sh*t. The Harold I know ay walang kahilig-hilig sa music. Ang alam lang ng isang iyon ay kumain. “Favorite food?” tanong niya. “Pasta.” Harold doesn’t like pasta. Mahilig sa donut iyon. “Favorite color?” “Red.” Harold I know likes color yellow. Last na talaga. “Favorite actor?” “Jackie Chan.” Fine! This is completely a different f*cking world! Harold’s favorite actor is Park Seo Joon! Not Jackie Chan! What world is this! “Oh god help me! Kung mayroon mang god please help me!” sigaw na lang niya. “Anak, a-anong nangyayari? May masakit ba sa’yo?” tanong ng babae sa kanya at akmang lalapitan siya pero mabilis siyang umiwas. “Please, don’t come near me,” sabi niya. Hindi niya nakita ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng babae. “Baliw na yata ako. I’m in different world!” sigaw niya. “Umm… I think the patient needs to rest. He’s not fully recovered,” sabi ng doktor.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD