Chapter Ten: Waking Up to a Different World

1257 Words
Chapter Ten: Waking Up to a Different World                  “How are you, Axe? Ano na naman kaya ang napapanaginipan mo?” tanong ni Natalie habang pinupunasan ng basang bimpo ang mukha ng anak. Sa nakalipas na tatlong taon ay ganito palagi ang scenario nilang mag-ina. Pagpatak ng alas otso ng umaga ay pupunta na siya dito sa ospital upang tingnan ang anak. Gagawaran niya ito ng halik sa noob ago niya bigyan ng sponge bath. Sa loob din ng tatlong taon ay walang nakita ang mga doktor na senyales na magigising pa ang anak niya. Sinabihan na din siya na sukuan si Axel pero hindi siya pumayag. Kahit ilan pa ang magsabi sa kanya na bitawan na ang anak ay hinding-hindi niya gagawin. Hangga’t hindi tumitigil sa pagtibok ang puso ni Axel ay hindi niya susukuan ang anak. “Good morning, Mama Natalie.” Napalingon siya sa pinto at nakita ang pagpasok ng mga kaibigan ng kanyang anak. Ngumiti siya at lumapit naman ang mga binata sa kanya at mahigpit na mga yakap. Sila ang kasama niya na ilaban ang buhay ni Axel. Alam niyang maging ang mga ito ay hindi pa handang sukuan ang anak niya. “Good morning din. Baka late na kayo sa klase?” tanong niya at umiling naman si Lorence, ang pinakabata sa lahat. “Hindi po, mama. Nine o’ clock pa po ang klase naming saka hindi naman malayo dito ang school,” sabi nito sa kanya. Ngumiti siya at inayos ang necktie ng uniform nito. “Ugghh…” Natigilan silang lahat. Tinitigan niya ang mga kaibigan ng anak kung isa ba sa kanila ang umungol. Ngunit mukhang wala sa mga kaibigan ni Axel ang gumawa ng ungol na iyon. “Ugghh…” Dito na niya tiningnan ang anak. Lahat sila ay nakatingin kay Axel. Naramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay ni Lorence. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang gumalaw ang daliri ni Axel. Lumapit na siya at tiningnan si Axel. “Axel? Anak?” “Ugghh…” Halos tumigil ang kanyang paghinga nang makita niya ang dahang-dahang pagbukas ng mga mata nito. At sa unang beses sa loob ng tatlong taon ay muli nilang nasilayan ang magandang pares ng mga mata. “Axel! Anak!” sigaw niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na din napigilan ng mga kaibigan nito ang kanilang mga luha. Mabilis na kumilos si Harold at agad na tinawag ang doktor. Ilang sandali lang ay dumating na ang dalawang doctor at ilang nurses. Mabilis na dinaluhan ang kanyang anak at inasikaso. Para siyang nabunutan ng tinik ng tinanggal na ng doktor ang mga aparato sa katawan ni Axel. Ang aparatong sumuporta sa buhay ng kanyang anak sa loob ng tatlong taon. “Axel, anak…” nilapitan niya si Axel at niyakap. Maingat niyang niyakap ang anak, takot siyang higpitan dahil ayaw niyang masaktan ito. “Thank god! Thank god you’re awake now!” sabi niya. “S-sino ka?” tanong sa kanya. Magaspang ang boses nito dahil sa tatlong taong hindi paggamit ng boses. Natigilan siya sa narinig kay Axel. Kumalas siya sa pagkakayakap sa anak at dito na siya sinalubong ng nagtatakang mga mata nito. “Axel? Ako ito, ang mama,” sagot niya. “Mama?” tanong ulit nito. Napatingin sila sa doktor na tila nagulat din sa mga nangyayari. “Alam mo ba ang pangalan mo?” tanong ng doktor sa anak niya. “Axel Santos,” sagot ng anak niya. “Siya, kilala mo ba?” Itinuro siya ng doktor at dumako ulit ang mga mat ani Axel sa kanya. “Hindi,” sagot nito. Ramdam niya ang pagkabasag ng puso niya. Gusto niyang maglumpasay sa sahig at isigaw ang sakit na nararamdaman pero pinilit niyang magpakatatag. Sa loob ng tatlong taon nga ay hindi niya sinukuan ang anak, ngayon pa kaya? “May nakikilala ka bas a mga tao dito ngayon?” tanong ulit ng doktor. Inilibot ng kanyang anak ang tingin sa paligid at itinuro ang isa nitong kaibigan. “Harold,” sabi ni Axel. Napatingin silang lahat kay Harold at ang laki ng ngiti nito. “B-boss Axe! Naalala mo ako!” sabi nito at nilapitan si Axel. “Talagang maalala kita. Ang laki ng kasalanan mo sa akin eh,” sabi ng kanyang anak. Nagtaka naman si Harold sa sinabi ni Axel. “Huh? Kasalanan?” “Ah so ngayon, maang-maangan ka? Kung hindi dahil sa kabobohan mo hindi tayo hahabulin ng Los Rojos at hindi ako mababaril,” sabi nito. Nagkatinginan sila ni Harold na tila hindi na din niya maintindihan ang mga sinasabi ni Axel. “Wait teka lang. Anong sinasabi mo? Anong Los Rojos?” tanong ni Harold. “O tingnan mo pati Los Rojos nakalimutan mo. Patong-patong na ang kasalanan mo sa akin, Harold. Hindi ba’t nagasgasan mo ang Corvette ko? Tapos ikaw din ang nakatapon ng kape sa files na nasa desk ko? Akala mo ba hindi ko alam iyon? “T-teka lang. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo,” sabi ni Harold. Dito na naisipan ng doktor na muling pumagitna sa kanilang lahat. “Axel, natatandaan mo ba kung bakit ka nandito?” tanong ng doctor at tumango naman si Axel. “Oo. Nasa isang stakeout kami ni Harold dahil kumukuha kami ng ebidensya laban sa Los Rojos tapos hinabol kami at nabaril ako. Wait, nabaril ako!” Gulong-gulo na sila sa mga nangyayari at lalong lalo na sa mga sinasabi ni Axel. “Axel, you didn’t get a shot? You’re got into a car crash.” “What?”                  Abala ang head ng pamilya sa pagpirma ng mga dokumento. Iniisip din niya ang susunod na hakbang para sa alyansa ng iba pang pamilya. Narinig niya ang pagkatok at pagbukas ng pinto ng kanyang opisina. Alam naman niya na si Bernard lamang iyon. “Timoteo, may maganda at masamang balita po ako,” sabi ni Bernard—ang kanyang kanang kamay. Itinigil niya ang ginagawang pagpirma at tiningnan si Bernard. Halos hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. Sa pagkakaalam niya ay matanda lang siya ng isang taon kay Bernard. Halos nakikita na din niya ang mga puting buhok na sumisilip. Ang bigote nito ay hindi na din nakaligtas sa mga puting buhok. “Ano iyon, Bernard?” tanong niya. “Ang magandang balita ay gising na si Master Axel,” sabi ni Bernard. Dito na siya napatayo dahil sa kanyang narinig. Sa wakas ay gising na ang kanyang apo. “T-talaga? Kumusta siya? Wala ba siyang komplikasyon o ano pa man?” sunod-sunod na tanong niya. Bumuntong hininga naman si Bernard sa kanya. “Mukhang hindi maganda ang kalagayan niya, Timoteo,” sagot nito sa kanya. Agad na nawala ang ngiti sa labi niya. “What do you mean? Anong kalagayan ni Axel ngayon?” “Ang sabi nila Harold at ng doktor na din ay nasa state of shock si Axel. Nagkakaroon din daw ito ng hallucinations and false memories. Hindi ganoon ka-stable ang kanyang mental health. The doctors recommended na patingnan siya sa isan psychiatrist.” “Then, go get the best psychiatrist in town! I don’t care kung magkano singil niya basta maayos niya ang kalagayan ni Axel. Ganoon man ang nangyari pero ang mahalaga ay gising na siya. Mas okay na ang ganito kaysa noong wala siyang malay. Walang kasiguraduhan kung magiging ba siya o hindi. Ipagpasalamat na lang natin sa Poong Maykapal na gising na siya. Wala na siya sa bingit ng kamatayan.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD