Chapter Twelve: Starting Life in the Another World
Ang parallel worlds ay ang alternatibong mundo kung saan ay punong-puno ito ng mga reyalidad. Mga mundo na maraming chances ang isang individual. Hindi naman niya alam na nag-eexist pala ang ganitong bagay. Akala niya ay panaginip lang ang pangyayaring iyon peronarito siya sa ospital at nasa loob ng katawan ni Axel Santos ng mundong ito. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula ng magising siya sa mundong ito. Napag-alaman niya na ang babaeng palaging pumupunta sa kanya ay ang in ani Axel. Maalaga ang babae. Araw-araw, umulan man o umaraw ay palagi siya nitong pinupuntahan sa ospital. Palagi itong may dalang pagkain. Sa ngayon ay soft lang ang mga kinakain niya. Masasabi niyang masarap magluto ang babae.
Dito niya din napag-alaman na Axe ang tawag ng mga taong nakakakilala sa Axel Santos ng mundong ito.
“Umm… pwedeng magtanong?” sabi niya sa kay Natalie—ang in ani Axe.
“Sure, anak. Ano iyon?” sagot sa kanya. Hindi siya naging komportable nang tawagin siyang anak nito. Kahit kailan ay wala sa kanyang tumatawag ng ganoon. Kay Natalie lang niya narinig ang salitang iyon.
“Ano ako noon? You know, bago ako maaksidente?” tanong niya. Itinigil ni Natalie ang ginagawang pagbabalat sa mansanas at nginitian siya.
“Malambing ka sa akin. Tuwing umaga palagi kang humahalik sa pisngi ko. Palagi kang nagre-request sa akin ng favorite mong Salisbury steak. Matulingin ka at palakaibigan,” sagot sa kanya. Napatango naman siya. Mukhang may iisang bagay silang pagkakatulad ni Axe. Ang Salisbury steak.
“Hayaan mo Axe, pagpwede ka na sa solid foods, lulutuan ulit kita ng steak. Okay?” Tumango na lang siya bilang sagot.
Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Payat ito at napakalayo mula sa dati niyang katawan noon. Ang sabi sa kanya ay tatlong taong nasa comatose ang katawang ito. Kaya sinabi sa kanya ng doktor na kailangan niya ng physical therapy. Hindi rin niya gaano maramdaman ang kanyang mga binti. Manhid na manhid ito at hindi niya magalaw kaya sa buong linggo ay nakaupo lamang siya o kaya ay tinutulungan siya ni Natalie na makaupo sa wheelchair.
Marami siyang nakikitang hindi pamilyar na mga mukha. Ang sabi ni Harold at Natalie sa kanya ay mga kaibigan daw niya ito. Well, mukha ngang palakaibigan si Axe kumpara sa kanya. Naaalala niya na hindi talaga siya friendly sa mundo niya. Suplado siya sa mga tao sa totoo lang, maliban na lang sa mga babaeng kursunada niya.
I’m the famous p*ssy breaker pero nandito ako sa unfamiliar world at baldado. Kumusta na kaya si Victoria?
Minsan nga ay pinipilit niyang managinip para makausap ang lalaking may puting buhok. Hindi lang niya maalala ang pangalan ng taong iyon. Gusto niyang sabihin na ibalik siya sa mundo niya pero bigla na lang din sasagi sa isipan niya na six feet underground na siya. Malamang ay kinakain na ng mga organisms ang kanyang katawan.
Dahil si Harold lang ang kilala niya, sa tingin niyang kilala niya ay kahit papaano ay pinagkakatiwalaan niya ito. Si Harold lang talaga ang pamilyar sa kanya.
“Ang tatay ko? Parang hindi siya dumadalaw dito,” sabi niya. Curious lang siya sa buhay ni Axe. Gusto niyang malaman ang buhay nito bago ang aksidente.
Tinitigan siya ng maiigi ni Natalie at ngumiti. Pero ramdam niya ang lungkot sa ngiting iyon.
“Axe, patay na si papa mo six years ago. Mga high school ka noon. Na-ambush sila noon at tama sa ulo ang kinamatay ng papa mo,” sagot sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Nagtataka kung bakit may naganap na ambush. Naglalaro sa isipan niya kung ano ang trabaho at sino ang tatay ni Axe. Pulitiko ba ito o negosyante?
“Ano po ba ang trabaho niya?” tanong niya ulit. Sasagot na sana si Natalie sa kanya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang tatlong lalaki.
“Magandang gabi, Lady Natalie,” sabi ng isang lalaki.
“Ikaw pala, Bernard. Nandiyan si Don Timoteo?” sabi ni Natalie. Tumango ang lalaki at may isang matandang pumasok sa loob. Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng kakaiba sa matandang iyon. Sa tingin niya ay nas sixty to sixty-five years old ito. Putin a halos ang buhok at may hawak itong baston. Halatang mayaman ito dahil sa mga suot nito. Mula sa sombrerong nasa ulo hanggang sa Italian leather shoes na nasa pa anito.
“Magandang hapon, Natalie,” sabi nito. Tumayo si Natalie at yumuko.
“Magandang hapon din po, Don Timoteo,” sabi ni Natalie. Tumingin sa kanya ang matanda at nakaramdam siya ng panginginig dahil sa tingin nito. Nagsimula ding kumabog ang kanyang dibdib nang lumapit ang matanda sa kanya.
“Axe, apo ko. Kumusta na?” tanong sa kanya.
Apo? Sh*t! Lolo ni Axe ito? nakakatakot! Mas nakakatakot pa kay Lt. Carmen kapag nagagalit!
“Ah ano okay lang? siguro,” alanganing sagot niya. Ngumiti ang matanda sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang kamay. Naramdaman niya ang init na hatid nito sa kanya. Unti-unting nawala ang takot na sumisilip sa kanyang puso.
“Mabuti naman. Walang ibang masakit sa’yo?” Umiling naman siya.
“Wala naman po. Namamanhid lang ang aking mga binti. Pakiramdam ko wala akong mga binti it frustrates me actually,” sagot niya.
“Bernard, hanapan mo ng physical therapist ang apo ko. The best therapist in this city and book an appointment. Gusto ko makalakad na at makabalik sa dating sigla ang apo ko,” sabi nito at tumango ang lalaki.
“Yes, Timoteo.”
“Natalie, huwag ka ng masyadong mag-alala sa anak mo. Malalagpasan din ito ni Axe at maibabalik sa dati ang kanyang condition. Anyway, you need also a psychiatrist Axe. Very traumatic ang naging experience mo noong naaksident ka. Maganda din ito para maalala mo ang mga nakalimutan mong tao and memories.”
“Don Timoteo, maraming salamat po,” sabi ni Natalie.
“Walang anuman iyon, Natalie. Para sa apo ko naman ang lahat.”
Hindi nagtagal ay umalis na din ang matanda kasama ng mga tauhan nito. Napansin niya na parang nakahinga ng maluwag ang babae nang makaalis ang matanda.
“Sino po iyon?” tanong niya. Inayos ni Natalie ang kanyang kumot.
“Iyon ang lolo mo. Siya ang daddy ni papa mo. Si Don Timoteo.”