Chapter Thirty-five: The Future Boss of Cielo Famiglia Part I

1070 Words
Chapter Thirty-five: The Future Boss of Cielo Famiglia Part I                  Hindi niya mapigilang magtaas ng kilay nang tingnan niya isa-isa ang kanyang mga tauhan. Halos bugbog-sarado ang mga ito. may putok ang kilay at labi, may black eye, at may naka-arm sling pa. Mas lalo siyang nagtaka nang makita si Sebastian—ang kanyang certo. Bugbog-sarado din ito at may black eye sa magkabilang mata. Maga na din ang pisngi nito at may bahid ng dugo ang suot nitong damit. Siya si Chester Tamaguchi—ang kumicho ng Tamaguchi Clan. “Care to tell me what happened?” tanong niya at mas lalong napayuko ang kanang-kamay niyang si Sebastian. “Ano kasi… boss…” hindi makapagsalita ng maayos si Sebastian. Dama niya ang takot sa boses nito. Hindi siya nagsalita. Ibinaba niya ang hawak niyang tasa sa marmol na lamesa. Lumikha ito ng matinis na tunog kaya mas lalong natakot ang kanyang mga tauhan. “I am patiently waiting,” sabi niya. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at humalukipkip. “Boss kasi, noong sinisingil na namin si Angel Aquino ay may biglang lalaki na sumulpot,” pagsisimula ni Sebastian. “Lalaki? Isa lang?” tanong niya at dahan-dahang tumango si Sebastian sa kanya. “Natalo kayo ng isang lalaki lang?” Muling tumango si Sebastian sa kanya. “Ilang kayo?” tanong niya ulit. “Anim po,” sagot ni Sebastian. Dahil dito ay hindi na niya napigilang mapahalakhak. Sa buong buhay niya, sa maraming taon na siya ang kumicho ng Tamaguchi Clan ay ngayon lang siya nakatawa ng ganito. Ito na ang pinakanakakatawang bagay na narinig niya. Anim sa kanyang mga tauhan ang pinatumba ng isang lalaki lamang? That was the funniest joke he never heard. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay na-refresh ang kaluluwa niya dahil sa mga nangyari sa kanyang tauhan. They are the Tamaguchi Clan—teritoryo nila ang buong Mista at ilang bahagi ng Quirone, Teckslon, at Sicione. Kinatatakutan sila ng ibang clan at kabilang sila sa Cosa Nostra pero may isang lalaki na siyang tumalo sa kanyang mga tauhan. At dahil dito parang nainsulto siya. “Kilala niyo ba ang lalaking iyon?” tanong niya. Umiling ang mga ito. “Hindi po,” sagot ni Sebastian. Nag-igting ang kanyang panga. Nag-iinit ang kanyang ulo. Sino ang lalaking iyon? How dare he?! ***                  “Ito na ang headquarters ng Tamaguchi Clan?” tanong niya habang nakasilip sa bintana ng kotse ni Harold. Nasa passenger seat siya, habang si Renato at Tony ay nasa back seat. Si Harold ang nag-drive mula sa kanilang bahay patungo sa headquarters ng Tamaguchi Clan. Pinagmasdan niya ang paligid. Nasa isang mataas na building sa likuran lamang ng subdivision kung saan sila nakatira. May mga lalaking nakasuot ng itim na long sleeves ang umaaligid sa building. May mga hawak ito na mga matatas na kalibre ng baril. May nakita din siyang AK-47. “They’re holding guns. Lantaran pa! Hindi ba alam ng mga otoridad ang mga iyon?” tanong niya. “Alam but of course, nababayaran nila ang mga authorities dito. Kaya ayan, malaya sila sa kanilang mga ginagawa,” sagot ni Harold. “Ano na? May balak ba kayong lumabas sa kotseng ito?” tanong ni Renato at nailing lang siya. “Ito na. Nagmamadali ka?” tanong niya. Mukhang nainis sa kanya si Renato at akmang hahampasin siya ngunit mabilis siyang nakailag at lumabas na ng kotse. Sumunod na sa kanya sina Harold at Tony. “It’s now or never,” sabi niya at tumango ang dalawa sa kanila. Sabay-sabay na silang naglakad palapit sa building. Ngunit ilang dipa pa lang ang layo nila sa building ay nilapitan na sila ng mga bantay at hinarang. “Sino kayo?” tanong ng isa sa mga bantay. Sasagot na sana siya nang mag-step forward si Harold at ito na ang kumausap sa mga bantay. Naramdaman niya ang kamay ni Tony sa kanyang balikat at bumulong sa kanya. “Hindi pwedeng magsalita ang boss. Tanging right-hand man lang ang maaari nilang kausapin. Boss to boss ang rules,” bulong nito sa kanya. Napatango naman siya at pinakinggan na lang ang pag-uusap ni Harold at ng mga tauhan ng Tamaguchi Clan. “Nandito kami para makausap si Kumicho Chester,” sabi ni Harold at mukhang hindi nagustuhan ng mga ito ang salita ng kanag-kamay niya. “Bakit? Sino ba kayo?” tanong nito sa kanila. “We are members of the Cielo Famiglia,” sagot ni Harold at may pinakitang singsing. Nang makita ito ng mga bantay ay napaatras ang mga ito at nagsimulang magbulungan. Okay? Mukhang pangalan palang ng Cielo ay nakakatakot na. Teka, bakit may singsing si Harold? Tumingin siya sa kanang kamay ni Tony at dito niya nakita na may suot din itong singsing. Bakit may singsing sila? Tapos ako wala?   “May appointment ba kayo kay Kumicho?” “Wala. Pwede ba naming siya makausap?” sabi ni Harold. “Sandali lang at ipapaalam muna naming,” sagot nito sa kanila. Sinenyasan nito ang kasama at agad na tumakbo papasok sa building. Ramdam niya na tila tensyonado ang mga bantay sa paligid. Halos ilang hakbang ang layo ng mga ito sa kanila mula ng malamang miyembro sila ng Cielo Famiglia. Samantalang kanina ay para na silang kakainin ng buhay.                  Lumipas ang kinse minutos nang muling lumabas ang bantay na inutusan. Hingal na hingal ito at mukhang tumakbo papakyat sa kung saang palapag man naroroon ang lider ng mga ito. “Pwede… pwede… pwede na daw kayo pumasok…” hinihingal na sabi nito sa kanila. Naiiling na lang siya. Talagang tumakbo pa talaga? Wala ba silang cellphone or walkie talkie? Lumapit ang tatlong bantay sa kanila at kinapkapan sila. Wala naman siyang dal ana kahit na anong armas. Pero laking gulat niya ng may makuhang mga armas sa dalawa niyang kasama. Isang swiss knife ang nakuha kay Tony at ngumiti lang sa kanya ng alanganin ito. Mas nakakagulat nang makita niya na ilang dinamita ang nakuha kay Harold. Matapos na makuha ang lahat ng mga dala ng kanyang mga kasama ay sinamahan sila ng dalawang bantay papasok ng building. Inaasahan niya na magulo ang building pero napabilib siya nang makitang maayos ang mga kasangkapan. Naglakad sila sa isang mahabang pasilyo at sad ulo nito ay may isang elevator. Bumukas iyon at doon sila sumakay. Pinindot ng bantay ang 10th button at naramdaman niya ang pag-akyat ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD