Chapter Thirty-four: The Diplomatic Plan

1416 Words
Chapter Thirty-four: The Diplomatic Plan                  “Sorry for calling you at this hour,” sabi niya. Alas diyes na din ng gabi at naisipan niyang tawagan sina Harold at Tony. Mabuti na lang at pumunta ang dalawa. He was actually expecting na tatanggihan siya. Biglaan ba naman patawag niya. “It’s okay, Boss Axel. This is one of our duties bilang member ng inner circle mo.” Sabi ni Harold. Napatitig siya sa binata. Para itong tut ana iwinawagayway ang buntot sa kanya. “Okay lang, Xel.  Alam kong may interesadong nangyari na naman and I can’t miss that,” sagot naman ni Tony. Ngumiti naman siya kay Tony. “Ano bang problema, boss?” tanong ni Harold. “Alam niyo ang Tamaguchi Clan?” tanong niya. Nang banggitin niya ito ay pansin niya ang pagbabago ng reaksyon ni Tony. Kahit si Harold ay mukhang hindi natutuwang marinig ang pangalang iyon. Para bang may mga nangyari na sa kanila na may kinalaman ang Tamaguchi Clan. “They’re dangerous, Xel,” sabi ni Tony at naupo sa bean bag na hindi kalayuan sa kanyang kama. “Hindi ko alam kung naalala mo pero ako, oo. High school tayo noon. Hindi ba may ramen shop ang tatay ko? Nandoon tayong tatlo noon when they made a havoc sa shop. Sinira nila lahat ng nasa shop at wala tayong nagawa noon,” kwento ni Tony. “Uncle Thomas get stabbed that day,” dugtong pa ni Harold. Natahimik naman siya. Iniisip niya kung papaano niya ilalatag ang plano niya about sa yakuza na iyon gayong may mga nangyari na pala sa kanila na may kinalaman ang Tamaguchi. Iniisip niya kung itutuloy pa ba niya or hindi. Baka sabihin kasi sa kanya na napaka-insensitive niya. “Bakit? Ano ba nangyari? May nakabangga ka bang miyembro ng Tamaguchi Clan?” tanong ni Harold at napakamot naman siya ng kanyang ulo. “Sort of,” sagot niya at nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang kasama. “What? Anong nangyari? Nasaktan ka ba?” tanong nila sa kanya at umiling sa kanya. “Hindi. Hindi nga nila ako nagalusan. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang planong ito ngayong nalaman ko na history na pala ang clan na ito sa atin, I mean—” “Ano ba nangyari, Xel? Maybe you can tell us what exactly happened para alam namin ang magiging desisyon naming,” sabi ni Tony at tumango naman si Harold. “May isang babae kasi silang hinaharass kaninang hapon. I helped her and Sir Renats said na miyembro sila ng Tamaguchi Clan. May utang ang babae sa kanila and I want to help her. She was crying and asking for help,” kwento niya. “Anong tulong ang gagawin natin? Hindi natin sila kayang burahin. Kahit na small lang sila in terms sa pyramid ng Cosa Nostra, they’re actually many. Teritoryo nila ang Mista at ang ilang kalapit na probinsya. Estimated number of members nila ay nasa fifteen thousand na,” paliwanag ni Harold. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. That many? F*ck! Baka kapag pumalpak ay kami ay talagang babalikan ako! “Wow! Ang dami,” sabi niya. Humugot siya ng malalim na hininga. “Ang gusto ko sana ay kausapin ang lider nila. I want to be diplomatic, okay? No blood bath na mangyayari. I just want to help the girl. May utang siya na twenty thousand pesos and she’s overdue. Pero hindi niya mabayaran dahil nawalan siya ng trabaho. Sabi ni Sir Renats, we can do nothing actually. Not unless magpakilala ako bilang future boss ng Cielo.” “Being diplomatic? Usap lang?” tanong ni Tony at tumango siya. “Mukhang malabo ‘yan, Xel. Mga bayolente ang mga taong iyon.” Tiningnan ni Harold si Tony. “But if iisipin natin, wala namang mawawala if susubukan natin. Diplomacy ay isa sa mga nirerespetong bagay sa Cosa Nostra,” sabi naman ni Harold. Tumingin ulit sa kanya ang binata. “I’m in. Hindi ko rin naman hahayaang pumunta ka mag-isa doon, boss,” sabi nito sa kanya. Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya si Harold. “Thank you! Thank you!” sabi niya. Nang kumalas siya sa yakap ay para itong tut ana tuwang-tuwa. “Well, I’m in also,” sabi ni Tony. “So, saan ba matatagpuan ang lider na iyon?” tanong niya. “Sa 16th district.” Sabay-sabay silang napalingon sa may pinto at nakita si Renato na nakasandal doon. Nakasuot lang ito ng simpleng sweatshirt at jogging pants. Nakalugay ang maganda nitong buhok at as usual ay suot nito ang signature eyeglass. “Sir Renato!” sigaw nina Harold at Tony. “Nandiyan ka pala, Sir Renats,” sabi niya at hindi lang siya pinansin ng trainer. “Sa 16th district? Hindi ba’t sa likod lang ng subdivision ‘yun?” tanong ni Harold at tumango naman si Renato. “Axel, kung sasabihin mo na ikaw ang future boss, papaano mo mapapatunayan iyon?” tanong nito sa kanya. “What? Kailangan ko pang patunayan iyon?” “Of course, dumbass! You need proof na ikaw nga ang successor ni Don Timoteo!” “Then how am I going to do that?” tanong niya. Pakiramdam niya ay sumasakit na ang ulo niya. Hindi niya maiwasang maiinis sa hitman dahil hindi man siya sinabihan tungkol doon. Nagkibit-balikat lang ang hitman sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?” tanong niya at halata sa boses niya ang pagkainis. “I thought you will figure it out,” simpleng sagot nito. Napailing na lang siya. Papaano ko mapapatunayan iyon? Bakit kailangan pa kasi iyon? “Boss Axel,” tawag sa kanya ni Harold. “Ang alam ko ay may sulat si Don Timoteo na nagsasabi na ikaw ang hinihirang na successor niya.” “Sulat? Document?” Tumango si Harold. “Kung ganoon, nasaan?” “Ikaw ang nagtago noon eh. So we don’t know kung saan mo talaga tinago,” sabi naman ni Tony. Oh f*ck! Saan naman itatago ni Axe iyon? Sinimulan na niyang hanapin ang sulat na iyon. Tinulungan na din siya nina Tony at Harold samantalang si Renato ay lumabas na ng kwarto. Naroong tiningnan na niya ang mga libro sa bookshelf. Iniisa-isa ang mga pahina at tinitingnan kung mayroong nakaipit na sulat doon. Si Tony naman ay tiningnan ang kanyang closet. May ilang kahong nakatago doon at si Harold ay tiningnan ang mga bag na nandoon. Axe, saan mo nilagay ang sulat? Yumuko siya sa ilalim ng kama at tiningnan kung may nakalagay ba doon pero wala siyang nakita. Tinaob na niya ang lamesa at maging ang kutson niya. “Hindi mo ba natatandaan kung saan mo nilagay?” tanong ni Tony. “Obviously, hindi. I can’t remember my past so maging ito ay hindi din,” sagot niya at napasipol na lang si Tony sa kanya. “Oh sh*t!” sigaw ni Harold nang mahulog ang cellphone nito. Dahil gawa sa kahoy ay hindi naman agad nabasag o nasira ang cellphone nito. Pero iba ang naging tunog na nilikha nito. “Wait,” sabi niya at lumuhod. Gamit ang kamao niya ay medyo hinampas niya ang sahig at nakumpirma na iba nga ang tunog nito kumpara sa ibang bahagi ng sahig. Iniangat niya ang carpet at dito niya nakita ang tila isang pinto. “Paano natin bubuksan iyan?” tanong ni Tony. “Wait, ito.” Inilabas ni Harold ang isang swiss knife mula sa bulsa nito. Agad niyang tinanggap ito at isiniksik sa siwang ng sahig. Iniangat niya ang lid nito gamit ang swiss knife. Nang mabuksan niya ito ay tumambad sa kanila ang ilang mga litrato at sa ibabaw nito ang isang kulay dilaw na papel. Kinuha niya ito at binuksan. Kita niya ang magandang desenyo na halos nakaburda na sa papel. Sa heading ay nakita niya ang insignia ng Cielo Famiglia. Isang kulay kahel na bato na may pakpak at sa ilalim nito ay may dalawang pistol na magkakrus. At sa ibaba nito ay nakalagay ang mga katagang Il Cielo è Prima Di Tutto. (Sky is above of all) Binasa na niya ang nilalaman ng sulat. Dear Axel Santos,                  This is to inform you that you are chosen to become the eleventh head of our century old organization Cielo Famiglia. You will undergo training to become the proper boss of the family. I am looking forward to your leadership. Sincerely, Timoteo Santos Tenth Head of the Cielo Famiglia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD