Chapter Thirteen: Therapies
Ang tatlong pagkaka-comatose ni Axe ay talagang kumota sa katawan nito. Dama niya ang epekto nito at naiinis siya dahil kahit daliri niya sa paa ay hindi niya magawa. Para siyang lantang gulay at wala siyang balak na sayangin ang buhay niya sa ganitong kondisyon.
Napatingin siya nang may kumatok sa pinto ng silid niya at bumukas ito. Pumasok si Natalie at may dala itong isang basket ng mga prutas at may kasunod itong isang babae. Nakasuot ito ng lab gown kaya obvious na isa itong doktor.
“Anak, nandito na ang kinuhang therapist ng lolo mo,” sabi ni Natalie. Lumapit sa kanya ang doktor at nagpakilala.
“Hello, Axel. I’m Dr. Lennie Faustino. I will be your physical therapist,” pakilala nito sa kanya. Tumango naman siya.
“Gaano katagal bago ulit ako makalakad? I’m sick and tired for being bed ridden,” sabi niya at ngumiti sa kanya ang doktora.
“It depends sa will mo. Sabi nga kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, walang magyayari. Hahaba lang ng hahaba ang therapy mo. Kaya mas maganda kung makikipag-cooperate ka sa akin,” sabi nito sa kanya.
“I am willing sa kung ano ang gagawin mo sa akin,” sagot niya.
Nagsimula na ang kanyang therapy. Naroon na habang nakahiga siya ay ine-exercise ng doktor ang kanyang mga binti. Hawak ni Dr. Lennie ang likod ng kanyang hita at ang paa niya. Ibini-bend ng doktora ang kanyang tuhod at itinataas ang balakang niya hanggang sa maabot ang leeg niya. Paulit-ulit itong ginagawa ng doktor at sa totoo lang ay nakaramdam siya ng ginhawa. Pakiramdam niya ay na-stretch ang kanyang mga muscles at nawala ang soreness nito dahil sa matagal na pagkakatulog.
Sa loob ng isang linggo ay araw-araw siyang tine-therapy ng doktora. Nakiusap siya na gawin itong araw-araw dahil gusto na talaga niyang makaalis na sa ospital. Bagot na bagot na din siya dito. Wala siyang ibang nakikita kung hindi si Natalie, si Harold at ilang mga kaibigan daw niya.
Sa pagpatak ng ikalawang linggo ng kanyang physical therapy ay malaki na ang naging improvement niya. kung dati ay hindi niya maramdaman ang kanyang binti, ngayon ay ramdam na niya. Wala pa nga lang itong lakas pero nagagalaw na niya ang kanyang mga daliri. Umaayos na din ang timbang niya at ang pangangatawan niya. Nakakakain na din siya ng solid foods kaya agad siyang nagpabili ng hamburger.
Sa pagpasok ng isang buwang therapy niya ay paunti-unti ay naihahakbang na niya ang kanyang mga paa. Pero hindi pa nito kayang suportahan ang buong katawan niya kaya naka-wheel chair parin siya. Minsan ay dumating ang tauhan ni Don Timoteo ay binigyan siya ng mga clutches. Mabilis siyang nagpasalamat at ginamit na kaagad dito. Laking ginhawa sa kanya na kahit papaano ay nakakalakad na siya. Minsan ay naglalakad-lakad siya sa garden ng ospital. Sa unang mga linggo niya sa mundong ito ay tinatanaw lang niya mula sa bintana ng kanyang kwarto. Ngayon ay nakakapasyal na siya dito.
Sa ikalawang buwan ay manghang-mangha si Dr. Lennie sa kanyang progress. Halos hindi na niya nagagamit ang kanyang clutches. Nakakalakad na siya ng maayos. Nalilibot na nga niya ang buong ospital. Akyat-baba siya sa mga hagdan sa fire exit. Nakakatakbo na din siya at nakakapag-jogging na din. Nagagawa na niya ang mga normal na gawain.
“My god, Axel! You really did a great job!” sabi sa kanya ni Dr. Lennie. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng doktora.
“It’s all thanks you. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa’yo. Nagtiyaga ka sa akin. I know I’ve been an a*s kapag frustrated ako,” sabi niya at kinindatan pa niya ang doktora. As usual, lumalabas na naman ang pagiging p*ssy breaker. Because he is Axel “Xel” Santos, the p*ssy breaker!
“Are you flirting with me?” deretsahang tanong sa kanya at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.
“What if I am?” tanong niya at tumawa naman ng malakas ang doktora.
“Oh Axel. Sorry but I’m married already. Siguro kung ibang circumstances lang tayo nagkakilala ay baka maari pa. too bad I’m loyal and faithful to my husband. Besides, I’m too old for you,” sabi ni Dr. Lennie sa kanya at nagkatawanan sila. Napuno ang silid niya ng kanilang mga paghalakhak.
“Ganoon ba? Well, I don’t f*ck married women,” sabi niya. Wala silang kalam-alam na nasa labas lang ng silid niya sina Natalie, Harold, at ang isang doktor.
Ngumiti ng alanganin si Natalie at Harold sa kasama nilang doktor. Hindi nila akalain na ganoon makipag-usap si Axel kay Dr. Lennie.
“Well…” sabi ng doktor. Hinahanap ang tamang sasabihin niya sa kanyang mga kasama.
“Umm… doc, don’t mind what he said,” sabi ni Harold at binuksan na ang pinto. Napatigil sa pag-uusap sina Dr. Lennie at Axel.
“Anak, this is Dr. Linda Smith. Siya ang pinadalang psychiatrist ni Don Timoteo,” sabi ni Natalie sa anak. Nagkatinginan sina Dr. Lennie at Dr. Smith at nagkabatian.
“So Axel, sa susunod na lang ulit. I gotta go. Congratulations for your fast recovery,” sabi ni Dr. Lennie.
“Thank you, Dr. Lennie,” sabi ni Axel. Tuluyan ng umalis si Dr. Lennie.
“Hello, Dr. Smith,” bati ni Axel.
“Hello, Axel. So, I’m Dr. Linda Smith, I’m a psychiatrist at naipaalam na sa akin ang naging kalagayan mo. They said you have forgotten memories more like selective amnesia?” Tumango naman si Axel.
“Yeah, iyon ang sabi nila.”
“Ano… aalis na muna kami ni Harold para makapag-usap kayo ng maayos ni Dr. Linda, anak,” sabi ni Natalie. Ngumiti naman siya at tumango. Hinatak na ni Nataliesi Harold at tuluyan ng lumabas ng silid.
“So, are you comfortable to open up to me?” tanong ni Dr. Linda. Tumango naman si Axel sa kanya.
“Yeah, sure,” sagot sa kanya.
“Maari mo bang sabihin sa akin kung sino ka?” tanong niya. Tila naman na parang nagulat ito sa tanong niya.
“Okay, my name is Axel Santos. But I’m not the Axel Santos ng mundong ito. I mean I’m not the real Axel,” sabi sa kanya. Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay dahil sa sinabi nito. Hindi niya naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng binata sa kanya.
“Come again? Hindi ko yata naintindihan ang sinabi mo,” sabi niya.
“Ganito kasi iyon doc. Si Axel ng mundong ito, patay na. Ako ang pumalit sa kanya. Ewan ko kung papaano nangyari iyon. Basta hindi ako si Axel Santos ng mundong ito.”
Pakiramdam niya ay napakakomplikado ng pasyente niyang ito.
“So, you’re saying you’re not Axel?” tanong niya at mabilis naman itong umiling sa kanya.
“No doc! My name is Axel Santos, okay? Pero I am not Axe! Ako si Xel! Not Axe!” sagot sa kanya at kita niya ang frustration ng kanyang pasyente. Tinititigan niya ng maiigi ang kanyang pasyente at inaalam kung bakit sinasabi nito na hindi siya si Axe pero siya si Axel. She actually doesn’t get it.
“Okay, can you tell me who you are?” Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga ng kausap niya at sumandal pa mito sa couch.
“Doc, ganito kasi iyon. My name is Axel Santos. People call me Xel, okay?” sabi sa kanya at tumango naman siya. Pinakikinggan ang mga sasabihin pa ng kanyang pasyente.
“Okay, you’re Xel?”
“Yes!” mabilis na sagot nito.
“Okay, tell me about yourself Xel.”
“Ah is this a job interview?” tanong nito sa kanya at napataas ang kanyang kilay. Ngumiti siya at umiling bago sumagot.
“No, I just want to know who you are Xel. Kasi nga sinasabi mo na you’re Axel but not Axe but Xel. So, medyo shady ang information na ibinibigay mo sa akin. I want to help you okay? So, tell me who are you Xel.”
“Okay, akala ko kasi job interview ito. Anyway, so iyon nga I am Xel. I am a detective at Urduja Police Department. I am one of the best!”
Kita ni Dr. Linda ang saya at ang pagiging proud ng kanyang pasyente nang sabihin nito na isa siyang detective. But, she will not believe that. Papaano nga naman kasi magiging detective ang batang ito? She knew that her patient is only 20 years old, got in a coma for three years. Habang pinagmamasdan niya ay nagfoformulate na sa isipan niya ang maaaring pinagdaraanan ng kanyang pasyente.
“May award nga akong natanggap from Lieutenant Carmen eh because nahuli ko ang isa sa mga matitinik na drug lord sa Urduja. Then there is a case, a murder case. We called it Homra’s Murder case.”
“Homra?”
“Yes. Bryan Homra’s murder case. Anak siya ng isang business tycoon. Natagpuan siyang patay sa isang hotel suite. He was shot point blank! Nakatali ng duct tape ang kanyang mga kamay at paa making it hard for him to escape. So, we investigated it.”
Muli niyang tiningnan ang kanyang pasyente. Her instincts told her that he is not lying.
Or magaling lang gumawa ng kuwento? Tanong niya sa kanyang sarili.
“Then what happened in your investigation?” tanong niya. Sinakyan lang niya ang sinasabi ng kanyang pasyente.
“We happened to know na isang drug cartel ang may gawa. I learned that Bryan Homra stole the coke,” sagot nito habang nag quote and unquote sa hangin ng sabihin niya ang salitang coke.
“What coke? ‘Yung softdrinks?” tanong niya at marahas ang pag-iling ng kausap niya.
“No! Coke means cocaine. Bryan Homra is a drug runner. Hindi niya ibinigay sa recipient ang drugs kaya hinunting siya ng recipient and kidnapped him and shot dead!”
“That’s horrible!” sabi niya at tumango-tango naman ang kausap niya.
“Yes! Indeed!”
“So, what’s next? Nahuli niyo ba ang pumatay sa kanya?” tanong niya at bumuntong hininga naman ang kanyang pasyente.
“I really don’t know. We got an information na ang suspect ay may transaction sa Port of Javier so nagkasa kami ng operation. Nasa port na kami and naghihintay ng signal. Nang nagkaabutan na ng mga items, may partner the idiot Henry nagpaputok! So, nagkagulo na. While I was running towards the suspect, bigla na lamang ako nakarinig ng putok ng baril and when I looked down on myself, nakita kong may dugo na sa dibdib ko. I don’t want to die! I have a fear in death! Kaya I prayed. I prayed to God to not let me die. Ayoko pang mamatay eh!”
“Is that why you fell into a coma?” tanong niya. She can feel that every word that her patient said was all true pero hindi niya pa rin maiisip na totoo nga ito. Masyadong malabo ang info na natanggap niya sa mga doctors nito at family kumpara sa mga sinasabi nito ngayon sa kanya.
She knows na car accident ang nangyari sa pasyenteng ito, not gun shot.
“Did God hear your prayer?” tanong niya ulit at nagkibit ng balikat ang kanyang kausap.
“I guess. I actually don’t know kung totoo nga ang pangyayaring iyon o panaginip. May nakausap akong lalaki bago ako magising. He told me na siya ang admin ng parallel world or something. Sabi niya puwede akong mabuhay pero hindi sa mundo ko, kung hindi dito. Axe was dying and nothing can save him na. That man told me he can transport me in Axe’s body. And now paggising ko, I was in hospital and everything seems not right! Akala ko panaginip ang lahat! I learned na car accident ang nangyari kay Axe and fell into a coma. All I know was I died during a stakeout, I never involved in a car accident.”
“Papaano mo nasabi na everything is not right?”
“I don’t have a family. Namumuhay akong mag-isa. So, it was a bomb ng makita ko ang isang babae and telling me na she’s my mother! I never met that woman! I never met my mother and have no plans to do that. Kaya everything is not right! Papaanong nangyari na may magpapakilala na lang na nanay ko hindi ba?”
Kumuha si Dr. Linda ng papel at may isinusula doon. Samantalang ang kanyang pasyente ay napasandal na lang at napatulala sa kisame.
“Perhaps,” Napa-angat ang ulo ni Dr. Linda at tiningnan ang kanyang kausap.
“Perhaps, that was not a dream. Na totoo ngang nakipagbargain ako sa taong iyon. Ano bang pangalan ng lalaking iyon? Kropek? Keropi? Kronos? Yeah! Kronos ang name ng lalaki sa panaginip ko!”
“Ah Axe---”
“It’s Xel! Not Axe!”
“Okay, I’m sorry. Xel, I think na ang three years mong pagkaka-coma really gets a toll on your mental health,” sabi niya at pinaningkitan siya ng kanyang pasyente.
“Are you telling me na I have a few screws lose?” Kaagad siyang umiling.
“No, of course not! I think you have PTSD.”
“PTSD?”
“Post-traumatic stress disorder. You see, nanggaling ka sa isang comatose state and it’s normal to have this kind of delusion---”
“I’m not delusioning okay?! Fine! I’m done here!”