Chapter Thirty-nine: Axe’s Memories: The Death of his Father

1088 Words
Chapter Thirty-nine: Axe’s Memories: The Death of his Father                  Malakas ang pagbuhos ng ulan. Pero hindi niya ito alintana at ang nasa isip lang niya ay makauwi na sa kanyang Mama Natalie. Sa bawat paghakbang niya sa basang daan ay ang pagsagot ng kanyang mga sugat at pasa sa katawan. Hindi niya alam na sa paglabas niya ng eskwelahan ay inaabangan na pala siya ng grupo ni Loyd—ang madalas mambully sa kanya.                  Siya kasi ang naiwan sa kanilang klase para maglinis ng kanilang classroom. Dahil siya ang tinaguriang Axel-palpak ay pinagkaisahan siya na maglinis ng kanilang classroom. Palabas na siya ng gate ng kanilang high school ay nagulat siya nang hatakin siya ni Loyd. Dinala siya sa likuran ng kanilang eskwelahan at walang awang binugbog. Naroong suntukin siya, sipain, at hampasin. Hindi niya alam kung bakit galit na galit si Loyd sa kanya. Wala naman siyang ginagawa dito at sobra ang galit nito sa kanya. Nang magsawa ang mga ito ay basta na lang siya iniwan sa madilim na lugar na iyon. Pinilit niyang tumayo at ayusin ang sarili. Maliliit na hakbang ang ginawa niya hanggang sa dumilim na ang langit at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Halos wala na siyang makita at malakas na din ang ihip ng hangin. Ayaw niyang huminto. Ang gusto niya ay makauwi na kaagad sa kanilang tahanan.                  “Axel! A-anong nangyari?!” tanong agad ng kanyang ina nang buksan nito ang pinto. Yakap na niya ang kanyang sarili at nanginginig na din. Hindi na niya alam ang kanyang hitsura at wala na siyang pakialam pa. “Anak ko,” sabi ng kanyang ina. Pinapasok siya sa loob ng bahay at agad na niyakap. Napapikit na lang siya habang dinadama ang init na hatid ng yakap ni Mama Natalie. Dinala siya sa banyo upang makapaglinis ng katawan. Hinayaan niyang pakalmahin ng tubig ang kanyang nanakit na katawan. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa mga nangyayari sa kanya. Ang tagal niyang nagtitiis pero hahayaan na lang ba niya na habang buhay ganito ang ginagawa sa kanya? Hindi na ito makatao.                  Paglabas niya ng banyo ay nakaabang na ang kanyang ina. May hawak itong first aid kit at giniya siya sa couch. Maingat na ginagamot ng kanyang ina ang mga sugat niya. Sa braso, sa mukha, sa hita, at sa katawan. “I will transfer you to a different school. I sue that monster. I will sue the school’s admin. I will sue them all!” sigaw ng kanyang ina. Bakas sa boses nito ang galit at sakit. Galit para sa mga taong gumawa nito sa kanya. Sakit dahil sa naranasan niya. “Axel anak, how long?” tanong nito sa kanya. “A year,” simpleng sagot niya. “Alam ng mga teachers mo?” Tumango siya at napapikit na lang ang Mama Natalie niya. “Makikita nila! I will tell this sa papa mo. Magbabayad sila,” matapang na sabi ng kanyang ina. “Hindi ka na papasok bukas. Kung pwede lang lilipat tayo ng bahay. Lilipat tayo sa Mista. Lalayo tayo dito.” Hindi na siya sumagot. Mas pabor kung lalayo sila sa probinsyang ito. Wala namang masayang alaala siya na naranasan sa lugar na ito. Puro pait, puro sakit. “Mama, si Kirsten. Iiwan natin siya?” tanong niya. Naalala niya bigla ang kaibigan niya. Ang nag-iisang kaibigan niya. Lumambot ang ekspresyon ng kanyang ina. Hinawakan nito ang kanyang pisngi. “I love you, mama.” “I love you too, anak. Kumain ka na. Para makapagpahinga ka ng maaga.” Ngumiti siya at sabay sila ng ina niya na nagtungo sa dining area. Pagpasok niya ay amoy na amoy niya ang bango ng paborito niyang Salisbury Steak. Hinainan na siya ng kanyang ina at nagsimula na silang kumain. Nagkukwento ang kanyang ina tungkol sa kanilang neighborhood. Masaya itong nagkukwento ng mga ginawa nito sa buong maghapon katulad ng pag-aalaga nito ng mga halaman. Siya naman ay tahimik lang at nakikinig sa kwento ng ina. Naputol ang pagsasalita ng kanyang ina nang mag-ring ang telepono na nasa sala nila. “Teka lang anak, baka si papa mo iyon.” Tumayo na ang kanyang ina at nagtungo kung saan ang telepono, leaving him alone. Makalipas ang dalawang minuto ay nakarinig siya ng lagabog. Agad siyang napatayo at sinilip si Mama Natalie. Doon niya nakita na nasa sahig ang kanyang ina at ang telepono ay nakasabit na lang. Umiiyak si Mama Natalie at nanginginig ang katawan. “Mama? Ayos lang ba kayo? Ano pong nangyari?” tanong niya habang itinayo ang kanyang ina. Walang tigil ang pag-agos ng luha ng kanyang ina at pakiramdam niya ay binabasag ang kanyang puso. “Anak, ang papa mo… wala na siya… patay na si papa mo,” sabi ni Mama Natalie sa kabila ng paghikbi. Hindi siya makapaniwala. Wala na ang kanyang ama. Kahapon lang… kahapon lang magkausap kami… Wala na silang nagawa pa kung hindi yakapin ang isa’t isa. Yakapin ang mga puso nilang nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.                  Kinabukasan ay sinundo sila ni Bernard, ang secretary ng kanyang Lolo Timoteo. Bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot. Pareho silang nakasuot ng kanyang ina ng itim. May itim na belo sa ulo ang kanyang ina. Tahimik ang naging byahe nila papunta sa mansion ng kanyang Lolo Timoteo.                  Pagdating nila doon ay maraming tao. Ang lahat ay nakasuot ng kulay itim. May ibang malungkot, may ibang parang napilitang pumunta. Pagpasok nila ay nakita nila ang isang kulay itim na casket at doon nakalagak ang labi ng kanyang ama. Sabay sila ng kanyang ina naglakad papalapit sa kanyang ama. Maliliit na hakbang papalapit sa kanyang mahal na ama. At nang tuluyan na silang nakalapit ay bumuhos ang kanilang mga luha. Mas masakit na makita si Papa na talagang wala na… Hinayaan sila ng mga tao na magluksa. Humihikbi na ang kanyang ina at bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. “Natalie. Axel.” Sabay silang napalingon ng kanyang ina sa nagsalita. Nakita niya ang kanyang Lolo Timoteo. Bakas sa mukha ng matanda ang pagod at sakit. Maga ang mga mata nito, ebidensya na umiyak ito. “D-don Timoteo,” sabi ng kanyang ina. Lumapit ang matanda sa kanila at niyakap sila. “It was all sudden. They were ambushed last night. Pabalik na sila mula sa isang meeting with other investors. The police are doing their best to catch the culprit,” paliwanag ng kanyang lolo. “I know it hurts. It hurts like hell,” dagdag pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD