Chapter Sixteen: Just a little information

1391 Words
Chapter Sixteen: Just a little information                  Sa dalawang linggong pananatili niya sa bahay ni Natalie ay ang daming tanong na ang nabubuo sa kanyang isipan. Katulad ng bakit palaging nandito sila Harold, bakit parang may mga guwardiya sa labas ng bahay nila, bakit parang may laging nakabantay sa kanilang tahanan, bakit puro litrato lang nila Axe ang nakikita niya. Bakit parang may hindi magandang relasyon si Natalie at Don Timoteo? Hindi naman niya magawang tanungin si Natalie dahil nahihiya siya. Pero gusto niyang makilala kung sino si Axe at ang pamilya nito. Gusto niyang makilala ang mga taong pakikisamahan niya habang buhay.                  “Axel, okay ka lang?” tanong ni Natalie sa kanya. Tumingin siya sa ginang at tumango. Kasalukuyan siyang nasa dinning area at naghahanda ng hapunan si Natalie. Amoy na amoy niya ang niluluto nitong calderetang baka—isa sa mga paborito niya. “Okay naman po ako,” sagot niya. Ngumiti na lang ang ginang sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawang pagluluto nito.  Napatingin siya sa paligid. Wala ngayon sila Harold dahil may mga exams daw ito bukas. Mga college students na ang mga ito. Minsan hindi rin niya maiwasang ma-miss ang Harold na nakilala niya. The Harold na laging nakadepende sa kanya. Dito kasi sa mundong ito ay para bang si Axe ang nakadepende ka Harold. Iyon ang nakikita niya. “Pwede po bang magtanong?” sabi niya. Lumingon naman sa kanya ang ginang at ngumiti. “Ano iyon, anak?” Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Bakit parang hindi kayo gusto ni Don Timoteo?” tanong niya. Nakita niyang natigilan si Natalie sa kanyang tanong. Parang nagsisi tuloy siya na itanong iyon. Nakita niya kasi ang paglungkot ng mga mata ng ginang. “Napansin mo ba? Mahabang kwento kapag sinimulan ko,” sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at tumingin sa wall clock na nasa tabi ng refrigerator. 06: 45 PM “The night is young. Kahit gaano pa kahaba iyan, I’m willing to listen,” sabi niya. Tumango si Natalie sa kanya at inasikaso muna ang niluluto bago ito patayin at umupo sa tapat niya. “Willing ka bang making?” “Oo naman po. Tinanong kita eh,” sabi niya at natawa ang ginang sa kanya. “Okay kasi ganito iyon,” pagsisimula ni Natalie sa kanya. Tumayo ito at kumuha ng tsaa at ibinigay sa kanya. “Hindi talaga boto sa akin si Don Timoteo,” dagdag nito sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at hinayaang magkwento ang ginang sa kanya. “Hindi naman siguro lingid sa’yo na mayaman ang iyong lolo. Galing sa prominenteng pamilya ang iyong ama. Nagmamay-ari sila ng mga negosyo katulad ng mga hotels, malls, supermarkets, at maging eskwelahan. Nakilala ko ang iyong ama noong college student palang ako. Isa akong nursing student sa Universidad de Froilandon, ang ama mo naman noon ay isang business management student. May common friend kami pareho at pinakilala kami sa isa’t isa. Sa umpisa noon hindi ko gusto ni Rodel. Masyadong mahangin kasi pero one time, nakita ko kung papaano siya tumulong sa mga nangangailangan noon. Siguro iyon na ang umpisa.” Kita niya sa mga mata ni Natalie ang saya ngayong binabalikan ang mga alaala nito kasama ang asawa. Kita niya ang pagmamahal nito para sa kaiyak at haligi ng tahanan. “Naging kami after six months. Mabait si Rodel. Wala akong masasabing masama tungkol sa kanya, well aside sa pagiging mayabang. Pero may maipagyayabang naman ang papa mo. Hindi ako gusto ni Don Timoteo para kay Rodel. Sino nga ba naman ako? Galing lang ako sa isang middle class family. Nalaman ko na may napupusuang babae si Don Timoteo para sa iyong ama.” “Arranged marriage?” tanong niya. “Oo, arranged marriage. Pero hindi nagpatinag si Rodel. Nagtanan kami noon. Nanatili kami sa bayan ng Teckslon noon. Doon na din kami nagpakasal. After five months mula ng makasal kami ay nalaman kong buntis na ako sa’yo noon. Iyon din ang panahon kung saan natunton kami ni Don Timoteo. Nang malaman ni Don Timoteo ang pagpapakasal naming at pagbubuntis ko ay wala na siyang nagawa pa. After that ay bumalik na kami ni Rodel dito sa Mista at dito na din ako nanganak.” “Buti po hindi naging dragon si Don Timoteo?” tanong niya at natawa naman si Natalie sa kanya. “Muntik na kamo! Pero noong makita ka niya, lumabot naman ang puso niya sa akin. Tuwang-tuwa siya noon sa’yo. Halos araw-araw nandito siya, kung wala nga lang daw siya trabaho. Super spoiled ka noon sa kanya. Ikaw ang una niyang apo eh.” “Naging okay naman po ang pakikisama niya po sa’yo?” tanong niya ulit. “Oo, so far naging okay naman. Pero hindi ko pa rin siya tinatawag na papa, Don Timoteo pa rin ang tawag ko sa kanya. Lolo ang tawag mo sa kanya, hindi Don Timoteo,” paalala sa kanya ni Natalie. Tumango naman siya. “Pero noong namatay si papa mo, parang naging back to zero ang samahan naming dalawa. Siyempre, wala na si Rodel na namamagitan sa aming dalawa. Ikaw na lang.” “Paano namatay si papa?” tanong niya. Pinilit niya pang sabihin ang salitang papa. Agad na nalungkot ang mukha ni Natalie kaya agad siyang nakonsensya. Arrggh! Sana pala tumahimik na lang ako. “Okay lang po kahit ‘wag niyo na po akong sagutin,” sabi niya. Hinawakan naman ng ginang ang kanyang kanang kamay. “Okay lang. Okay lang sa akin,” sabi nito sa kanya. “Namatay siya dahil sa isang ambush. Sa pagkakatanda ko ay may meeting siya mula sa isang businessman. Nakipag-deal tapos after that may nag-ambush sa kanila. Sabi ng mga pulis na nag-imbestiga ay hindi man lang nakalaban ang mga bodyguards ng papa mo noon. Talagang niratrat ang sasakyan nila noon. Bata ka palang noon. Pero sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa imbestigasyon ng mga pulis.” Ngayon ay nagtaka siya sa sinabi ni Natalie. Nagtataka siya kung bakit sinabi nitong wala siyang tiwala sa naging imbestigasyon ng mga pulis. “Bakit naman po?” tanong niya. “Ngayon ko lang ito sasabihin pero matagal ko na talaga itong naiisip.” “Ang alin po?” “May kutob ako na hindi business deal ang ginawa ng papa mo noon. Hindi negosyante ang kausap ni Rodel noon. May kutob din ako na may alam si Don Timoteo sa totoong nangyari. Isang araw matapos mamatay ni papa mo ay may nabalitaan ako. Isang estate ng angkan ng Gernandizo ang nasunog at kahit isa ay walang nakaligtas. Hindi ko alam kung coincidence lang iyon pero iba ang kutob ko. Hindi ko naman na rin matanong si Don Timoteo kung ano nga ba ang totoong nangyari. Tinanggap ko na lang kung ano ang sinabi sa akin kahit pa mahirap ito.” Ngayon ay dito na nagiging mahiwaga sa kanya ang angkan ni Don Timoteo. Noong unang beses niyang makilala at makita ang matanda ay talaga namang may kakaiba siyang naramdaman. Alam niyang hindi basta-basta ang matanda. Para ba itong panginoon na may hawak sa lahat ng bagay. “May picture po ba kayo ni papa?” tanong niya. “Wala po kasi akong nakikita kahit anong larawan eh. Puro ikaw at ako lang,” sabi niya. Tumayo si Natalie at nagtungo sa isang cupboard. Binuksan nito at kinuha ang kulay pulang pitaka. “Nandito, may picture siya diyan,” sabi ni Natalie. Binuksan niya ito at nakita ang isang maliit na larawan ng lalaki. Tinitigan niya ito ng maiigi at nanlaki ang mga mata nang makilala ito. What the f*ck?! Si Lt. Rodel Carmen! Pero bakit ganito? Santos ba si Lt. Carmen? Arrgghh! This world is driving me crazy!                  Dito na niya naalala ang usapan nil ani Harold noong nakaraang taon. “Oy alam mo ba?” Napatingin siya noon kay Harold na kumakain ng sugar glazed donut. “Ano na naman iyan?” tanong niya at inisang lagok ang beer-in-can na hawak. “Santos ang totoong surname ni Lt. Carmen. ‘Yung Carmen, surname daw iyon ng nanay niya. Tapos galit siya sa tatay niya kaya hindi na daw niya ginamit ang Santos.” “Saan mo na naman narinig iyan, Harold?” “Kay Lt. Carmen mismo!” Don’t tell me, siya talaga ang tatay ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD