Chapter Fifty-four: Xia Needs Help Part VII

1069 Words
Chapter Fifty-four: Xia Needs Help Part VII                  Tahimik lang silang naghihintay ng tawag mula kina Kris at Harold. Sa totoo lang ay nasasabik siya. Pakiramdam niya ay may mission sila katulad noong pulis pa siya. Nasasabik siya sa mga mangyayari. Umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa taas ng study table. Mabilis niya itong kinuha at nabasa ang pangalan ni Harold. “Hello?” “Boss, we got the information. Sa Sicione ang mansion ng Nero Famiglia. Doon dinala ang kapatid ni Xia na si Lia Montelibano,” sabi ni Harold sa kanya. “Good! Magkita na lang tayo sa shopping district. Susunduin naming kayo,” sabi sa niya. Nakita niyang napatayo na din ang mga kasama niya. “Yes, boss.” Pagkatapos ay pinutol na niya ang tawag. Napatingin siya sa kanyang mga kasama at mukhang ready na din ang mga ito. “Nakakuha na sila ng information. Sunduin na lang natin sila shopping district,” sabi niya at tumango ang mga ito. “Let’s use my van,” sabi ni Renato at sabay-sabay na silang lumabas ng kanyang kwarto. Paglabas nila ay malakas pa din ang pagbuhos ng ulan. Ilang oras na din ang lumipas mula nang bumuhos ang ulan. Kumikidlat at kumukulog pa. Naunang lumabas ng bahay si Renato para kunin ang sasakyan nito. Hindi nagtagal ay bumisina na ito kaya paglabas nila ay may nakaabang ng itim na van. Mabilis silang sumakay dito at pinaandar na kaagad ang sasakyan. Hindi naman kalayuan ang shopping district kaya agad silang nakarating. Pagdating nila doon ay wala pa sina Harold at Kris kaya nag-abang lang sila. “Dumbass Axel, call them,” utos sa kanya ni Renato. Hindi na lamang niya pinansin ang tawag nito sa kanya pero sinunod naman niya ang utos nito. Nakailang ring na pero hindi pa din sinasagot ni Harold ang tawag. “Hindi niya sinasagot,” sabi niya. “Let’s wait for a minute.” Hindi pa natatapos ang isang minuto ay nakita na niya mula sa bintana na tumatakbo ang dalawa papalapit sa kanila. Mabilis niyang binuksan ang pinto at agad na pumasok sa loob. Basam-basa ang dalawa. Mabuti na lang at may dala siyang mga gamit. Binigyan niya ng tuwalya sina Harold at Kris. Tinanggap naman ito ng dalawa at pinunasan ang mga sarili. “Ano nalaman niyo?” tanong niya. “Nasa mansyon ng Nero ang kapatis ni Xia. Ang sabi ng isang member nila ay nasa likod lang ito ng coliseum,” sagot ni Harold habang pinupunasan ang ulo niya. “Good. Let’s go,” sabi niya at tumango si Renato. Mabilis nitong pinaandar ang kotse.                  “Makakarating kaya tayo agad?” tanong ni Tony. “Medyo malayo ang Sicione,” dugtong pa nito. “Don’t worry. Kabisado ko ang buong Azalea like the back of my hand,” sabi naman ni Renato. “Let’s just pray na maayos ang kalagayan ng kapatid niya sa kamay ni Don Crisologo. Mahirap kapag sinasaktan niya ito,” sabi niya at sumang-ayon ang lahat.                  At katulad ng sinabi ni Renato ay agad silang nakarating sa bayan ng Sicione. Kung normal na byahe lang ay aabutin ng ilang oras pero isa’t kalahating oras lang ay nakarating na sila. Madaling araw na din at humihina na ang ulan pero may panaka-nakang pagkidlat at pagkulog. “That’s the coliseum,” sabi ni Mykel habang nakadungaw sa bintana. Umikot pa ang van at dito na nakita nila ang isang magarang mansyon. Napatingin siya at hindi mapigilang kilabutan sa hitsura ng mansyon. Mukha kasi itong haunted house. Parang abandonadong mansyon. “That’s Nero’s mansion?” tanong ni Tony. Tila hindi din makapaniwala sa nakikita. “Bakit mukhang haunted? Ilang mafia families na din ang napuntahan ko pero hindi ganyang ka-creepy ang mga mansyon nila,” sabi ni Mykel. “Maybe goth ang style ni Don Crisologo,” sabi ni Richard.                  Huminto sa ang van, hindi kalayuan sa mansyon. Dito nila nakita na may mga bantay na umaaligid sa mansyon. “Kailangan nating makapasok at makuha si Lia Montelibano,” sabi niya. Tumango naman sa kanya ang mga kasama niya. “Ako ng bahala sa mga tauhan sa labas,” sabi ni Tony. “Sasamahan na kita,” sabi naman ni Richard. Sumang-ayon naman siya. “Kami ang back up mo, Boss Axel,” sabi ni Celestine. Kami nila Kuya at Kris ang magbaback-up at kayo nila Lorence ang maghanap kay Lia Montelibano,” dugtong nito. “Okay. Mas maganda,” pagsasang-ayon niya. “Dito lang ako sa van. I will give you all an hour. Kapag sa loob ng isang oras ay hindi kayo nakabalik dito, susunod ako. Susundan ko kayo,” sabi naman ni Renato. “Okay.” ***                  Mabilis siyang bumaba sa van at kasunod niya si Tony. Magaan at kalkulado ang kanilang mga hakbang. Iniiwasan nilang gumawa ng kahit na anong ingay na siyang aagaw sa mga atensyon ng mga bantay. Sumenyas siya kay Tony na maghiwalay sila ng direksyon. Siya sa kanan, si Tony sa kaliwa. Tumango si Tony sa kanya at naglakad na palayo. Sa kanyang paglalakad ay nagtungo siya sa likod ng isang bantay. Abala ito sa pagsisigarilyo at mukhang hindi siya nararamdaman. Dito na niya sinunggaban nag bantay. Mabilis niyang pinilipit ang leeg nito at dinig na dinig niya ang pag-crack nito. Maingat niyang inilapag ang katawan nito at hinila para itago. May nakita siyang lubid sa lupa at agad niya itong kinuha. Naglakad siya papalapit sa front door at mabilis na ipinilupot ang lubid sa leeg nito. Mahigpit niya itong sinakal at nagpupumiglas ang kanyang biktima. Pero wala siyang nararamdamang awa para dito. Hindi n anito nagawa pang sumigaw o humingi man lang ng tulong. Nang wala ng hininga ang lalaki ay muli niya itong tinago. Nakita niya ang pagkislap ng katana ni Tony at ang pagbagsak ng lalaki. Umagos ang masaganang dugo mula sa leeg ng lalaki. “Okay na? wala ng natira?” tanong niya kay Tony. “So far, wala na,” sagot sa kanya. Tumingin siya sa direksyon kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan. Sumenyas siya at agad na nakitang bumukas ang pinto ng van at lumabas ang kanyang boss. Nang makalapit na sa kanila ang mga kasama ay huminga sila ng malalim at bigla nilang binuksan ang malaking pinto. Pagkapasok nila ay agad na silang sumugod. “Intru—” hindi na natapos ang sasabihin ng kalaban ng gilitan ito ni Kris. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD