Chapter Fifty-three: Xia Needs Help Part VI

1092 Words
Chapter Fifty-three: Xia Needs Help Part VI                  Agad siyang napabangon nang marinig ang pag-click ng pinto. Nakita niyang unti-unti itong bumukas at pumasok ang isang lalaki. May kaedaran na ito. Sa tingin niya ay nasa thirty plus na ito. Matipuno ang pangangatawan nito at moreno. “Kumusta, mahal kong Lia?” tanong nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya nakikilala ang lalaking ito. “Sino ka?! Bakit ako nandito?! Bakit mo pinapatay ang pamilya ko!?” sunod-sunod na tanong niya. Ngumiti ang lalaki na nagdala ng kilabot sa kanya. “Relax, my dear. Ayokong natatatakot ka sa akin. Para sa una mong katanungan. I am Crisologo Nunyez—your future husband.” “W-what? Anong pinagsasasabi mo?” tanong niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Papaanong future husband? At kung titingnan ay mas matanda na ito kaysa sa kanya. Hindi niya kilala ang lalaki, at kahit kailan ay hindi niya nakita ito. Ito ang unang beses na nakita ang lalaki. “Relax lang, mahal kong—” “Don’t call me that!” sigaw niya. Kinikilabutan siya sa paraan ng pagtawag nito. Her skin crawls. Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito. Tila naging mas seryoso at nakakatakot ito. Nilapita siya ay bigla na lang siyang hinawakan sa magkabila niyang braso. “’Wag mo akong sigawan!” sigaw sa kanya. Agad na natikom ang bibig niya. kitang-kita niya kung papaano mag-apoy sa galit ang mga mata nito. Ramdam din niya ang paghigpit ng mga hawan nito sa kanya at ang pagbaon ng mga kuko nito sa balat niya. “Let me go, please…” halos pabulong niyang sagot. “No, honey. I can not do that. You are bound to be my wife. I waited for so long!” “If you really love me, please let me go,” sabi niya. Natigilan ito at bigla na lamang tumawa. Tumawa ito nang tumawa. Para na itong nababaliw. Masakit sa tainga ang paraan ng pagtawa nito. Sa mata niya ay demonyo ito, at nasa impyerno na siya. “Who said that I love you?” tanong nito. Hindi siya nakasagot.  Bigla na lamang naging mabagsik ang mga mata nito at alam niya na any minute ay papatayin siya nito. “Let me tell you something,” sabi nito sa pagitan ng mga ngipin nito. Dama niya ang gigil nito sa kanya. “I don’t love you and never will.” “T-then w-why? Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa niya. “Tinutupad ko lang kung ano ang kasunduan naming ng ama mo. Ang tatay mo ay isang napakalaking manloloko. Ikaw ang kapalit sa pabor niya. ikaw ang kabayaran! Kinukuha ko lang ang bayad sa pagkakautang niya sa akin.” Hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng lalaking ito. Utang? Anong utang? Papaanong ako ang naging kabayaran? “I will enlighten you, okay?” naging malambing ang boses nito. Dahan-dahan siyang tumango. Binitawan muna siya at dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa takot ay bumagsak siya sa malamig na sahig. Wala na siyang lakas para tumayo pa. “Lumapit ang ama mo sa akin noon. Ilang taon na din ang nakalilipas. Naalala mo ang kapatid mong si Xia noon? She was only three years when she was diagnosed to have brain tumor. Of course, mahirap lang kayo noon. Lumapit sa akin ang ama mo asking to let him borrow my money. And we had a deal. Ikaw ‘yun. Ikaw ang kabayaran sa halagang twenty-five million. Ang usapan ay kapag tumuntong ka na sa edad na eighteen, kukunin na kita and become my wife. Pero anong ginawa niya?! Hindi niya tinupad ang kasunduan! Pero hindi na mahalaga iyon. Hawak na kita I will make you to become my beautiful wife.” Hindi siya makapaniwala. Kaya ba ganoon na lang siguro ang reaksyon ng kanyang ama. Na pakiramdam nito ay may sumusunod at nagmamasid sa kanila. Na palipat-lipat sila ng bahay. Siya ang naging kabayaran para mailigtas ang kanyang kapatid na si Xia. “I still have one question,” sabi niya. “Go on.” “Where’s Xia?” Nagkibit-balikat lamang ang lalaki sa kanya. “I don’t know. Pero sabi ng mga tauhan ko ay buhay siya. The let her live,” sagot nito sa kanya. Tuluyan ng umagos ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Ang mahalaga ay buhay ang kanyang kapatid. “Please don’t hurt her. I will stay. Magpapakasal ako sa’yo just don’t hurt her,” she said. Lumapit sa kanya si Crisologo at hinaplos ang kanyang mukha. “Don’t worry, I wil.” At mukhang isinara na niya ang libro ng kanyang buhay. Isinara n ani Don Crisologo Nunyez.   ***                  “Xia! Xia! Xia!” Bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata. Hinahabol niya ang kanyang hininga at pakiramdam niya ay tumakbo siya ng napakalayo. Pinagpapawisan siya ng husto at malakas ang kabog ng kanyang puso. “J-jasmin?” tanong niya at tumango ang dalaga sa kanya. Inalalayan siyang makaupo at nakita niyang gising na ang isang batang lalaki. “Okay ka lang ba, ate?” tanong ni Ryan sa kanya. Umiling siya. Dahil totoo naman. Hindi siya okay. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya ay nasa isang masamang panaginip siya. “Xel will do everything to help you. Kapag sinabi niyang tutulungan ka niya, gagawin niya kaagad ‘yun,” sabi ni Jasmin sa kanya. “Kaming dalawa ni Ate Jasmin, tinulungan ni Kuya Xel. Binigyan niya kami ng home,” sabi ni Ryan sa kanya. Tumango naman siya. Hindi naman niya pinagdududahan ang kakayahan ni Xel. “Nasaan na pala sila?” patukoy niya sa grupo ni Xel. Napatingin siya sa digital clock na nasa coffee table at nakalagay doon na alas dos y media na ng madaling araw. “Umalis na sila kanina. Mukhang alam na nila kung saan ang kapatid mo. Lahat sila umalis even Sir Renato,” sagot ni Jasmin sa kanya. “Sir Renato?” “’Yung lalaking may salamin tapos mahaba ang buhok. Teacher siya ni Xel. Mga nagmamadali sila eh. Halos tumakbo na sila,” sagot ni Ryan sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Umaasa siya na maililigtas niya ang kanyang kapatid. “Narinig ko kanina ang usapan nila,” sabi ni Jasmin sa kanya. “Parang ikakasal ang kapatid mo. Kaya nagmamadali silang mabawi ang kapatid mo. Mabuti na lang at nandiyan sila Xel. ‘Wag kang mag-alala, malay mo ngayong araw makapiling mo na ang kapatid mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD