Chapter Fifty-five: Xia Needs help Part VIII

1133 Words
Chapter Fifty-five: Xia Needs help Part VIII                  Pinagmasdan niyang maiigi ang paggalaw nina Richard at Tony. Kahit sa malayong distansya ay alam niyang kalkulado ang mga bawat kilos nila. Tumagal lamang ng tatlong minuto ang kanilang paghihintay at nakita na niya si Richard na sumensyas. Nakataas ang hinlalaki nito na tila ba sinasabi na okay na ang lahat. Wala na silang sinayang na oras pa at agad na lumabas ng sasakyan. Mabilis niyang nilapitan ang front door pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga nakahandusay na katawan. Ang isa pa ay sariwa pa ang dugo. Binuksan ni Richard ang pinto at sabay-sabay silang pumasok. May isang bantay ang nagulat at sisigaw na sana nang bigla itong lapitan ni Kris at ginilitan ang leeg. Sumirit ang dugo mula sa biktima ni Kris. Natalsikan pa nga siya pero hindi na niya alintana ito. “Harold, I’ll go to the west wing, you go to the east,” sabi niya at tumango si Harold. Mabilis na nahati ang grupo niya. Kasama niya sina Tony, Richard, Lorence, at Celestine. Kasama naman ni Harold sina Mykel at Kris.                  Sa pagpasok nila sa West wing ng mansyon ay naalerto na kaagad ang mga kalaban nila. Nang makita sila ay agad na sinugod sila. Dito na niya inilabas ang ibinigay ni Renato sa kanyang pistol—ang Dessert Eagle 50. Mabilis niyang tinanggal ang safety pin nito at pinaputukan ang unang taong sumugod sa kanya. Sapul ito mismo sa ulo—point blank. Hindi niya pansin na gulat ang mga kasama niya dahil sa ginawa niya. May isang lalaki na kalalabas lang sa isang kwarto at nagulat sa kanilang pagdating. May hawak itong espada at susugurin siya ngunit mabilis itong sinangga ni Tony gamit ang katana nito. “Not so fast!” sigaw nito. Inilaslas nito ang katana sa katawan ng lalaki at bumagsak agad. “We need to find Lia,” sabi niya at tumango sina Tony. Naglabasan ang mga miyembro ng Nero at sinugod sila. May ilan siyang pinaputukan at ang isa ay tinutukan niya ng kanyang baril. “Nasaan si Lia Montelibano?” tanong niya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!” sagot nito pabalik sa kanya. Lumapit sa kanila si Lorence at gamit ang maliit na punyal ay sinaksak ito sa torso. Humiyaw sa sakit ang lalaki. “Sagot!” sigaw niya. Inikot naman ni Lorence ang punyal na nakabaon sa torso nito kaya muling humiyaw ang lalaki dahil sa sakit. “T-tama na!” “Sagutin mo ang tanong ko!” “Nasa fourth floor! Sa isang kulay brown na pinto!” sagot nito. Ngumiti siya. “Thank you,” sabi niya. Binunot na ni Lorence ang punyal sa lalaki at muling humiyaw ito sa sakit. Hindi pa man nakakabawi ang lalaki ng bigla niya itong pinaputukan sa dibdib. Bumagsak ang walang buhay na katawan nito. “Nasa fourth floor daw,” sabi niya at tumango ang kanyang mga kasama. Tumingin siya kay Lorence. “Lorence, you’re doing great,” sabi niya at ngumiti ng malawak ang binatilyo.   ***                  “Don Crisologo!” sigaw ni Jigger sa kanyang opisina. Halos lumipad na ang pinto dahil sa paraan ng pagbukas nito. Humahangos ito at pawis na pawis. “Please calm down, Jigger,” sabi niya. “Anong problema?” “Don Crisologo,we are under attack!” sabi nito sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa niyang pagbabasa ng mga dokumento. “What?” “We are under attack. May grupong sumusugod sa atin at hinahanap si Lia,” sagot nito sa kanya. Tumayo siya at kinuha ang isang baril mula sa drawer at tumayo na. “I will protect what’s mine,” he said at lumabas na ng kanyang opisina. Pinuntahan niya kaagad si Lia na nasa kwarto sa ika-apat na palapag. Dinig niya ang alingawngaw ng mga putok ng baril at mga banggaan ng mga espada. Mga sigaw at ingay. Hindi niya maisip kung sino o anong grupo ang nasa likod ng kaguluhang ito.                  Pagdating niya sa kwarto kung saan niya itinatago si Lia ay binuksan niya ito at pumasok. Bumungad sa kanya ang babae na hilam na hilam ang mukha dahil sa kaiiyak. Magang-maga na din ang mga mata nito. Nakahiga lang ito sa kama at halos wala ng lakas. “Lia, stand up!” utos niya ngunit hindi kumilos ang babae. “I said stand up!” sigaw niya ngunit hindi natinag ang babae. Sa inis niya ay hinablot niya ang babae. Sa paghablot niya ay nagulat siya ng makitang wala itong malay at may dugo sa pulso nito. Dito lang niya nakita na laslas ang pulso nito. Nakita din niya ang basag na bahagi ng baso at may bahid ito ng dugo. “Sh*t! Lia!” sigaw niya pero hindi na nagrerespond ang babae sa kanya. “Just what the f*ck!” sigaw niya. Wala na siyang choice kung hindi ang iwanan ang babae at tumakas.                  Papunta na siya sa isang hallway nang may makasalubong siyang mga lalaki. Dito niya nakilala kung sino ang nasa likod ng kaguluhang ito. “Axel Santos?!” sigaw niya. “Nasaan si Lia?” tanong nito sa kanya pero hindi siya sumagot. Halatang inis na inis na ito sa kanya. “Nasaan si Lia?!” tanong ulit nito. Mabilis siya nitong tinutukan ng baril. Mabilis niyang binunot ang baril niya at pinaputukan si Axel. Nakailag ito at agad na nakapagtago sa gilid ng isang cabinet. Dito na na sila nagpalitan na sila ng putok. May ilang bumabaril na din sa kanya at halatang kasamahan ito ni Axel. Iniisip niya kung ano ang kinalaman ng Cielo kay Lia. Lia is only his. Kinapa niya ang kaliwang bulsa niya at inilabas ang isang smoke screen bomb. Inihagis niya ito sa direksyon nila Axel at sumabog ang makapal na usok. Ginamit niya itong pagkakataon para makatakas. ***                  “F*ck!” sigaw niya at naubo dahil sa biglang pagbato sa kanila ng smokescreen. Dinig din niya ang pag-ubo ng kanyang mga kasama. Ilang minuto din ang lumipas bago tuluyang nawala ang makapal na usok. As what he expected, wala na si Don Crisostomo. Nakatakas na ito. Napansin niya na bukas ang isa sa mga pinto at agad niya itong pinasok. Nakita niya si Lia na maputla at halos wala ng buhay na nakahiga sa kama at may umaagos na dugo sa pulso nito. “F*ck!” sigaw niya. Mabilis niyang dinaluhan ang dalaga at kinapa kung may pulso pa ito. Mayroon siyang nararamdaman ngunit mahina. “Richard! I need your help!” sigaw niya. Pumasok si Richard at agad na dinaluhan ang dalaga. Nang makita niya ang pulso nito ay pinunit niya ang kumot at ito ang ibinalot sa sugat para mapigilan ang pag-agos ng dugo. “Kailangan natin siyang dalhin sa ospital,” sabi nito at tumango siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD