Chapter Sixty-three: The Paradise Island
“That was so hot, Xel,” sabi ng babae sa kanya. Nakahiga ito sa malambot na kamat at tanging puting kumot lang nakalagay sa katawan nito. Siya naman ay tumayo na at nagsimulang magbihis.
“Thanks sweetie. But for now I have to go. Kasama ko kasi ang mother ko at baka hinahanap na ako. Thanks for this steamiy hot s*x,” he said. He lean down and give the womans a peck on lips bago tuluyang lumabas ng cabin nito.
Paglabas niya ay saktong pagdaan ni Renato sa hallway. Mukhang nagulat ang hitman sa kanya at kalaunan ay nagsalubong ang mga kilay nito.
“Care to explain?” tanong sa kanya at ngumiti naman siya.
“I prefer not. Hindi ako kiss and tell,” sagot niya at tumalikod na. Ramdam naman niya ang pagsunod ni Renato sa kanya.
“You banged someone inside a cabin not too far mula sa cabin kung nasaan ang nanay mo,” sabi nito sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang hitman.
“If I banged someone, I hope labas ka na doon. It’s my personal life, okay?” sabi niya at nameywang naman si Renato sa kanya.
“You don’t get it? Do you? Hindi pwede ang ganyan, Axel. You’re the incoming eleventh boss. You’re entering Cosa Nostra na ang lahat ng tao ay kayang magpanggap. What if that woman was a spy and plotting to kill you? Kill you while banging her? It’s not a decent death for a mafia boss.”
“Sir Renats, I know what I am doing. I know kung mapagkakatiwalaan ba ang tao o hindi,” sagot niya at dinig niyang pagbuntong hininga ng hitman. “Besides, tama na muna ang mafia thing, okay? Give me a break.” Tumalikod na siya at naglakad palayo.
“You cannot have a break in mafia, Axel.”
“Saan ba papunta ang cruise na ito, Mama?” tanong niya habang nasa loob sila ng cabin nila. Naglalaro sina Jasmin, Bianca, Lorence, and Ryan ng uno cards habang ay iba naman ay nasa labas. Kinuha naman ni Mama Natalie ang isang brochure na nasa side table at binasa ito.
“Ang nakalagay dito ay sa isang Paradise Island,” sagot sa kanya. Tumango naman siya.
“Paradise Island?” Napatingin sila kay Renato na busy magbasa sa tablet nito. Tumayo siya at lumapit sa hitman na nakaupo sa isang sofa.
“Why? Nakarating ka na ba doon?” tanong niya at tumango naman sa kanya si Renato.
“Yup. Paradise, indeed,” sagot nito sa kanya. Sumilip siya sa tablet dahil curious siya sa binabasa nito.
Los Rojos.
“F*ck? May ganyan din dito?” Sabay turo niya tablet. Tumingin naman sa kanya ang hitman at halatang nagtataka.
“What do you mean?”
“Ah ano… I mean narinig ko na ‘yan somewhere. Los Rojos. Teka, ano ba nakalagay diyan?” tanong niya ngunit nanatiling nakatingin sa kanya si Renato. Kakaiba ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Nailing na lang si Renato sa kanya at sinagot din naman ang tanong niya.
“I think it’s a new mafia family. Lately ko lang nalaman ang tungkol sa kanila. Wala pa akong masyadong nakukuhang information about sa grupong ito. Ang nakuha ko lang ay ang pangalan ng lider. Nagngangalan itong Greg. No surname, no age, no everything. Just Greg,” sabi sa kanya.
“Greg? Maybe it’s Gregory Sandejas,” sabi niya at muli na naman siyang pinukol ng kakaibang tingin.
“You know him?” Mabilis siyang umiling.
“Hindi. Hula ko lang. You know, bigla na lang may pumapasok na pangalan sa isip ko,” palusot niya at tumayo na. “Labas lang ako,” sabi niya at tumayo na at lumabas ng cabin.
Hindi mawala sa isipan niya ang kanyang nalaman. Akala niya ay makakaligtas na siya sa grupong iyon but it turns out na mukhang sa mundong ito ay may Los Rojos pa din. Dahil sa grupong iyon ay natapos ang buhay niya.
“Boss? Ayos ka lang ba?” Napalingon siya at nakita si Celestine at Mykel na nakaupo sa isang beach chair. Nakahawaian shirt si Mykel at may hawak pang buong coconut with a straw. Si Celestine naman ay simpleng beach dress.
“Kayo pala, Celestine and Mykel,” sabi niya at naupo din sa katabing beach chair.
“Kanina pa kayo dito?” tanong niya at umiling naman si Mykel.
“Hindi naman. Mga thirty minutes lang,” sagot ni Mykel. Pinagmasdan niya ang paligid. Papalubog na ang araw at mayroon pa ding mga ibong na lumilipad-lipad sa kalangitan. Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang isla. Kahit palubog na ang araw ay kitang-kita niya ang puting buhangin nito.
“Maybe that’s the Paradise Island,” sabi niya sabay turo sa isla. Napatingin ang kambal sa tinuro niya.
“Wait, did you say Paradise Island?” tanong ni Mykel at tumango siya.
“OMG!” sigaw ni Celestine at nagkatinginan ang magkambal. Nagtaka naman siya dahil sa naging reaction ng dalawa.
“May problema ba?” tanong niya. Tumayo si Mykel at lumapit sa railings. Tinitigan niyang maiigi ang isla and muling lumingon sa kanya.
“Paradise Island nga. No wonder kung bakit tayo nandito lahat,” sabi nito sa kanya. Nagtataka na talaga siya.
“I see. Kaya pala nanalo ng ticket si Mama Natalie at kaya pala may mga natanggap tayong ticket para sa cruise na ito,” sabi naman ni Celestine.
“Can someone enlighten me?” sabi niya at tumingin ang kambal sa kanya. Bumalik sa beach chair si Mykel at sumipsip ng buko nito.
“Paradise Island is the island for mafiosi. It means teritoryo ng mafia ang island na iyan. Good luck sa atin. Halo-halong mga grupo ang bumibisita sa lugar na iyan,” paliwanag ni Mykel sa kanya.
“What? So ibig sabihin ay sadya lahat? Kahit ang pagkakapanalo ni Mama sa raffle?”
“Yes. Ganoon na nga.” Napatingin silang tatlo sa nagsalita at nakita si Renato na nasa tabi na nila.
“Sir Renato,” sabi ni Celestine. “Sino po ang nasa likod nito? I mean bakit kasama sila Mama Natalie? Okay lang sana kung kami lang but Mama and others are civilians,” dugtong nito.
“Don’t worry. Mama and others will be safe. And to answer your first question, walang iba kung hindi si Don Timoteo.”
“You mean Don Timoteo set us up?” tanong niya.
“Kayo lang, hindi ako. I know this last week pa,” sagot sa kanya.
Muli siyang napatingin sa isla. Papalapit na sila at sa tantya niya bago mag-alas nueve ng gabi ay makakarating na sila doon sa isla.
Ano kaya ang naghihintay sa kanila doon?