Chapter Sixty-four: The Paradise Hotel
He still cannot believe it. Na ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ay pakana ni Don Timoteo. Kaya pala nanalo ang kanyang ina sa raffle at kung bakit nandito lahat ng miyembro ng inner circle niya.
Paradise Island.
Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila doon. Sa tingin niya ay mukhang alam naman na ng iba kung anong mayroon doon. Lugar na pinupuntahan ng lahat ng kasapi ng Cosa Nostra. Halo-halong mga grupo doon.
“Ladies and gentlemen, we are now arrived in the most beautiful and luxurious Paradise Island. Hope you will enjoy your stay. Thank you.” Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag. According kay Renato ay may hotel sa island kung saan sila mananatili doon.
“Sir Renats,” tawag niya sa hitman. Nahuli silang naglalakad pababa ng ship. Ang kanyang ina at ang mga bata ay nauna na dahil sa pagiging excited. Lumingon sa kanya ang hitman.
“What?”
“Lahat ba ng nakasakay dito ay mafioso?” tanong niya. Umismid si Renato sa kanya.
“Yes.”
The f*ck!
“Why didn’t you tell me?! The woman I f*cked this morning, mafioso siya?” tanong niya at halos iyugyog na si Renato.
“Maybe yes, maybe not. Kaya nga sinabi ko sa’yo na mag-ingat ka! Na baka patayin ka nila lalo na’t kung alam nila na ikaw ang future eleventh boss ng Cielo. you’re really a dumbass! An idiot!” sigaw sa kanya at tuluyan ng tumalikod. Napabuntong hininga na lamang siya at sumunod sa hitman.
Naglakad sila sa dalampasigan hanggang sa makarating sila sa isang hotel. Mukha iting five-star hotel. Nakapila ang lahat ng guests sa entrance at may mga gwardya doon at talagang kinakapkapan ang bawat guest.
“Boss, mahigpit ang mga bantay dito. No arms or any guns. Then mafia police ang nagbabantay dito sa buong isla,” bulong sa akin ni Harold.
“Meaning, that security guards are mafia police?” tanong niya at tumango ang kanyang right-hand man.
“Yes.”
“Halo-halong grupo ang mga nandito?”
“Yes, boss. Well, Paradise Island is a peaceful island para sa mga kasapi ng Cosa Nostra. Walang alitan dito or kung mayroon man nasa truce state naman sila. Basta bawal ang away or gera dito sa Paradise Island,” paliwanag nito sa kanya.
Pagpasok nila sa entrance ay mabilis na kinapkapan sila ng mga bantay. Bawat bulsa ng kanilang mga pantalon at bag at talagang binubusisi. Sinisiguro na wala man lang silang dalang kahit na anong mga baril o matatalim na bagay. May isang staff ng hotel ang sumalubong sa kanila.
“Greetings, everyone. Welcome to Paradise Hotel. I am Manager Alfredo Salaxar at your service,” sabi ng isang lalaki. Medyo may edad na din ito. Sa tingin niya ay nasa edad thirty-five to thirty-eight years old. Kulay itim ang uniporme nito. Isang black slacks at black long sleeves. May gold lining ang kwelyo pababa sa butones. Plakadong-plakado ang buhok nito na animo’y ilang bote ng gel ang ginamit at may suot itong isang monocle sa kaliwang mat anito.
“Ihahatid ko na kayo sa inyong mga silid.” May mga ilang hotel staff ang kumuha sa mga gamit nila at wala na siyang nagawa nang agawin ng isa sa mga ito ang kanyang maleta.
Sumakay sila sa isang elevator at pinindot nito ang 15th button. Tahimik lang silang nakasakay doon at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.
Ding!
Bumukas na ang elevator at bumungad sa kanila ang isang pent house. Ang buong fifteenth floor ay para sa kanila.
“This will be the floor of all the Cielo,” sabi nito sa kanila.
“Cielo?” tanong ni Mama Natalie at mabilis silang sunagot ng palusot.
“Ano mama… Cielo means guests,” sabi niya sabay kamot sa ulo. Napatango naman ang ginang sa sagot niya. Itinuro ni Manager Salaxar ang mga kwarto sa penthouse at talaga namang nakakabilib dahil sila ang nasa pinakatuktok ng gusali. Dito ay kitang-kita nila buong Paradise Island. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang amusement park kaya tuwang-tuwa sina Jasmin at Ryan.
Tinulungan niya ang kanyang in ana dalhin ang mga gamit nito at ng mga bata sa kwarto ng kanyang ina. Doon ay sama-sama ang mga babae kasama sina Bianca at Celestine. Nagkasundo naman silang mga lalaki na iisang kwarto na lang din ang gamitin nila.
“Sir Renats, bakit pinadala kami dito ni Don Timoteo?” tanong niya habang nakaupo sa balkonahe. Gabi na pero umiinom pa din ito ng espresso coffee.
“To mingle of course. Para makilala mo ang iba’t ibang miyembro ng mafia. Kaya kita sinasabihan kanina na mag-ingat,” sabi nito sa kanya.
“Mingle lang ba?” tanong niya ulit. Sa totoo lang, feeling niya ay may tinatago pa ang hitman sa kanya. Iniisip niya kung iyon lang pala ang dahilan ay bakit sila pinapunta sa lugar na ito. Bakit nga naman ba mag-aaksaya ng pera at panahon si Don Timoteo para lamang sa ganoong bagay? Kung pwede naman magpatawag ng meeting or ng isang tea party?
Ibinaba ni Renato ang tasa nito sa babasaging coffee table.
“Honestly, he has a mission for all of you,” sagot sa kanya. Umupo na din siya sa tapat nito at dinama ang malamig na hangin.
“Ano naman iyon?”
“You should catch a certain criminal. He’s name is Alejandro Gustavo Realonda.”
***
“Nakarating na ba sila sa Paradise Island?” tanong ni Don Timoteo kay Bernard. Mabilis namang tumango ang right-hand man.
“Yes, Don Timoteo. Kakatawag lang ni Manager Salaxar at inihatid na sila sa kanilang penthouse,” sagot nito sa don. Tumango ang matanda sa sagot ni Bernard.
“Good. Just make sure na hindi madadawit sa gulo si Natalie at ang mga civilians. Ayokong may mangyaring masama kay Natalie. Ayokong baliin ang pangako ko sa anak ko,” sabi niya.
“Don’t worry Don Timoteo. May mga nakabantay sa kanila. May mga matang nakatitig sa kanila.”
“Good. I hope na magtagumpay sila Axel sa paghuli sa kriminal na iyon.”
“Don Timoteo, just one question.”
“Ano iyon?”
“Bakit sila Axel pa? Hindi ba’t trabaho ng mafia police ang paghuli kay Alejandro? We all know kung gaano kadelikado ang criminal na iyon. Ilang mafia families na ang binura niya sa Cosa Nostra.”
“Bernard, nakiusap ako kay Michal na ibigay na niya sa apo ko ang mission. He gladly granted me. May tiwala ako sa apo ko at sa inner circle nito. Magagawa nilang mahuli si Alejandro Gustavo Realonda.”