Chapter Two: Introducing Police Detective Axel Santos

1261 Words
Chapter Two: Introducing Police Detective Axel Santos             Pagkatapos niyang magbihis agad siyang lumabas ng kanyang bahay at sumakay na sa kanyang Corvette C7 na kulay puti. Sa Paradise hotel na siya dumeretso. Hindi naman kalayuan ang hotel sa kanyang tinutuluyang bahay. Mahigit 45 minutes na biyahe lang mula sa kanyang bahay patungo sa Paradise Hotel. Pagdating niya doon ay nakatanggap siya ng text mula sa kanyang partner na si Harold at sinabi nito na sa room 1003 ang crime scene. Sumakay siya ng elevator at agad pinindot ang 10th button. Nasa 3rd floor na siya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng naka-bikini. Mukhang maliligo ito sa pool ng hotel. Hindi niya mapigilan tuloy mapatingin sa kagandahang taglay ng babae. Matangkad, maputi at makinis ang balat, mahaba at maitim ang buhok nito at may magagandang pares na asul na mga mata. Halatang foreigner ang babae. “Hello, handsome,” bati sa kanya ng babae habang pinindot ang 20th floor button. Ngumiti naman siya sa babae at tiningnan ng kakaiba ito. “Hi pretty lady,” sagot niya at tila mas lalong lumawak ang ngiti nito sa kanya. “Wanna have fun?” saagot na sana siya ng tumunog ang elevator at nakitang nasa 10th floor na siya. “I’m sorry but I have some work to do but ---” kinuha niya ang kanyang wallet sa likod ng pantalon at doon ay binunot niya ang isang calling card at nakangiti niyang iniabot sa babae. Kinuha ng babae ang calling card at binasa ito. Axel Santos, the handsome p*ssy breaker. “You can call me later tonight,” dugtong niya at nagmuwestra pa siya ng pagtawag habang lumalabas ng elevator. Tumango naman ang babae at nakita pa niyang inilagay ng babae ang tarheta sa dibdib nito bago tuluyang magsara ang elevator. “She’s hot,” sabi niya pa bago maglakad ng tuluyan sa room 1003 kung nasaan ang crime scene.             Pagpasok niya doon ay nandoon na ang mga kasama niya. May yellow tape ng nakakurdon sa kuwarto at nandoon na ang forensic team na kumukuha ng mga litrato ng crime scene. “So, what happened?” tanong niya ng makapasok sa loob. Nakita niya ang isang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa sahig ng bathroom. May duct tape ang mga kamay at paa maging ang bibig nito at may gun shot sa noo nito. “Victim;s name is Bryan Homra,” sabi ni Harold habang hawak ang isang ipad at nakaflash doon ang profile ng biktima. “Homra? It rings a bell.” “Broody Homra. Anak niya iyang victim,” sagot ni Harold at napatango naman siya. “Ah ang isa sa mga business tycoon. The liquor man!” he said. “Yes, the liquor man,” pagsasang-ayon ni Harold. “So ganito nga, Bryan booked and checked in the hotel at August 12, 20** at exactly 9 am. He was supposed to check out at August 16 at 2 pm pero hindi na siya nakita pa. Kaya nagreport ang receptionist sa hotel manager and the hotel manager checked this suite and voila! Bryan Homra’s lifeless body!” pagbibigay ng info niya at tumango si Xel sa kanya. Nilapitan ni Xel ang bangkay at kitang kita ang gun shot wound nito sa noo. “The victim was shot by a 9mm Luger ammo which is makikita sa isang Glock 17 pistol. There are also signs of struggle, he even have bruises sa neck and I assure you na cord ng blower ang gamit para sakalin siya,” sabi ni Lita Angeles, member ng forensics team. “Blower?” tanong ni Harold at tumango naman si Lita. “Yup! Blower! Look!” sabay turo sa nakasabit na blower sa may vanity mirror na nasa labas lang ng bathroom. “Nakuha niyo na ba ang cctv footage mula ng nagchecked ang victim dito?” tanong niya. “Nakikipag-cooperate na ang team natin for the footages,” sagot ni Harold. “How about the phone of the victim? And other personal belongings?” “Nakuha ko na din. Ipapasa ko pa sa cyber division ang phone since may password ito,” sagot ni Lita. “Good! I will ask muna the receptionist and the manager.” Lumabas na siya at nakita ang isang hotel staff na iniinterogate ng ibang police officers. Lumapit siya dito at inakbayan ang isang pulis. “Hey,” napatingin ang pulis sa kanya. “Ikaw pala Xel! Akala ko wala ka ngayon?” “You know how our boss acts. Namiss agad ako kaya hindi pa man nagsisimula ang bakasyon ko pinapabalik na ako. Anyway, I’ll handle this,” he said at umalis naman ang pulis. Humarap siya sa staff at ngumiti. “Hello, I am Detective Axel Santos but you can call me Xel. I assume na you’re the receptionist?” tanong niya at tumango ang babae sa kanya. “Yes I am. I am Agnes Cruz,” pakilala ng babae sa kanya. “The victim, Bryan Homra checked in on August 12? Am I correct?” tanong niya. “Yes. He booked the suite for five days. He was supposedly to checked out kahapon pero hindi. Kaya tinawag ko ang manager naming to report.” “When was the last time you saw him?” tanong niya. Sandaling nag-isip ang babae sa tanong niya. “Hmm maybe on his 4th day. August 15, around 7 pm. May kasama siyang babae actually. Nakaakbay siya sa babae, maybe a hooker iyon na nakuha niya somewhere,” sagot sa kanya. “Thank you. May I know kung nasaan ang manager?” “He’s in his office right now. Natrauma ata si Sir sa nakita.” “Thank you. Oh by the way, if you have time you can call me with this number.” Kumuha na naman siya ng calling card niya at ibinigay kay Agnes. Napaawang ang bibig ng dalaga dahil sa nabasa niya sa calling card. “Call me if you need me.” Kumindat pa siya bago tuluyang naglakad palayo sa dalaga. Napakagat labi naman si Agnes dahil sa kagwapuhan ng lalaking nakausap niya.             Nagpunta na siya sa opisina ng hotel manager at naabutang umiinom ito ng whiskey. Namumutla ito at pinagpapawisan ng husto. “Excuse me? Are you the manager? Fidel Nepomuceno?” tanong niya at napatingin sa kanya ang lalaki. “Yes. You are?” “I’m Detective Axel Santos, but you can call me Xel. I will just asks you question regarding sa incident. You were the one who reported it to us?” Umiling naman si Del sa kanya. “No, ang room boy na si Daniel ang tumawag sa pulis. I have no strength to call after what I saw,” sagot sa kanya. “Ah so may kasama ka ng pumunta ka sa crime scene?” “Yes. Nang sinabi sa akin ni Agnes ang tungkol dito, I decided to check it at something tells me na kailangan kong may kasama pumunta doon. Sakto namang dumaan si Daniel kaya nagpasama ako sa kanya. There was a do not disturb signage sa doorknob. We rang the doorbell three times and I knocked also. No answer from the inside kaya nagdecide na akong buksan na ang pinto. We searched the room and nakita na naming ang victim na nakahandusay sa bathroom floor,” kuwento ni Fidel sa kanya. “I am so shocked at hindi na nakagalaw pa, I just told Daniel to call the police. H-hindi ako sanay na makakita ng isang bangkay! It will hunt me in my dreams!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD