Chapter One: The Case of Bryan Homra

1082 Words
Chapter One: The Case of Bryan Homra             Paradise Hotel. Isang sikat na hotel na nasa gitna ng isang maunlad na siyudad ng Urduja. Tanging mga mayayaman lang ang makakapasok dito. Ang kanilang serbisyo ay maituturing na world class. Mula sa kanilang mga kagamitan, sa mga pagkain, sa hospitality ng mga empleyado at management at hogit sa lahat ay maituturing na top class ang seguridad para sa bawat bisita nila. Pero sa araw na ito, magbabago ang takbo ng kapalaran ng hotel na ito.             Napabuntong hininga siya dahil simula na naman ng kanyang trabaho. Sadyang mahirap naman talaga ang kanyang trabaho. Kailangan niyang isupervise ang mga empleyado at tiyaking nasa maayos ang lahat ang kalagayan ng kanilang mga guests.  Siya si Fidel Nepomuceno, ang hotel manager ng Paradise Hotel. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang groundfloor. Mula sa ikalimang palapag ay madali siyang nakarating sa groundfloor. Doon ay bumungad sa kanya ang abala at maraming tao sa lobby.  Papunta na sana siya sa front door nang tawagin siya ng isang receptionist. “Sir Del!” tawag sa kanya at huminto naman siya sa paglalakad. “Yes?” tanong niya at lumapit na siya sa front desk. “Sir kasi, itong guest natin na si Bryan Homra. He was in room 1003 and dapat kahapon siya magchecheck out but he didn’t check out and I never saw him leaving the hotel,” sabi sa kanya at napatango naman siya. “Maybe he checked out pero hindi ikaw ang nakapost diyan?”  Umiling naman ang receptionist. “No Sir. Wala ang key card ng room 1003,” sagot sa kanya at muling napabuntong hininga naman siya. “Okay, I’ll check it,” he said at tumalikod na. Muli siyang bumalik at pinindot ang elevator button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay saktong dumaan sa likod niya ang isang room boy na nagngangalang Daniel Gerard. Something telling him na magpasama sa taong iyon. “Dan!” sigaw niya at lumingon naman ang lalaki sa kanya. “Sir Del ikaw pala. Sorry hindi ko po kayo napansin,” sabi nito at lumapit sa kanya. “Samahan mo muna ako. Magcheck tayo ng room. May napansin kasing kakaiba si Agnes,” sabi niya at tumango naman na ang lalaki sa kaniya. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad silang sumakay dito. Pinindot niya ang 10th button at naramdaman nilang umakyat muli ang elevator. Nang makarating sila sa 10th floor ay dumeretso sila sa room 1003. Napataas pa ang kilay niya ng may makita siyang do not disturb sign na nakasabit sa doorknob. “Ano po bang mayroon sir?” tanong ni Daniel sa kanya. “Sabi ni Agnes ay dapat kahapon pa ito nagcheck out pero hindi daw. Walang naiwang keycard sa front desk. Kaya ichecheck natin kung ano ng nangyari sa loob,” sagot niya. Hindi na sumagot pa si Daniel sa kanya. Pinindot na niya ang doorbell pero walang sumagot sa kanila. Tatlong beses na inulit niya ang pag-doorbell pero wala talagang sumasagot. Kaya this time ay kumatok na siya mismo sa pinto. “Sir? Are you there? Are you okay?” sunod-sunod na tanong niya pero wala pa rin silang nakuhang sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. “Sir, may nangyari kaya sa guest natin?” tanong ni Daniel pero hindi na niya ito sinagot pa. Mabuti na lamang ay dala niya lagi ang mga susi ng bawat kuwarto sa hotel. Napagdesisyonan niyang buksan na lang ang pinto at tingnan kung may tao ba o wala ang suite na ito. Pagbukas nila ng pinto ay dahan-dahan silang pumasok sa loob. Sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan. Walang tao sa loob ng suite or so they thought. Binuksan nila ang pinto ng bathroom ay doon ay bumungad ang isang karumal-dumal na krimen. Napaatras pa silang pareho ni Daniel dahil sa nakita nila.   “S-sir? A-anong gagawin natin?” “W-we need to report this!” There in the cold tiled floor of this hotel suite lies the cold body of Bryan Homra.               Napabangon siya dahil sa pag-ring ng kanyang cellphone. Yamot na iniabot niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya ang pangalan ng partner niya na si Harold Guanzon. Sa tingin niya ay urgent ito kaya sinagot na niya ang tawag. “Its’ freaking 8 am Harold! I’m on a leave hindi ba?” tanong niya agad ng sagutin ang tawag ng kanyang kasama. “I know but Lieutenant Carmen said na get your ass of here in the office. She canceled your leave,” sagot ni Harold sa kanya at hindi siya makapaniwala. Nanlalaki ang mata niya dahil sa narinig niya. Ngayong araw sana ang unang araw niya ng leave but it turns out that someone misses him already. “The what?! She canceled my leave?! Why?” tanong niya at muli siyang napahiga sa kanyang kama. He thought he can have a very long vacation pero mukhang maagang naputol iyon. “There’s a case.” Napaikot ang mata niya dahil dito. “Can’t you solve it by yourself? Nag-aasam ako na makapagpahinga ako kahit papaano but may isang bruha na nagcancelled ng leave ko!” “I know you’re upset about your leave but Carmen wants you to take this case.” “Fine! Ano pa bang magagawa ko?! Where is the crime scene?” tanong niya. “Paradise Hotel,” sagot ni Harold at napataas ang kanyang kilay. “Oh? Well, I’ll meet you there.”             Axel Santos is a detective at UPD or Urduja Police District. He is one of the best detectives in the city and even got a recognition from the president of the Azalea Country. Outstanding Police of the Year, recipient of medal of Distinguished Conduct, medal of Bravery and medal of Heroism. “Akala ko pa naman makakapagpahinga ako, it turns out hindi naman pala. Bakit ba kasi ako naging pulis? Feeling ko wala na akong time para sa sarili ko, ni hindi ako makahanap ng girlfriend. Papaano pa ako makakapag-asawa?” tanong niya sa kanyang sarili. Ayaw man ay pinilit niyang tumayo na at mag-asikaso ng kanyang sarili. Habang nagbibihis ay nakita niya ang plane ticket niya na nakaipit sa kanyang passport na nakapatong naman sa dining table niya. Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ito at inilagay na lang sa drawer niya. “Maybe, I can finally get my vacation next year,” he said at isinara na ng tuluyan ang kanyang drawer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD