Chapter Three: The Investigation

1349 Words
Chapter Three: The Investigation                  “Sa papaanong position niyo siya nakita?” tanong niya kay Manager Fidel. Agad namang sumagot ang manager sa kanya. “Duguan tapos may duct tape and mga kamay at paa, kahit ang bibig may duct tape din.” Tumango-tango naman siya habang sinusulat ang mga detalye sa kanyang notepad. “Okay, iyon lang naman ang tatanungin ko,” he said at lumabas na ng opisina nito. Paglabas niya ay naghihintay na sa kanya si Harold at hindi niya mapigilang mapairap sa kanyang kasama. “What’s next?” tanong sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang kanyang partner. “Anong what’s next? Sa tingin mo ano ba ang susunod nating hakbang?” tanong niya. Hindi niya maiwasang mainis sa kanyang kasama. Ilang taon na silang mag-partner bilang mga police detectives pero mukhang hindi pa rin alam ni Harold ang mga dapat gawin kapag nag-iimbestiga.   Hinihintay niyang sumagot si Harold sa kanya at napakamot na lang ito sa kanya. “Ewan ko sa’yo, Harold! Napupundi ako sa’yo!” Singhal niya at muling naglakad. “Ito naman masyadong mainit ang ulo.” “Sinong hindi iinit ang ulo kung ang vacation leave na inaasam-asam ko ay maka-cancel dahil sa lintek na case na ito!” Lumabas na sila ng hotel at sumakay sa kanyang sasakyan. Wala naman na siyang narinig na reklamo mula kay Harold.                  Pagdating nila ng Urduja Police Station ay agad siyang binati ng ilang pulis. Pagdating niya sa kanyang lamesa ay mabilis niyang hinubad ang suot na leather jacket at ipinatong ito sa sandalan ng kanyang swivel chair. Mabilis niyang binuksan ang kanyang computer para hanapin ang information tungkol kay Bryan Homra. “Detective Santos.” Napatingin siya sa nagsalita at biglang tumayo nang makita si Lieutenant Carmen na nasa harapan niya. “Sir!” sigaw niya at sumaludo ito. “I’m sorry if pinatawag na lang kita bigla-bigla and canceled your vacation leave. I promise to you na after this case, you can have your vacation leave na. no more unexpected calls na from me,” sabi ni Lieutenant Carmen sa kanya. “Talaga, Sir? After this I can have my vacation?” tanong niya. “Yes.” “Okay!” Inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa kanyang boss nan aka-record ang kanilang usapan. “Naka-record ‘yan, sir. Wala ng bawian ah!” Naiiling na lang ang lieutenant sa kanya. Tumunog ang kanyang computer at muli niya itong tiningnan. Binasa niya ang mga nakalap niyang impormasyon tungkol kay Bryan Homra. “Harold!” sigaw niya. Agad namang tumingin sa kanya si Harold na nasa harapan lang niya ang table nito. “Halika na. Kausapin natin ang tatay ng biktima.” Inilipat muna niya ang file sa kanyang cellphone bago niya kinuha ang paborito niyang leather jacket. Mabilis namang sumunod sa kanya si Harold. Sumakay na sila sa kanyang kotse at tinungo nila ang opisina ng ama ni Bryan Homra.                  Broody Homra—ito ang may-ari ng kilalang liquor brand na San Rafael at Red Fist Beer. Isa ito sa mga kilalang business tycoon din ng Azalea. Ang kompanya nito ay marami ding hawak katulad ng mga tollgates sa mga borders papuntang Teckslon at Quirone. Sa pagkakaalam din niya ay kasosyo ng gobyerno nila si Broody Homra sa pagpapatayo ng airport sa bayan ng Teckslon.                  Pagdating nila sa building ay halos malula siya sa taas nito. Lumapit sila sa receptionist upang magtanong. “Hello, miss,” bati niya sabay kindat dito. Mukhang nagulat naman ang receptionist. Ngumiti ito sa kanya pero halatang kinikilig. “Yes, sir? How may I help you?” tanong sa kanya. Ipinakita niya ang kanyang police badge na nakasabit sa kanyang sinturon at nagtaka naman ang receptionist sa kanya. “I’m Officer Axel Santos but you can call me Xel for short,” pakilala niya. “Pwede ba naming kausapin si Mr. Broody Homra? May ilang katanungan lang sana kami para sa kanya.” “I’m sorry sir, but Mr. Homra is currently in the meeting. He can not attend to you right now.” “Then we can wait. We wait for him. Ano bang oras matatapos ang meeting niya?” tanong niya. Ngumiti ng alanganin ang receprionist sa kanya. “I’m sorry po but I don’t know.” “Can you please tell him na may naghihintay na pulis sa kanya?” “Umm…” “Please? We really need to talk to him. I hope you will cooperate with us,” sabi niya. Hindi man niya sabihin pero may pagbabanta sa kanyang boses. Walang nagawa ang receptionist kung hindi ang tawagan ng secretary ni Mr. Broody Homra.                  “As you can see, building a skyway here in Mista will surely but the traffic at ease. Magiging mabilis na lang ang biyahe mula sa Mista patungong Teckslon. Ang dating one-hour na biyahe mula sa Mista papuntang Quirone ay magiging thirty minutes na lang if dadaan angv mga tao dito sa gagawin nating skyway.” “Magkano naman ang magiging tool fee?” tanong ni Broody Homra. “If manggagaling ng East Avenue papuntang Teckslon ay five hundred twenty-eight pesos. If from Southwest Avenue naman po papuntang Teckslon ay two hundred twenty-eight pesos.” Habang nagpapaliwanag ang lalaki sa harapan niya ay hindi nakatakas ang pagbukas ng pinto ng meeting room at pumasok ang kanyang secretary. Lumapit ito sa kanya at bumulong. “Sir, there is a police na gusto kayong magkausap.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Pulis? Tell him, I’m busy.” “Pero sir, mukhang importante.” Napasipol na lang siya. “That’s all, sir.” Napatingin siya sa nagpe-present at tumango. “Okay, pag-iisipan ko at dadaan naman sa matinding pag-aaral ang project na iyan and of course kasama ang gobyerno,” sabi niya at tumayo. “Let him in,” sabi niya sa kanyang secretary. Agad namang sumunod ang kanyang secretary. Mahigit limang minuto din ang lumipas bago pumasok sa loob ang dalawang lalaki. Mga nakasuot lamang ito ng simpleng jeans at leather jacket. “Good day, Mr. Broody Homra. I’m Officer Axel Santos, you can call me Xel for short. This is my partner Officer Harold.” “Enough of the introduction. Ano ba ang kailangan niyo?” tanong niya agad. Lumapit sa kanya si Harold at inilapag sa harapan niya ang isang tablet. Dito ay nakita niya ang larawan ni Bryan Hoomra na nakagapos ang mga kamay at paa, at may tama sa noo. “Bryan was found dead kaninang umaga, around nine o’ clock in the morning. Sinasabi na five days ago ay nagcheck-in siya sa Paradise Hotel and hindi na nakalabas pa ng buhay. Any information na may alam ka sa kanya?” Tiningnan niya ang mga litrato at mabilis na ibinalik ang tablet kay Officer Harold. “Bryan is the black sheep of the family. Matagal ko na siyang itinakwil. I actually don’t hear any news from him not until na dumating kayo. Matagal na siyang wala sa poder ko, around three years ago na din,” paliwanag niya. Tumango-tango naman sa kanya Officer Axel. “Bakit niyo po siya itinakwil? Ano pong nangyari to the extent na tinakwil niyo na siya?” tanong ulit sa kanya. “Bryan was a drug addict. Palagi na lang nadadawit sa gulo ang anak kong iyan at dahil dito ay nadadawit ang pangalan ko at ang negosyo ko. There was an incident kung saan napatay niya ang kanyang girlfriend three years ago. The woman’s family doesn’t want to file a case against my son kaya bilang palubag loob ay nagbayad ako ng danyos sa kanila. At ayoko ng madawit pa ang pangalan ko at ang negosyo ko sa mga kalokohan niya kaya itinakwil ko na siya. After that incident ay wala na akong narinig sa kanya na kahit anong balita.” “May alam po ba kayo kung saan siya kumukuha ng drugs?” Umiling siya. “Wala akong alam but may isang grupo siyang sinasamahan noon.” “Grupo?” “Yes. Sa pagkakatanda ko may ang grupong iyon ay Squadra del drago.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD