Chapter Twenty-one: Observation

1130 Words
Chapter Twenty-one: Observation Six o’ clock in the morning.                  Maaga palang ay nag-aabang na si Renato sa kanyang bagong estudyante. Katulad ng sinabi niya kay Don Timoteo ay oobserbaran niya muna ang binata. Palagi niya itong ginagawa sa lahat ng mga naging estudyante niya. Para sa kanya ay hindi sapat ang mga ibinibigay na information tungkol sa mga estudyante niya kaya ganito ang ginagawa niya. Kasalukuyan siyang nasa isang puno, dalawang metro ang layo mula sa bahay ni Axel Santos. Masyado pang maaga, sa pagkakaalam niya ay tanghali gumising ang binata noong hindi pa ito naaksidente. Naalala niya pa na minsang nagreklamo si Connor dahil tulog mantika daw si Axel. Kaya ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Axel na lumabas ng bahay. Nakasuot ito ng puting hoodie jacket at itim na jogging pants. Nag-stretching pa ito sa harap ng bahay  bago tuluyang nag-jogging palayo. Nakaisang kanto palang si Axel nang biglang lumingon ito sa direksyon niya. Napalaki ang mata niya at mabilis na nagtago sa pader. Nang sinilip niya ito ay muli na itong nag-jogging palayo. How the fvck did he know where I am? Alam kong nagtama ang paningin namin. I thought walang intuition ang batang ito then why he looked at my direction? Not unless, nagkaroon siya ng intuition dahil sa nangyaring accident? Napailing na lang siya at sumakay sa kanyang sasakyan. Hihintayin niyang bumalik si Axel mula sa pag-jojogging nito. Eight-thirty in the morning.                  Nakita niya agad na pabalik na si Axel mula sa pag-eexercise nito. Pawis na pawis ito at nakahubad na ang hoodie na kanina lang ay suot. May hawak itong kape sa kanang kamay at maingat na umiinom habang papasok sa loob ng bahay nito. “Good morning Mama Natalie!” dinig niyang sigaw nito. Nine forty-five in the morning.                  Muling lumabas si Axel ng bahay at ngayon nga ay kasama na nito ang ina. May hawak itong malaking eco bag na itinutupi niya at inilagay sa bulsa ng pants nito. Dito na niya naisipang sundan ang mag-ina. Sampong metro ang layo niya mula sa mag-ina. Stalking 101, ten meters ang ideal gap sa pagmamanman sa isang tao. Mula sa bahay ng mag-ina ay naglakad lang ang mga ito hanggang sa makarating sa gate ng subdivision. Umakyat ang mag-ina sa isang foot bridge na nasa tapat lang din ng subdivision dahil nasa kabilang kalsada ang shopping district. Pinanatili niya ang sampong metrong pagitan mula sa mag-ina. Sinundan niya ang mag-ina hanggang sa supermarket. Minamanmanan niya si Axel at ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang may kinindatang babae. “Hi babe,” sabi ni Axel. Nakita niya pang tumingin ang babae at ngumiti ng nakakaakit. “Hello…” “Axel?” sigaw ng ina nito. May inabot na kapirasong papel si Axel sa babae at sumensyas na ibig sabihin ay call me. Pagkatapos ay mabilis itong sumunod sa ina. Wala silang sinabi sa akin na may pagka-playboy si Axel. Eleven thirty in the morning.                  Nasa isang restaurant siya at pinagmamasdan pa rin ang mag-ina lalo na si Axel. Kasalukuyan ang mga itong kumakain ng lunch. Siya naman ay simpleng pasta ang kanyang inorder. Nakikita naman niya ang table etiquette ng binata. Malinis at maayos itong kumakain. Isa sa katangian na dapat niyang ituro ang etiquette. Isang steak ang pagkain ng mag-ina ngayon. Kahit papaano ay napabilib siya nang makitang maingat nitong hiniwa sa maliliit na piraso ang karne at ibinigay sa ina nito. Good. Excellent etiquette. Three o’ clock in the afternoon.                  After mag-lunch ng mag-ina ay umuwi na rin narin ang mga ito sa bahay. Pero nang pumatak ang alas tres ng hapon ay muling lumabas si Axel at ngayon nga ay nakasuot na lamang ito ng simpleng walking shorts at puting t-shirt. Muli niya itong sinundan hanggang sa pumasok ito sa isang café na nasa loob lang din ng subdivision. Nakita niyang kinatagpo nito ang kapatid ni Richard—ang isa sa mga miyembro ng inner circle. Nagbeso-beso pa sina Axel at Kirsten. May lumapit na waitress at kinuha ang kanilang order. Sa buong oras na magkasama ang dalawa ay naging listener lang si Axel. Bihira ito magsalita at palaging si Kirsten ang nagsasalita. A good listener, maybe. Four thirty in the afternoon.                  Pagkatapos nila sa café ay lumabas na ang mga ito at nagtungo sa clubhouse. Doon ay nakita niyang naglaro ng table tennis ang dalawa. Dito na siya nagtaka. Sa pagkakalaam niya ay hindi sporty ang apo ni Don Timoteo. Sa pagkakaalam ko ay hindi mahilig sa sports si Axel. Kahit nga basketball o volleyball ay hindi ito ito naglalaro. Alam kaya ito ni Don Timoteo? Masasabi niyang magaling si Axel maglaro. Madami na din ang nakakapansin sa laro nila at mukhang umiinit na din ang laban. Hindi rin niya mapigilan na mamangha sa dalawa kung papaano maglaro ito ng table tennis. Ngunit sa huling palo ni Axel sa ping pong ball ay hindi na ito nahabol ni Kirsten at tuluyan ng natalo. Nagkahiyawan pa at kasunod nito ang pagpalakpak ng mga manunuod. Amazing!                  Ilang sandali lang ay dumating ang dalawang miyembro ng inner circle—sina Harold at Tony. May dala ang mga ito na inumin at agad na binigyan ni Harold ng tubig si Axel. Tumambay pa sa club house ang apat at hindi nagtagal ay umalis na ang mga ito. Five forty-five in the afternoon.                  “Bye Victoria!” sigaw ni Axel at kumaway pa sa dalaga bago tumalikod. Sabay-sabay ng naglakad pauwi ang mga binata. Dinig niya pa ang halakhakan ng tatlo ngunit nagtaka sina Tony at Harold nang huminto sa paglalakad si Axel. “Xel?” “Boss Axel?” Hindi sila pinansin ng binata at pinulot nito ang isang katamtamang bato. Inihagis pa nito sa ere at sinalo at ganoon na lang ang gulat niya ng ibinato nito ang bato sa kanyang direksyon. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag. Sa lakas ng bato ay halos madurog ang bato ang tumama ito sa pader. “Lumabas ka na! Kung sino ka man ay lumabas ka na! Kanina pa kitang umaga nararamdaman!” sigaw ni Axel. Hindi na din naman siya nagmatigas at lumabas na sa pinagtataguan niya. Nakita niya ang gulat na mga mukha nina Harold at Tony. Napaismid na lang siya. “Didn’t know na kanina mo pa pala alam na minamanmanan kita,” sabi niya at namulsa pa. “Who are you? Mula kaninang lumabas ako ng bahay naramdaman na kita, kahit nong naglalaro ako ng table tennis. Anong kailangan mo sa akin?” “My name is Apollo Renato but you can call me Renato. I will be your trainer, Axel Santos,” pakilala niya at kita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng binata. “Apollo who? Trainer? I didn’t sign up for a gym class.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD