Chapter Fifty-eight: Renato is from Other World?

1074 Words
Chapter Fifty-eight: Renato is from Other World?                  “Promises are meant to be broken? May dinamay ka na namang inosenteng buhay, Kronos!” sigaw niya. “Don’t use that tone for me,” mahinahong sabi ni Kronos sa kanya. Lumapit si Kronos sa kanya at umibo sa gilid ng tub. “Renato, I told you it’s wishes kaya ko ginawa ‘yun. I’m the merciful administrator of Parallel Worlds. Maawain ako that’s why I did that.” Sa inis niya ay sinabuyan na lang niya ng tubig ang lalaki at katulad ng inaasahan, tumagos lamang ito kay Kronos. “Bakit tumatagos lang ang lahat ng bagay sa’yo?” tanong niya. Giving up tungkol sa ginawa nitong pagtransport ng kaluluwa sa mula sa ibang parallel world. Tumawa naman ang lalaki sa kanya. “I’m using one of my inventions. This is 3D Hologram Program. I’m still sitting comfortably from my endless office while talking to you,” paliwanag nito. Kaya pala. F*cking Kronos. F*cking admin. F*cking parallel worlds. Huminga siya ng malalim. Iniisip ang mga nangyari sa kanyang estudyante. It turns out na hindi si Axe ang taong iyon kung hindi si Xel. “Xel is a police detective,” sabi ni Kronos sa kanya. Hindi siya sumagot. That is why ganoon kalakas ang stamina nito. Hindi man lang takot sa paghawak ng baril. Axel does not have PTSD (Post Traumatic Stress Disorder). He knows what he is doing. Katulad ng sinabi ni Harold, ibang tao na nga talaga si Axel. “I told him na siya ang magpatuloy ng misyong iniwanan ni Axe. He agreed to it although hindi niya pa alam that time. So hayaan mo na lang muna. Don’t say to them na alam mo na he is not from here. Wala man ako nagawa kay Axe, at least I’m trying to help his parallel self,” paliwanag nito sa kanya. Hindi na siya sumagot. Sa totoo lang ay naiinis pa din siya dahil sa ginawa ni Kronos. Bakit hindi na lang kasi nito hayaan ang mga kaluluwa? If Xel died then let it be! If Axe died then let it be! Kronos loves to make complicated things. “Hey!” Napatingin siya sa lalaki. “Are you even listening to what am I talking?” tanong sa kanya at tinitigan lang niya ang lalaki. “Obviously not,” simpleng sagot niya. Tumayo na siya mula sa bath tub, hindi na alintana na makita ang buong kahubaran niya ng lalaki. Pumunta siya sa shower at nagbanlaw. “Damn it, Renato! Kanina pa ako nagsasalita dito!” reklamo nito. “Ano ba kasing sinasabi mo?!” sigaw niya. “I have ways to bring you home! Sa mundo mo mismo!” Natigilan siya. Mabilis siyang lumabas ng shower at tinitigan ng maiigi si Kronos. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “You think I’m lying?” “Everytime.” “That hurts.” “Sabihin mo na!” sigaw na niya. Matagal na niyang gustong makabalik sa mundo niya. Gustong-gusto na niyang makapiling ang tunay niyang pamilya. Mahigit fifteen years na din siyang na-stuck sa mundong ito. “The flaming ribbon,” sagot sa kanya ni Kronos. Nagsalubong ang kanyang kilay. “Flaming what?” “Ribbon. The Flaming Ribbon. I discovered that this thing has the power to transport souls in the parallel worlds.” “Where can I find it?” tanong niya. “In the headquarters of Mafia Police,” sagot nito. Napapikit siya. Iniisip niya kung bakit doon? Bakit doon pa sa mababangis na mafia police? At doon pa talaga sa lugar na walang sino man ang makakapasok kung hindi ang mga mafia police lang? “Bakit doon?” tanong niya. “I discovered na doon itinago ng founder ng mafia police ang Flaming Ribbon. Pero hindi ko alam kung saan sa headquarters nila. The mafia police chief lang ang may nakakaalam tungkol sa bagay na iyon,” paliwanag sa kanya. Tumayo na si Kronos at kumaway na. “Anyway, time is up. I need to go.” “Kronos sandali! Kronos—” wala na siyang nagawa nang maglahong parang bula ang administrator ng Parallel World. “F*ck Kronos!” sigaw na lang niya. Kailangan niyang makuha ang Flaming Ribbon na iyon. He really wants to go home. Ayaw na niya ng madugong mundo dito at ng Cosa Nostra. ***                  Napasipol na lang si Kronos matapos ang naging pag-uusap nila ng Renato—ang una niyang test subject. Inaamin niya pinag-ekspirementuhan lang niya si Renato that time. Labag sa loob nito na dalhin niya ang kaluluwa nito at ilagay sa dying parallel self nito. Mabuti na lang at binabantayan niya na hindi mamatay ang katawan nito. Sa mundo kung saan nanggaling si Renato. “Fifteen years. It’s really a long time. Ang tagal na pala ng pananatili mo dito Renato,” he said at nagpaikot-ikot sa kanyang swivel chair. Napatingin siya sa malaking monitor niya at nakita si Xel. Pinanuod niya ang ginagawa ni Xel sa mga oras na ito. Xel is laughing and smiling and he knows Xel is happy. Alam niya ang buhay ni Xel. He was orphaned pero sa mundong ito may pamilya ito. At dahil dito ay nabawasan ang nararamdaman niyang guilty kay Renato. Iyon lang ang pinagkaiba sa dalawa. Renato is very against his idea. Labag sa loob nitong dinala niya sa mundong iyon while Xel and Axe both wish to live and die. “Napakakomplikado talaga ng buhay.” Napatingin siya ngayon sa monitor kung nasaan nasaan ang katawan ni Renato mula sa ibang mundo. Nasa loob ito ng isang kwarto. Para lamang itong natutulog—isang mahabang tulog. Sa tabi nito ay ang isang babae na may kakaibang kulay. Isang natural na asul na buhok. Bakas na sa mukha nito ang wrinkles gawa ng paglipas ng taon pero bilib siya dito. Kailanman ay hindi niya iniwanan ang lalaki. “Soon, you will see Renato’s beautiful eyes,” he said. “’Yun ay kung makukuha niya ang Flaming Ribbon.” Tumayo na siya at pinasadahan ng tingin ang mga monitors. Mga monitors na kumokonekta sa ilang daang libong mga Parallel Worlds. Pero may iisang bagay lang na magkakatulad ang mga Parallel Worlds—ang grupo ng Cielo. Ang mga miyembro ng Cielo. ***                  “Mahal ko…” Hinaplos ng babaeng may asul na buhok ang mukha ng lalaking mahal niya. “Please wake up. Wake up, Apollo. Wake up.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD