Chapter Fifty-nine: Renato’s Past Part I

1086 Words
Chapter Fifty-nine: Renato’s Past Part I                  “Mahal ko…” Hinaplos ng babaeng may asul na buhok ang mukha ng lalaking mahal niya. “Please wake up. Wake up, Apollo. Wake up.” Hindi na naman niya mapigilang maluha. It’s been a long fifteen years mula ng maaksidente ang mahal niyang lalaki. Fifteen long years and still, umaasa pa din siya na gigising ang lalaki. “If only—” kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa kanyang pisngi. Napapikit siya. There still warmth in Renato’s hand. Senyales na buhay pa din ito. Muli na namang nanumbalik ang alaala nila, labing-limang taon na ang nakalilipas at patuloy pa din niyang sinisisi ang sarili. “If only… if only I was not a brat back then. Sana ay hindi mo sinapit ang ganito, Apollo. I am so sorry,” sabi niya sa kabila ng paghikbi niya. Hindi sana nahihimbing ngayon si Apollo. Sana ay isa na itong matagumpay na nurse. Sana ay naabot na nito ang mga pangarap nito pero dahil sa kanya ay ganito ang nangyari. “Please wake up, Apollo. I am not giving up on you. Ever!” Fifteen Years Ago, Summer of 2006                  “Apollo!” Napalingon si Renato sa tumawag sa kanya. Kalalabas lang niya ng school. Papalubog na ang araw pero ngayon palang siya nakalabas ng school. Kung bakit ba naman kasi kailangan niyang mag-take ng summer classes. Nakita niya si Anica—ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. Nakasuot lang ito ng simpleng chiffon blouse na kulay pink at maong pants. Nakangiti ito sa kanya at kumakaway sa kabilang kalsada. Napangiti siya. Agad nawala ang pagod niya at inis nang masilayan ang magandang dalaga. Kumaway siya sa dalaga at hinintay mag-green light ang pedestrian. Nang mag-green light ay huminto ang mga sasakyan at nagsimula na siyang maglakad sa pedestrian lane. Nang makatawid siya ay mas lalo niyang pinagmasdan ang magandang mukha ni Anica. Ang natural na asul na buhok nito ay bagsak at umaanot sa baywang nito. Ang mga mata nitong kulay asul ay hinihigop siya sa kabilang dimension. Ang mapula nitong labi na nakangiti sa kanya. “What are you doing? Baka hanapin ka ng mga parents mo,” sabi niya at umiling naman ang babae sa kanya. “Wala sila Daddy and Mommy. They went back sa Turkoine Country kaya ako lang ang naiwan sa mansion. Oh well, kasama ko naman si Butler Loius kaya I’m not alone,” sabi nito sa kanya. “Why do you have to take summer classes?” tanong sa kanya. Napakamot siya ng kanyang ulo. “I failed three subjects last term kaya ayun. I need to take remedial classes,” sagot niya. “Saan tayo? Nagmeryenda ka na ba?” tanong niya. “I want cake. Pwede ba tayo sa Sweet Confessions?” patukoy nito sa isang café na nasa 8th avenue. Hindi naman ganoon kalayo ang café na iyon mula dito. Tumango siya. “Oo naman. Let’s go?” tumango ang babae at naglakad na sila.                  Maraming kwento si Anica sa kanya. Mula sa pagsisimula ng araw nito, sa pagkaing inihain ng personal chef nito, ang mga inaalagaang bulaklak nito sa garden, at maging ang pagtatalo ng kanyang mommy sa telepono. Hindi lingid sa kaalaman niya na may kaunting alitan ang dalaga at ang ina nito. Napatingin siya sa paligid. Papalubog na ang araw at nagiging kulay kahel na ang kalangitan. Isang picturesque. Ang mga busina ng sasakyan ay tila musika sa pandinig niya na dumadagdag sa sayang nararamdaman niya dahil kasama niya si Anica. “Nakikinig ka ba?” tanong ni Anica habang naglalakad sila. Lumingon siya sa dalaga at tumango. “Oo naman,” sagot niya. “’Di nga? Eh ano ang last na sinabi ko?” “Sinabi mo na ang pink tulips mo ay sobrang charming. That pink tulips mean affection, caring, good wishes, and love,” sagot niya at tumango si Anica sa kanya. “Good! I thought you’re not listening.” “Pwede ba ‘yun? I could listen to your stories all day.” “Sus. Nambobola pa! That is the café!” sabay turo sa Sweet Confessions Café. Kulay pink ang karatula nito at may cupcake logo. Mabilis nilang tinungo ang café at pumasok. Sinalubong sila ng mabangong amoy ng cupcakes, cakes, and cookie. “Welcome to Sweet Confessions!” sabi ng isang waitress na nakasuot ng isang pink na maid uniform. “Table for two, please,” sabi ni Anica. Itinuro sila ng waitress sa isang sulok. Kulay baby pink and baby blue ang interior color ng buong café. The chair is color blue and the table is color pink. Mas gusto niya ang pwesto nila. They can talk privately. “One slice of Black Forest cake and a cup of cappuccino,” sabi ni Anica at agad itong isinulat ng waitress sa notepad nito. “How about you, sir?” “One slice of Chocolate mouse and a cup of espresso,” he said at mabilis itong sinulat ng waitress. Pagkatapos ay umalis na ang waitress para asikasuhin ang kanilang mga orders. “How was your day, Apollo?” tanong sa kanya ni Anica. Ngumiti naman siya. “Same as usual. Puro exercises ang binigay sa amin ni Mr. Diaz. I really hate Mr. Diaz,” he said at sumandal sa upuan. “Don’t be like that. He is still your teacher. Ano ba subjects ang binabalikan mo ngayon?” “English, Mathematics, and Science. At lahat ng iyon ay si Mr. Diaz ang teacher. Buong araw ay si Mr. Diaz ang nakikita namin.” “Bakit mo naman kasi binagsak ang mga subjects na iyon? Eh ‘di sana ay nagbabakasyon ka ngayon and enjoying the summer,” sabi sa kanya ng dalaga. Ngumiti naman ang dalaga. “I still enjoy my summer,” sagot niya at tinaasan siya ng kilay ni Anica. “Really? Pero ang tono mo kanina ay mukhang hindi.” “I still enjoy my summer dahil I always have the time to see you,” sagot niya. Mukha namang nagulat ang dalaga at kalaunan ay namula ang pisngi. “Bolero!” “No, I’m not! I don’t do that. I always tell the truth.” “I don’t believe you,” sabi nito sabay irap. Natawa siya. “You don’t? even I tell you how much I love you?” Agad na tumingin ang dalaga sa kanya. “Ha! News flash Mr. Renato, hindi moa ko mapapasagot sa mga chessy lines mo!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD