Chapter Fifty-seven: Kronos and Renato
“You okay? Ang tahimik mo, lately,” sabi niya kay Harold. Kagagaling lang niya sa opisina ni Don Timoteo nang makita si Harold na nasa garden ng main house. Hindi niya alam na nandito ngayon sa mansyon ang right-hand man ng estudyante niya. Isang linggo matapos nilang tulungan ang kaklase ni Axel na si Xia ay naging tahimik ang binata. Para bang may malalim na iniisip.
Lumingon sa kanya si Harold. May nakaipit na sigarilyo sa kaliwang kamay nito at nakita niyang may dalawang lata ng canned beer ang nasa tabi nito.
“Ikaw pala, Sir Renato,” sabi nito sa kanya. Wala siyang pasabing umupo sa tabi nito at kinuha ang isang beer. Binuksan niya ito at umapaw pa nga sa kamay niya ang bula nito pero hindi niya ito pinansin. Tinungga niya ito at ramdam niya ang pagguhit ng init at pait sa lalamunan niya.
“So, tell me what’s bothering you?” tanong niya ulit. Dinig niya ang pagbuntong hininga ni Harold.
“It’s just that, I don’t know if I’m correct. Something strange is going on with Axel. Hindi na talaga siya si Axel na nakilala ko. Mas lalo lang nagpapatibay ng tingin ko ay noong sanay na sanay siyang humawak at kumalabit ng baril. The Axel I knew was so afraid in handling guns. Hindi niya kayang paputukin ito. Pero during the shooting lessons, halatang sanay na sanay ito. He even knows how to remove the safety pin. Alam din niya kung anong model ng pistol na binigay mo. Simula ng magising siya ay para bang ibang tao na siya,” paliwanag nito sa kanya.
Natahimik siya. Tama ang mga naging obserbasyon ni Harold kay Axel. At hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang nalalaman niya tungkol sa isang bagay.
Ang Parallel Worlds.
“Maybe nagmatured lang siya noong nagkamalay siya. Naisip niya siguro na kailangan niyang lumaban or else baka mauwi ulit sa pagiging comatose kapag nagkataon,” palusot niya. Nagkibit-balikat na lamang ang binata sa kanya.
“Yeah, maybe. Hindi ko din alam. I don’t know kung tama ba itong naiisip ko. Para bang I’m doubting my boss na hindi naman dapat.”
“Doubts are necessary. Walang masama doon,” sabi niya.
Nagdesisyon siyang umuwi muna sa apartment niya. Bukas na lang siya uuwi sa bahay ng kanyang estudyante. Pagpasok niya ng bahay aya agad siyang dumeretso ng banyo at binuksan ang tubig sa faucet. He wants to release her stress. Kahit sa isang bubble bath man lang. Nang mapuno ang tubig sa tub ay nilagyan niya ito ng mabangong sabon at pagkatapos ay naghubad na siya ng kanyang mga damit.
Napapikit siya nang maramdaman ang init na hatid ng tubig sa kanyang katawan. Napakalma nito ang kanyang mga kalamnan.
“Enjoying the relaxing bath?” Agad niyang pinulot ang isang pistol na nasa gilid ng tub at itinutok sa intruder. Nang makita niya ito ay laking gulat niya nang makilala ito. Matagal na panahon na din niyang hindi nakikita ang lalaki. Katulad ng dati pa rin ang hitsura nito. Walang pinagbago.
“Chill,” sabi nito sabay taas ng dalawang kamay. Huminahon naman siya at ibinaba ang baril.
“It’s been a while, Kronos. Anong kailangan mo?” tanong niya at nakangiti lang ang lalaki sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya makita ang mga mata nitong nasa likod ng itim na antipara.
“Yeah. Ang tagal na nating hindi nagkita. Like what? Three? Ten? I actually don’t know. As being the administrator of Parallel worlds, nahihirapan na akong itrack ang oras. Anyway, kumusta?” sabi nito.
Kronos Samonte—the mystery man and the administrator of Parallel Worlds. Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang lalaking naglagay sa kanya sa mundong ito.
“I know you’re not here for just a mere chit-chat. Kamustahan o kung ano pa man. Tell me, ano ang ginawa mo?” prankang sabi niya. Tumawa naman ang lalaki dahil sa pagiging deretso niya.
“That’s why I like you! You know na may ginagawa ako!” sabi nito sa kanya. Mas lalong sumeryoso ang tingin niya sa lalaki.
“So, you really did something?” tanong niya at ngumiti lang ng kakaiba sa kanya si Kronos. “You told me, na ako na ang una’t huling gagawan mo ng ganito! Transporting in my parallel self! Now, are you telling me na may ginawan ka na naman ng kalokohan?” sigaw niya. umismid naman sa kanya si Kronos.
“Kalokohan? That’s not the right word. Hindi trip lang ang ginawa ko sa’yo. I am experimenting that time. Nagkataon lang din na ang totoong Apollo Renato ng mundong ito was shot point blank.”
“Sino? Sino ang biktima mo ngayon?!” sigaw na niya. Hindi na niya napigilan ang pagtaasan ng boses ang administrator ng Parallel Worlds.
“He was right under your nose,” sagot sa kanya. Si Axel agad ang sumagi sa isip niya.
No. It can’t be!
“Is is Axel? Is it Axel Santos?!” tanong niya at lumawak ang ngiti ni Kronos sa kanya.
“Bingo!”
Sa galit niya ay muli niyang hinawakan ang pistol at pinaputukan si Kronos. Pero sa kasamaang palad ay tumagos lamang ang bala sa katawan nito at bumaon lamang sa pader.
“Bakit?! Bakit?!”
“Because he wished it. Kinausap ako ni Axe. He wants to rest. Tired from fighting for his life sa loob ng tatlong taon. Nagkataon na si Xel ay nabaril during his duty to the country. I just transported him sa mundong ito. Lalo na’t nailibing na ang katawan niya.”
“So hindi siya nagsisinungaling noong sinabi niyang galing siya sa ibang mundo. He is Axel but not Axe but Xel?!”
“Yup! One hundred percent!”
“Alam mo ba kung ano ang mararamdaman ni Don Timoteo?! Ni Mama Natalie?! Ng mga kaibigan ni Axel?!”
“Are you really sure that Axe’s has friends? Anong magagawa ko, napagod na siya. Nagkataon din na Xel wants to live and afraid to die. I’m just helping them. Fulfilling their wishes.”
Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya mula kay Kronos. Axe really died and si Xel na ang nasa katauhan nito.
“Besides, hindi naman nila malalaman ang tungkol dito. Not unless sasabihin mo. Well, kahit sinabi mo ay hindi ka naman nila paniniwalaan.”
“But you promise. You promise to not do it again.”
“News flash, Renato. Promises are meant to be broken.”