Chapter Fifty-one: Xia Needs Help Part IV

1082 Words
Chapter Fifty-one: Xia Needs Help Part IV                  Lumipas ang dalawang oras ay nakarating din ang apat sa miyembro ng kanyang inner circle. Halos sabay na nakarating sina Mykel, Celestine, at Lorence. Huling-huling dumating sa bahay nila si Kris. Basang-basa din ito dahil wala pa ring patid ang pagbuhos ng ulan. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang pag-ulan. Ayon sa balita ay mas lumalakas pa ag bagyo dahil na din sa impluwensya ng hanging habagat. “So, kanina habang nasa biyahe kami ay sinabi na sa amin ni Axel ang problema,” sabi ni Mykel at tinitipa ang cellphone nito. “May nakuha kaming impormasyon tungkol sa Nero Famiglia.” Binuksan na ni Celestine ang kanyang laptop at ilang sandali lang ay lumabas sa laptop screen ang mukha ng isang lalaki. Pinagmasdan niya ito. Moreno ang lalaki at naka-clean cut ito. Ang mga mat anito ay bilog at medyo may kalakihan at kulay itim. Nakasuot ito ng isang formal suit at nakangiti ng maayos sa camera.  “This is Don Crisologo Nunyez. The ninth boss of Nero Famiglia. Isa ang grupo nila sa kalaban ng Cielo. Marami silang illegal business like prostitutions, drug cartels, illegal gamblings, and firearms. Sila ang supplier ng drugs na Taral Kokeen sa ilang karatig na bansa,” paliwanag ni Mykel. Napatango naman siya. Nabibilib din siya sa kakayanan ng kambal. Tama lang na nasa intelligence unit ang dalawa. “May nakuha ba kayong impormasyon kung ano ang namamagitan sa kanila ng pamilya ni Xia Montelibano?” tanong niya. May panibagong slide naman ang ipinakita sa kanila at isa itong family tree. Nakalagay sa tuktok ng family tree ay ang pangalan ng pamilya—Montelibano. “So far, ito ang nakuha naming impormasyon tungkol sa kanila. Montelibano Family was once belonged to Cosa Nostra. Pero nang bumaba ang tenth boss na si Arturo Montelibano ay kumalas na sila sa Cosa Nostra. They lived a normal life hanggang sa ipinanganak si Xia and Lia Montelibano. By the way, Arturo Montelibano is the grandfather directly nina Xia and Lia,” paliwanag naman ni Celestine. “Kung gano’n, ano ang nasa atraso ng mga Montelibano sa Nero? Especially gayong hindi na pala kasama sa Cosa Nostra ang mga ito mula sa huling boss?” tanong niya. ‘That’s a good question. We dug some info and this is what we found out. Marianno Montelibano—Xia’s father made a contract with Don Crisologo Nunyez who was twenty years old that time. Nanghiram siya ng pera kay Don Crisologo dahil sa operation ni Xia. Xia was diagnosed with brain tumor. Nagkaroon sila ng kasunduan na ibibigay ni Marianno ang anak na si Lia kapag tumuntong ito ng edad na eighteen years old. Marriano broke Don Crisologo’s trust. Nagpalipat-lipat sila ng bahay hanggang sa nakarating sila dito sa Mista. Twenty-two years old na si Lia at dito na nga kinuha ang babae,” paliwanag naman ni Mykel. “Then why? Why would Don Crisologo want Lia?” tanong naman ni Lorence. Sumang-ayon siya sa tanong ni Lorence. Bakit nga ba? Bakit nga ba kinuha ng mga ito ang kapatid ni Xia? Bakit pinatay ang kanyang mga magulang? “Don Crisologo wants to marry Lia Montelibano,” sagot naman ni Celestine. Lahat sila ay nagulat, as usual maliban kay Renato na mukhang nakuha na ang sagot. “But he’s too old!” sigaw ni Tony. Tumango naman silang lahat. “Don Crisologo was twenty years old back then and Lia was only ten years old. They have ten years gap,” sabi ni Mykel. “And that’s why kinuha si Lia leaving Xia all alone! Ikukulong nila sa kasal ang kapatid ni Xia. A shotgun marriage!” sabi niya. Naisip niya na they need to act fast. Hindi nila alam kung kailan at saan gaganapin ang kasal. Isa sa mga nakakasukang pangyayari ay ang pipiliting magpakasal ang tao. Pipiliting ikasal kahit tumatanggi ito. Ayaw niyang mangyari kahit kanino ang bagay na iyon. “We need to move. Hindi natin alam kung nasaan sila. Hindi pwedeng makulong sa isang sapilitang kasal ang kapatid ni Xia,” sabi niya. Naramdaman niya ang kamay sa balikat niya kaya nilingon niya ito. Si Kris. Si Kris ang humawak sa kanyang balikat at hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang naging hindi komportable. “Ako ng bahala sa bagay na iyan. I will hunt one of their members,” sabi nito at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama niya. “I will squeeze their guts to tell me some information,” dugtong nito. “Samahan na kita,” sabi naman ni Harold. “Maiwan na muna kayo dito, Boss Axel. Tatawagan ko ikaw agad kapag may nakuha na kaming impormasyon tungkol sa kanila.” Hindi na siya nagsalita pa lalo na’t lumabas na ang dalawa ng kwarto niya. Lumingon siya kambal at ngumiti. “Thank you so much.” Ngumiti ang kambal sa kanya. “It’s our pleasure, Boss Axel,” sabi ni Celestine. “Don’t mention it. It’s our job,” sabi naman ni Mykel. ***                  Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay ang nakadagan sa ulo niya. sumasakit ito at kumikirot. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mata at ang unang bumungad sa kanya ay ang puting kisame. Kahit nahihilo ay pinilit niyang bumangon at napansin niyang nasa isang malambot siyang kama. Hinawakan niya ang kanyang noo at naramdamang may bendang nakalagay dito. “A-anong nagyari?” tanong niya. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari sa kanya. Ang natatandaan niya ay maghahapunan na dapat sila kagabi pero biglang— “Oh my God! Oh sh*t!” sigaw niya. Naalala na niya ang lahat ng mga nangyari. Naalala niya kung papaano paputukian ng mga hindi kilalang lalaki ang kanyang mga magulang. Ang kanilang mga maids at butlers. Ang kanyang kapatid. “Si Xia! W-where is she?!” Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan ito ngunit naka-lock ito. Ilang beses niyang sinubukan pero naka-lock ito mula sa labas. “Let me out! Anybody out there?! Let me out! Nasaan ako?!” sigaw niya habang kinakalampag ang pinto na gawa sa puno ng Molave. Patuloy siyang sumisigaw sa loob ng silid na iyon. Nang mapagod siya ay agad niyang tinungo ang mga bintana ngunit sa kasamaang palad ay lahat ay may grills. Mabasag man niya ang mga salamin ay hindi pa rin siya makakaalis. “Let me out!” sigaw niya ulit at naiyak na lamang. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa sa kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD