Chapter Fifty-two: Xia Needs Help Part V
Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malakas ang ihip ng hangin kaya kahit na sino ay makakaramdam ng matinding ginaw. Sa gitna ng madilim at maulang lansangan ay ang mabilis na pagtakbo ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na hoodie at halos basam-basa na din. Mabilis itong tumatakbo at wala ng pakialam kung may mabangga man siya o wala man. Ang nasa isip niya ay makalayo sa dalawang taong pilit na humahabol sa kanya. Alam niyang kapag na-corner siya ng dalawang ito ay maaga siyang mamamaalam sa mundo.
Kung saan-saang eskinita na siya pumasok. Tumalon sa bakod, inakyat ang pader, pumasok sa tunnel masigurado lang niyang mailigaw ang dalawang humahabol sa kanya pero mukhang wala ang lady luck sa kanya ngayong gabi.
Sa kanyang pagtakbo papasok sa isang madilim na eskinita ay ang biglang pagsipa sa kanyang tagiliran. Dahil sa lakas ay bumangga siya sa isang dumpster. Ramdam niya ang sakit ng kanyang tagiliran.
“Stop running away, rascal,” sabi ng isa sa mga ito. tumayo siya pero mabilis siyang sinuntok at natamaan siya sa pisngi. Napaatras siya at muling natumbas. Kumidlat at dahil dito ay nabigyan ng kaunting liwanag ang paligid. Hindi niya maiwasang manginig dahil sa nakitang mga pares ng mga mata. Ang mga mata nila ay handang pumatay.
Lumapit sa kanya ang isa na may blonde na buhok. Sa muling pagkidlat ay nakita niyang singkit ang mga mat anito. May hawak nitong isang kutsilyo at agad na itinutok sa kanyang leeg. Ramdam niya ang tulis nito sa kanyang balat at alam niyang sobrang talim nito.
“Answer our questions,” sabi nito sa kanya. Nanginginig na siya. Ayaw niya pang matay pero mukhang dumating na ang magiging sundo niya.
“O-okay…” halos pabulong na niyang sabi sa pagitan ng kanyang panginginig. “Member ka ng Nero?” tanong nito.
“O-opo…”
“Saan dinala si Lia Montelibano?” tanong nito sa kanya. Napalunok siya ng sarili niyang laway. Kung ano pa ang confidential na impromasyon ay ito pa ang tinatanong sa kanya.
“H-hindi ko alam,” sagot niya. Hinigpitan ng lalaki ang hawak nito sa kanyang kuwelyo at diniinan ang patalim sa kanyang leeg. Ramdam na niya ang pagdikit nito sa kanyang balat at humapdi na ang bahaging iyon.
“Answer me! Saan dinala si Lia Montelibano?!” at mas diniinan pa nito ang patalim sa kanyang leeg.
“Better say everything kung ayaw mong putulin niya ang carotid artery mo,” sabi ng kasama nito.
“S-sa m-mansion! Sa bayan ng Sicione! Nandoon ang mansion ng Nero! Sa likod ng building ng coliseum!” pasigaw niyang sagot. Inilayo nito ang patalim at tinapik-tapik ang kanyang pisngi.
“Good. Magsasalita ka lang din pala, pinahirapan mo pa kami,” sabi nito at tumayo na. Nanatili siyang nakaupo sa basang simento.
“Ako naman?” tanong ng kasama nito.
“Bahala ka na. We got the information,” sagot nito. Lumapit sa kanya ang kasama nitong may mahabang buhok. Hinaplos nito ang kanyang mukha. Nanginginig pa din siya dahil sa pinaghalong ginaw at takot.
“Thank you for your cooperation,” sabi nito.
Crack!
“Call Axel now,” sabi ni Kris sa kanya. Tumayo na siya ng maayos at sinipa pa ang katawan ng lalaki. Wala na itong buhay at dilat pa din ang mga mata.
“Yeah, I know. You don’t need to tell me,” sabi niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ng kanyang boss. Nakakadalawang ring palang ito nang sagutin na agad ni Axel ang tawag niya.
“Hello?”
“Boss, we got the information. Sa Sicione ang mansion ng Nero Famiglia. Doon dinala ang kapatid ni Xia na si Lia Montelibano,” sabi niya.
“Good! Magkita na lang tayo sa shopping district. Susunduin naming kayo,” sabi sa kanya.
“Yes, boss.” Pagkatapos ay pinutol na ang tawag. Tumingin siya kay Kris na seryosong nakatingin sa kanya.
“What did he say?” tanong sa kanya.
“Abangan natin sila sa shopping district. Susunduin daw nila tayo,” sagot niya. Hindi na nagsalita pa si Kris sa kanya at tumalikod na at nauna ng maglakad palayo sa kanya. Naiiling na lang siya.
Same old Kris.
“Kris,” tawag niya ngunit hindi ito lumingon sa kanya. Patuloy lang itong naglalakad. Dis oras na din ng gabi at patuloy ang pagbuhos ng ulan. “Are you winning again Axel’s heart?” tanong nito at dito na huminto sa paglalakad si Kris. Huminga siya ng malalim. “Alam ko. You have a relationship with him. Alam ko na ikaw ang pupuntahan niya the night ng aksidente. I know you still feel guilty.”
“Shut up.”
“But let me tell you something. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o lahat kayo. Axel is so different right now. Para siyang ibang tao. Not the Axel we knew,” sabi niya.
“I will do everything, maalala lang niya ako.” At muli itong naglakad palayo sa kanya.
Naiiling na lang siyang naglakad kasunod nito. At hindi nagtagal ay nakarating sila sa shopping district.
***
Hindi alam ni Lia kung gaano na siya katagal na nasa loob ng kwartong iyon. Hindi na niya alam kung anong oras na ba. Pakiramdam niya ilang taon na siyang nakakulong sa kwartong iyon. Dumadagdag pa sa iniisip niya ay kung ano na ang nangyari sa kanyang kapatid na si Xia. Hindi niya alam kung buhay o pinatay na din ba ito katulad ng ginawa sa kanyang mga magulang.
Napagod na din siya kasisigaw at kakalampag ng pinto. Walang sumasagot sa kanya. Inilulusot lang ang tubig at pagkain niya sa isang maliit na bintana sa ilalim ng pinto. Pakiramdam niyang may tao sa labas ng kwarto pero hindi siya nito pinapansin.
Agad siyang napabangon nang marinig ang pag-click ng pinto. Nakita niyang unti-unti itong bumukas at pumasok ang isang lalaki. May kaedaran na ito. Sa tingin niya ay nasa thirty plus na ito. Matipuno ang pangangatawan nito at moreno.
“Kumusta, mahal kong Lia?” tanong nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya nakikilala ang lalaking ito.
“Sino ka?! Bakit ako nandito?! Bakit mo pinapatay ang pamilya ko!?” sunod-sunod na tanong niya. Ngumiti ang lalaki na nagdala ng kilabot sa kanya.
“Relax, my dear. Ayokong natatatakot ka sa akin. Para sa una mong katanungan. I am Crisologo Nunyez—your future husband.”