Chapter Fifteen: Axe’s Memories I

1221 Words
Chapter Fifteen: Axe’s Memories I                  “Get out of the way, idiot!” sigaw ng batang lalaki sa kanya. Wala na siyang nagawa ng itulak siya nito at sumubsob siya sa semento. Dama niya ang paggasgas ng magaspang na semento sa kanyang palad at tuhod. Ano nga naman kasi ang laban niya sa batang lalaki na nasa harapan niya? Labing-dalawang taong gulang na ito at mas malaki ang katawan nito kaysa sa kanya. Samantalang siya ay siyam na taong gulang palang at katamtaman lang ang kanyang katawan. “What? Ano may sasabihin ka ba? Piping Axel?” tanong sa kanya nito. Yumuko na lang siya at umiling. Maraming salita ang naglalaro sa kanyang isipan ngunit hindi niya magawa itong sabihin. Natatakot siya. Natatakot na siya na baka mas lalo lang siyang masaktan kapag nagsalita siya. Wala siyang lakas ng loob sabihin kung ano ang nasa isip niya. Hindi naman siya pipi. Sa katunayan ay kapag nasa bahay siya kasama ang kanyang ina ay kumakanta silang pareho. Pero kapag nasal abas na siya ng kanyang tahanan ay kusang nagsasara ang kanyang mga bibig. Bigla na lamang nawawala ang boses niya at kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang magsalita. “Stupid! Moron!” panglalait pa sa kanya ng lalaki. Hindi pa ito nakuntento at muli siyang itinulak nito bago tuluyang tumalikod sa kanya. Dahil dito ay muli niyang naitukod ang kamay niyang may gasgas kaya mas lalo itong sumakit. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman niya. “Axel?” Napalingon siya sa batang babae. “Axel!” sigaw nito at mabilis siyang dinaluhan. Hinawakan nito ang kanyang braso at tinulungang tumayo. “Okay ka lang?” tanong sa kanya. Umiling siya bilang sagot. “Halika, dadalhin kita sa clinic! Malapit lang clinic ni Dr. Shawn dito,” sabi nito sa kanya ngunit mabilis siyang umiling. Inayos na lamang niya ang kanyang bag at nagsimulang maglakad. “Axel! Teka lang!” sigaw nito sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang batang babae. Naramdaman niya ang malabot at maliit nitong kamay sa kaliwang braso niya. “Ihahatid kita sa bahay niyo. Kapag binalikan ka ng damulag na iyon, ako makakaharap niya!” sabi nito sa kanya at pinakita pa ang bicep nito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ng batang babae. Akala mo ay may ibubuga talaga.                  Pagdating sa bahay nila ay ganoon na lamang ang gulat ng kanyang ina na si Natalie nang makita siyang may mga sugat sa palad at tuhod niya. “Axel, anak! A-anong nangyari?” tanong ng ina sa kanya. “Mrs. Natalie, tinulak po kasi siya ni damulag,” sagot ng batang babae. “Damulag? Sino?” “Hindi ko po alam ang name pero mataba siya at malaki kaya damulag ang tawag ko sa kanya,” sagot ng batang babae. Huminga ng malalim ang kanyang ina at pinapasok agad sila sa loob. Naupo sila sa sofa habang kinukuha ng kanyang ina ang first aid kit sa c.r. nila. Tumingin siya sa batang babae at ngumiti. “T-thank you, Kirsten,” sabi niya. Lumaki ang ngiti ng batang babae. “Welcome, Axel!” Pagkatapos gamutin ng kanyang ina ang mga sugat niya ay nilutuan sila ng kanyang ina ng pancakes na masaya nilang pinagsaluhan ni Kirsten. ***                  Nagising na lamang si Xel dahil sa init at sinag ng araw na lumulusot sa bintana ng kanyang kwarto. Dito na siya dahan-dahang bumangon at napasandal sa headboard. Napahilamos pa siya ng kanyang mukha dahil sa naging panaginip niya. Alam niyang alaala iyon ni Axe at hindi sa kanya iyon. Wala siyang ganoong mga alaala. “So, kumusta ang pagiging Axe? Hmm?” Agad siyang napalingon sa kanyang kaliwa at laking gulat nang makita niya si Kronos na nakaupo sa swivel chair na nasa study table. “K-kronos?” tanong niya. Kinusot-kusot niya pa ang kanyang mga mata at baka nananaginip pa rin siya pero nanatiling nakaupo si Kronos sa swivel chair. “O relax. Nandito lang ako para kumustahin ka. So far, mukhang okay ka naman dito,” sabi nito sa kanya. “Anong okay? Everything is different!” sigaw niya. “Natural. This is not your world, duh! This is Axe’s world.” “Ang hirap nito. Hindi ko alam kung papaano pakikisamahan ang mga tao dito. Nakikita nila ako bilang si Axe. I’m not Axe, I’m Xel!” sabi niya at tumayo na. Tinawanan lang siya ng administrator ng parallel worlds. “Tinanggap mo ang alok hindi ba? So, pangatawanan mo. Ayaw mo pang mamatay so binigyan kita ng pagkakataon tapos ngayon nagrereklamo ka. Walang gan’on mars!” sabi sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at may kinuha mula sa likod ng pantalon nito. Isang pamaypay na kulay puti ang kinuha nito at namaypay sa kanyang harapan. Bumuntong hininga siya. Tama ang sinabi ni Kronos sa kanya. Ginusto niyang mabuhay at wala siyang karapatang magreklamo. “May misyon si Axe na hindi niya pa natatapos. Dahil nakipagpalit ka na sa kanya at ikaw na ang Axe ng mundong ito, obligasyon mong tapusin ang misyong iyon,” sab isa kanya. “Anong misyon iyon? Assassination? Pagtulong sa kapwa? Good Samaritan ba si Axe? Ano?” sunod-sunod niyang tanong. Marahas na isinara ni Kronos ang hawak na pamaypay. Para bang umalingawngaw ang tunog ng pamaypay sa loob ng silid niya. “That is for you to find out. Nandito lang naman ako para sabihin na may mga oras na makikita mo ang mga alaala ni Axe. Isa itong proseso upang makilala mo kung sino ang nagmamay-ari ng katawang iyan.” “Ganoon ba? I think napanaginipan ko pa ang alaala niya last night. Medyo hindi lang ganoon ka-informative,” sabi niya at tumango naman si Kronos sa kanya. “I have to go! Have a great day Axel Santos!” Binuksan nito ang kanyang closet at doon pumasok. Sinundan niya ito ngunit tangin mga damit na lang niya ang kanyang nakita. Ano kaya ang misyon na dapat tapusin ni Axe? Naiiling na lang siya at nag-asikaso ng kanyang sarili. Matapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng simpleng khaki shorts at puting t-shirt. Pagbaba niya ay nakita niya si Harold at kasama si Tony—ang isa sa mga kaibigan ni Axe. “Good morning Boss Axel!” bat isa kanya ni Harold. “Good morning!” bati niya pabalik. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan si Harold kung bakit boss ang tawag sa kanya. Minsan na niya itong tinanong pero hindi naman siya sinagot. “Good morning, Axe!” sabi sa kanya ni Tony. Natigilan siya. Hindi talaga siya sanay na tawagin sa pangalang iyon pero siya naman kasi ang dayuhan sa mundong ito kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang mag-adjust. Pero malaki ang respeto niya kay Axe at may sarili siyang identity. Siya si Axel Santos. Hindi si Axe, kung hindi siya si Xel. “Ah… Tony,” tawag niya sa binata. “Bakit?” tanong nito sa kanya. “’Wag mo na akong tawaging Axe. Xel or Axel lang okay na,” sabi niya. Kita niya ang pagtataka sa mukha ni Tony. “Why?” “B-basta! change of name lang ganoon!” sabi niya at tumalikod na. Naramdaman niyang sumunod sa kanya ang dalawa at naabutan si Natalie na busy magluto ng kanilang agahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD