Chapter Nine: Xel and Kronos

1364 Words
Chapter Nine: Xel and Kronos                  Idinilat ni Axel ang kanyang mga mata. Wala siyang makita kung hindi purong puti lamang. Kahit saan niya idako ang kanyang mga mata ay puti ang nakikita niya. Hindi din niya alam kung siya ba ay nakalutang o hindi. Ipinagtataka niya kung bakit nandito siya sa lugar na ito. Sa pagkakatanda niya ay nas pier siya ng Teckslon at hinahabol ng mga miyembro ng Los Rojos. Nagkaharap sila ng pinuno nito at hanggang doon na lang ang natatandaan niya. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. “Welcome sa aking munting kaharian!” Napalingon siya sa kanyang kaliwa dahil doon nanggaling ang boses. Bigla na lamang nagkaroon ng makapal na usok. Napaubo pa siya dahil sa nasinghot niya ito at pumasok sa kanyang lalamunan. What the hell is this place? “Greetings! Kumusta, Axel Santos?” sabi ng isang lalaki. Pinagmasdan niya ito. nakaupo ito sa isang kulay itim na leather swivel chair. Kulay puti ang buhok nito at bagsak. Maputi ang kulay ng balat nito. Nakasuot ito ng itim na polong long sleeves at slacks. May suot din itong itim na sunglasses na hugis bilog. Kamukha nito si Gojo Satoru ng Jujutsu Kaizen. “Who are you?” tanong niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. “Ako pala si Kronos Samonte pero tawagin mo na lang akong si Kronos. Ako ang administrator ng parallel worlds,” pakilala sa kanya. Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay dahil hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nito. “Parallel worlds? Ano ‘yun?” tanong niya. Ngayon lang niya narinig ang bagay na iyon. Hindi niya napag-aralan iyon noong nasa elementary siya, high school, college, at maging sa police training. “Ipapaliwanag ko sa’yo kung ano ang ibig sabihin nito!” sab isa kanya. Bigla na lamang nagkaroon ng white board sa likuran nito at isang mahabang stick. Bigla na lamang siyang napaupo at mabuti na lang at nagkaroon bigla ng isang arm chair sa kanyang likuran. “Makinig kang mabuti,” sabi nito. Tinanggal nito ang cap ng whiteboard marker at nagsulat sa sa board. Parallel Worlds. “Ang parallel worlds ay ang mga alternatibong mundo kung saan ay puno ito ng iba’t ibang reyalidad. Halimbawa, isa kang detective hindi ba?” Tumango naman siya bilang sagot. “Sa ibang mundo, iba ang propesyon mo. May mundo kung saan ay isa kang doktor, ang isa naman ay teacher. Iba’t ibang mundo, iba’t ibang propesyon pero iisang tao lamang. Kahit saan ka magpuntang mundo ay may Axel Santos na nag-eexist doon.” Nanatili lang siyang nakatulala sa lalaking ito. Pakiramdam niya ay nahilo siya dahil sa mga sinabi nito. “You mean, maraming ako?” tanong niya at itinuro pa ang sarili. “Exactly!” sigaw sa kanya. “At ikaw ang admin nito? Naka-drugs ka ba? Miyembro ka ng Los Rojos ‘no?” Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hatawin ng patpat na hawak. Natamaan siya sa braso pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang mapagtantong hindi siya nakaramdam ng sakit. “Huwag mo akong babastusin. Hawak ko buhay mo,” sabi nito sa kanya. “Ako ang administrator ng mga parallel worlds. Ilang milyong parallel worlds ang hawak ko kaya akala mo madali lang itong trabaho ko? Ako ang namahala ng mga ito.” “Then why I am here? Anong kinalaman ko?” tanong niya. “Buti naitanong mo ‘yan.” Nawala ang whiteboard at napalitan ito ng napakalaking monitor. Napatingin pa siya dito dahil kasing laki ito ng screen sa sinehan at may haba itong walang katapusan. Hindi niya alam kung katapusan ito o wala. “Panoorin mong mabuti,” sab isa kanya. Bigla na lamang nag-on ang screen at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Police Lt.  Rodel Carmen. “Thank you for coming to celebrate Axel’s life and share our grief at his passing. Nakilala ko na si Axel mga eleven years ago. Hindi pa ako napo-promote as lieutenant noon. Police sergeant pa lang ako noon tapos officer palang si Axel noon. Itinuring ako ni Axel na ama niya. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na lumaki siya sa isang bahay-ampunan. It was a privilege na itinuring akong ama ni Axel.” Nasa isang sementeryo ang mga kasama niya at nakita niyang lumuluha si Victoria. Mas lalo siyang nagimbal nang makita ang sarili na nasa loob ng isang casket. Dito na siya napatayo. “Totoo ba ‘yan?! Patay na ako?” tanong niya at sunod-sunod naman ang pagtango ni Kronos sa kanya. “Yep! Dead and dead!” sigaw sa kanya. “No!!” sigaw niya at napaluhod na siya. Nagsimula na siyang umiyak. Umiyak siya na parang batang naagawan ng candy. “I’m not ready yet! Bakit?! Why?!” sigaw niya. Naiiling na lang sa kanya si Kronos at naupo sa swivel chair. Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya umiyak ng ganito. Pagtingin niya kay Kronos ay nakita niya itong sumasayaw habang may nakalagay na earphones sa magkabilang tainga nito. Hindi niya maiwasang mainis dahil sa mga nangyayari. Sa inis niya ay kinuha niya ang arm chair at ibinato niya si Kronos na agad namang nakaiwas. “Bakit ako nandito? Ano ba ito, judgement?” “Buti tapos ka ng umiyak.” Biglang nagbago ang palabas sa screen at nakita niya ang isang lalaki na nakaratay sa isang kwarto at may mga aparatong nakalagay sa katawan nito. “Pagmasdan mong maiigi kung sino ‘yan,” sabi sa kanya. Pinagmasdan niya itong maiigi at ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ito. “Is that me?” “Umm… not really. Well, si Axel iyan pero hindi ikaw. Siya ang Axel ng parallel world na iyan. You may have the same name and face pero magkaiba kayo ng personality,” paliwanag sa kanya ni Kronos. “Anong nangyari sa kanya?” “Car crash. Three years na siyang comatose and nakausap ko siya. He wants to rest.” “What?” “Gusto na niyang magpahinga pero hindi pwedeng mamatay ng basta-basta si Axel Santos ng mundong iyan. May mahalaga pa siyang misyon na dapat gawin ngunit hindi na din niya kaya. Gusto mong mabuhay hindi ba?” Tumango naman siya. “Of course! I’m not yet ready to die!” sagot niya. “Ewan ko ba sa inyo. Ikaw ayaw mong mamatay, ‘yung isa naman ay gusto ng magpahinga. Bilang administrator ng parallel worlds, pagbibigyan ko ang inyong mga hiling.” “Ibig sabihin, maaari na akong mabuhay?” tanong niya. Tumango naman si Kronos sa kanya. “Oo pero with a twist.” “Anong with a twist?” “Mabubuhay ka sa katawan ni Axel Santos ng parallel world na iyan.” Sabay turo sa malaking screen. “What? Pero—” “Hindi ka na makakabalik sa mundo mo. You are six feet under the ground. Naimbalsamo na din ang katawan mo so wala ka na talagang pag-asa. Hindi ka naman si Eugene ng Ghost Fighter na hindi naimbalsamo at may gabay na katulad kay Charlene. Magdecide ka na.” Natahimik siya. Gusto niya talagang mabuhay pa. Siguro ay maaaring magbagong buhay siya at magsimula muli? Wala naman na din siyang magagawa pa dahil katulad ng sinabi sa kanya ni Kronos, nailibing na ang kanyang katawan. Huminga siya ng malalim. “Fine. Pumapayag na ko,” sabi niya. Ngumiti ng malapad sa kanya si Kronos. “Then you can live now.” Itinulak siya papunta sa screen at pumasok sa loob. Pagkatapos ay purong kadiliman na lang ang kanyang nakita. Thank you, Xel…                  “Thank you, Kronos.” Tumingin si Kronos kay Axe na sumulpot sa kanyang likuran. Ngumiti siya ng malungkot at niyakap ang binata. “You did a great job fighting for your life,” sabi niya. “Please guide him. Huwag mo siyang pababayaan.” “Yes. Don’t worry. You can rest now.” At unti-unting naging usok ang katawan ni Axe. Hindi mapigilan ni Kronos ang pagluha dahil alam niyang isa si Axe sa may malinis na kalooban. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD