Chapter Fifty-six: Xia and Lia

1124 Words
Chapter Fifty-six: Xia and Lia                  Mula nang magising mula sa pagkakabangungot ay hindi na muling nakabalik pa sa pagtulog si Xia. Balisa siya. Iniisip kung natagpuan na ba nila Xel ang kapatid niya. Anon a kayang nangyari sa kapatid niya? ano ba ang nangyari at nagkaganito ang pamilya nila. “Relax ka lang, okay?” Napatingin siya kay Jasmin. Bilib siya sa dalaga dahil hindi siya iniwan nito. Magdamag din itong gising para may kausap siya. Si Ryan naman, dahil bata pa ay madali lang nakabalik sa pagtulog. Dumungaw siya sa bintana. Unti-unti ng sumisikat ang haring araw at tumigil na din ang pag-ulan. Naririnig na din niya ang munting huni ng mga ibon. “Ay kalabaw!” sigaw ni Jasmin kaya napalingon siya. Napatingin siya sa dalaga na gulat na gulat dahil sa biglang pag-ring ng cellphone nito. “Xia! Si Xel!” sabi nito sa kanya kaya mabilis siyang lumapit sa dalaga. Tumikhim pa si Jasmin bago sinagot ang tawag. “Hello?... kay Xia?... okay!” Ibinigay ni Jasmin ang cellphone niya. Nanginginig na kinuha niya ito mula sa dalaga. “Hello?” halos pabulong niyang sabi. “Xia? It’s me Xel. We found your sister Lia,” sabi nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Sa wakas ay nakita na ang kapatid niya. “Where is she?” tanong niya. Gusto na niyang puntahan ang kanyang kapatid. Mayakap ang kanyang kapatid. Iniisip niya kung maayos ba ang lagay nito? sinaktan ba siya ng mga kumuha sa kanya? May alam ba siya sa mga nangyayari? “Nandito kami sa Kairos Hospital. She suffered from blood lost pero stable na siya. She’s safe. If you want ipapasundo—” “No! okay lang ako. Ako na lang ang pupunta diyan. Thank you so much, Xel!” sabi niya at nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Hindi na niya napansin na pinutol na ni Axel ang tawag. Ngumiti sa kanya si Jasmin at niyakap siya. “I told you, mahahanap nila si Lia,” sabi nito sa kanya. Tumango siya. “Abot langit ang pasasalamat ko!” “Samahan kita sa hospital?” Umiling siya. “’Wag na. Kaya ko na. Ayoko ng makaabala pa ako ng husto sa inyong lahat,” sagot niya at tumawa naman ito sa kanya. “Inabala mo na kaya kami. Sagarin mo na! Ha! Ha!” Honestly, hindi siya na-offend.                  Talagang hindi siya tinigilan ni Jasmin hangga’t hindi siya sinasamahan nito. Nagpaalam lang sila kay Mama Natalie at ngumiti lang ang ginang sa kanila. Mukhang may alam ito sa nangyayari at hindi na nagtaka pa. Hindi kalayuan ang Kairos Hospital mula sa bahay nila Axel. Isang jeep at tricycle lang ay nakarating na agad sila sa ospital. Si Jasmin na ang nakipag-usap sa front desk at itinuro kung saan ang kwarto ng kapatid niyang si Lia Montelibano. “Xia, room 505,” sabi sa kanya at tumango siya. Sumakay sila ng elevator at si Jasmin na ang pumindot ng button. Pagbukas ng elevator ay agad niyang nakita sa hallway ang grupo ni Axel. “Xel!” sigaw niya at lumingon sa kanya ang binata. Ngumiti ito ng tipid sa kanya. Kita niya ang pagod sa mga mukha ng grupo nito. “Xia. Buti at nakarating ka. Lia is inside—” sabay turo sa kwarto at nakita niya ang plate na nakalagay na 505, “—stable na siya,” dugtong nito. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik. Na para banh nawala ang mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Nakahinga siya ng maluwag. Binuksan ni Xel ang pinto ng kwarto at dito niya nakita ang kapatid niya. Nilapitan niya ito at nakita niyang may benda sa ulo at pulso ito. May ilang pasa at galos din sa mga braso nito. “Ate?” tawag niya. Nilapitan niya ang kapatid at hinawakan ang kamay nito. Patuloy na umaagos ang luha niya. Ang mahalaga sa ngayon ay nandito na sa harap niya ang kapatid. “X-xia?” Ngumiti siya dahil sa pagtawag ng kapatid niya. Mabilis niyang niyakap ang kapatid at sabay silang umiyak. Sa wakas, kasama na nila ang isa’t isa. “Akala ko ‘di n akita makikita!” sabi niya sa kabila ng paghikbi niya. “Thank God! Akala ko ‘di n akita masisilayan! Akala ko patay ka na kaya ginusto ko na din kayong sundan! Buti na lang nabuhay pa ako ulit!” “Ate!!” “Xia!”                  Sa labas ng kwarto ay dinig ng grupo nila Axel ang iyakan ng magkapatid. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa plastic bench at nga-inat-inat. “Let’s go home. Thank you everyone for your hardwork!” sabi niya. Ngumiti naman ang mga kasama niya. “You’ve been a great leader, Boss Axel,” sabi ni Celestine. “Glad wala na ang takot sa puso mo,” sabi naman ni Richard. Nagtaka siya sa sinabi ng lalaki. “Takot? What do you mean?” tanong niya. “You were so afraid at handling guns and shooting people back then. Mabuti na lang at na-overcome mo iyon. Magiging problema kung hindi ka natutong humawak ng baril,” sagot sa kanya. “Sir Renats training is really paying off,” sabi niya at umismid naman ang hitman sa kanya. “Dapat lang dahil kung hindi, I cook the bullets for you and eat it until you sh*t again!”                  Tatalikod na sana sila nang bigla ulit lumabas mula sa kwarto si Xia. “Xel!” tawag sa kanya. Lumingon silang lahat at nagulat sa biglang pagyuko ni Xia. “Thank you! Maraming salamat sa inyong lahat! Hindi ko alam kung papaano ko kayo mababayaran. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob,” sabi nito sa kanila. Ngumiti siya. Lumapit sa dalaga at tumayo naman ito ng deretso. “Walang anuman. Masaya kaming nakatulong sa’yo. I’m just repaying you also. Tinulungan mo ako noon kay Mr. Diaz,” sabi niya. Tuluyan na silang tumalikod at iniwan ang dalaga na nasa pagitan ng saya at luha. ***                  “What happened?” tanong ni Greg sa kanya. Nasa pantalan sila sa bayan ng Teckslon at nagdesisyon siyang mangibang bansa muna pansamantala. Agad niyang tinawagan si Greg upang tulungan siyang malabas ng Azalea. “Sinugod ako ni Axel Santos! Ng buong inner circle nito!” sagot niya. “He was asking for Lia. I think may connection ang pamilya ng babaeng iyon at sa Cielo. Axel really change now. Dati mukha siyang kawawang kuting but now? He was like a lion. Making these big roars to scare off people,” sabi niya. Hindi siya makapaniwala na nakaharap niya ang lalaking minsan na niyang tinangkang patayin. “How I wish na sana hindi na sana siya nagising pa,” dugtong niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD