Chapter Forty-five: The Crying Old Fart
“Renato, aalis lang ako sandali okay?” Napatingin siya kay Mama Natalie. Napansin niyang nakasuot ito ng simpleng white skirt na umaabot hanggang sa tuhod nito. May dala din itong eco-bag sa kaliwang kamay.
“Ah okay po. Ingat po, Mama Natalie,” sabi niya.
“Mama! Wait!” sigaw ng batang si Ryan at kasunod nito ang dakagang si Jasmin.
“Don’t run dimwits!” suway niya at agad namang tumigil ang dalawa.
“Sorry po,” sabi ni Ryan.
“Mama Natalie, samahan na po naming kayo,” sabi ni Jasmin. Ngumiti ang ginang sa kanila.
“Okay. The more, the merrier!” sabi ni Mama Natalie at tuluyan ng lumabas ng bahay. Agad namang sumunod ang dalawa. Naiiling na lang siya at naupo sa couch at kinuha ang kanyang tablet.
May mga binabasa siyang articles tungkol sa mga nangyayari sa Cosa Nostra. Habang nagba-browse ng website ay may nakita siyang article.
“Los Rojos? What is this?” tanong niya. Pipindutin na sana niya ang article nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Naiiling siyang kinuha ito mula sa center table at nagtaka nang makita ang isang unfamiliar number.
Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ito pero kalaunan ay sinagot niya din.
“Hello?”
“Is this the guardian of Axel Santos?” tanong nito. Napangiti naman siya. Naalala niya ang sinabi kanina ng binata sa kanya.
“Yes. Is there a problem?” tanong niya.
“Can you please get here in the dean’s office? Mr. Santos did some terrible thing,” sabi nito sa kanya.
“Oh? I see. I’ll be there in a minute.” Hindi na niya hinintay pang magsalita ang nasa kabilang linya at agad na niyang pinutol ang tawag. Hindi niya mapigilang ma-excite sa mga mangyayari ngayon. Aminado siyang curious siya sa sinasabi ng kanyang student na alas. Mukhang may alam si Axel tungkol sa Diaz na iyon.
Hindi naman siya nagtagal sa pag-ayos sa kanyang sarili. Nagsuot lang siya ng white polo at black slacks. Ang kanyang mahabang buhok ay inayos niya at tinali ng pa-ponytail. Ginamit din niya ang isa sa mga antipara niyang may gintong frame. Paglabas niya ay sinuguro niyang naka-lock ang pinto. Ilang metro din ang nilakad niya bago siya nakarating sa isang warehouse. Hindi ito kalayuan sa bahay nila Axel. Binuksan niya ito at sinalubong siya ng kanyang mga kotse. Mabilis niyang sinakyan ang paborito niyang Corvette.
***
“Like father, like son,” sabi ni Mr. Diaz sa kanya. “Parehong bastos!” sigaw pa nito. Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
Anong father? Eh patay na tatay ko—I mean tatay ni Axel. Wait, hindi kaya si Sir Renats ang nakausap niya? Si Sir Renats ang guardian ko? Expected ko pa naman si Mama Natalie!
“Mr. Diaz, please refrain from saying that. Walang patutunguhan ang init ng ulo,” suway naman ni Dean Ferrer. Tumingin sa kanya ang matanda. “We will wait for your guardian before we discuss anything,” sabi nito sa kanya. Tumango na lang siya at sumandal. Dumekwatro pa siya at nanguyakoy. At alam niyang mas kinainis iyon ni Mr. Diaz.
Habang naghihintay ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakita niyang may message siya sa kanyang Messenger App. Binuksan niya ito at nakita ang isang video file. Mabilis niyang hininaan ang volume nito at napangiti ng makita ang laman nito.
Perfect! Thank you, Xia!
Makalipas ang mahigit kinse minutos na paghihintay ay may kumatok sa pinto ng opisina ni Dean Agatha Ferrer.
“Come in!” sigaw ni Dean Ferrer. Bumukas ang pinto at halos mahulog siya sa upuan niya nang makita si Renato ang pumasok. Ayos na ayos ang porma nito.
“Good morning. I’m Apollo Renato. I am Axel’s guardian,” pakilala nito.
“You’re not Axel’s father?” tanong ni Mr. Diaz. Umiling naman si Renato.
“Fortunately, yes. I’m not his father.” Umismid lang siya sa hitman. Para bang sinasabi nito na ang malas niyang maging anak.
‘Well, Mr. Renato. There was a complain about Axel’s behavior,” pagsisimula ni Dean Ferrer. Umupo naman si Renato sa tapat niya. Tinapik pa ang tuhod niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ibaba ang kanyang isang binti.
“Ano bang nagawa ng batang ito?” tanong ni Renato.
“He hurt one of the faculty members—Mr. Diaz,” sagot ni Dean Ferrer.
“Well mister, I am Mr. Diaz!” sabi naman ni Mr. Diaz. Kita niyang nagsalubong ang kilay ni Renato dahil sa kanyang nakita.
“He punched me yesterday? I have to suffer from a concussion and sprain elbow!” sabay pakita ng braso niyang naka-sling.
“At bakit naman niya ginawa iyon? I believe Axel will not do anything like that without a reason.”
“Nagalit siya dahil hindi niya alam sagutan ang equation,” sagot ni Mr. Diaz.
Isa’t kalahating sinungaling! Tiklop ka mamaya!
“Mr. Renato, I will not tolerate any kinds of violence here in the university. We need t punish Mr. Santos,” sabi naman ni Dean Ferrer. Bigla namang tumayo si Renato.
“I think you’re being unfair here, Dean Ferrer. You only heard the side of this professor but you didn’t hear Axel. At least let him explain himself. I can clearly see there is an injustice here.” Natahimik ang dalawang matanda dahil sa sinabi ni Renato.
“B-bakit pa? Para saan pa? You can clearly see the evidence!”
“Evidence can be manipulated. That’s why investigators should investigate and see the truth between the lies. They should know the facts and the opinions. That the rule number one as an investigator,” sabi niya kaya napatingin sa kanya ang lahat. “Kapag nasa korte ka, the judge will give you a chance to talk and make your defense. To gather all the evidences. Pero kayo mukhang masaklap pa kayo sa korte suprema kung maghukom.”
“Hindi naman sa gan’on Mr. Ssntos—”
“Then let him speak, Dean Ferrer,” sabi ni Renato. Dahan-dahan naman tumango si Dean Ferrer.
“Okay, Mr. Santos, tell me what happened yesterday.”
Tumayo siya at hinarap ang mga ito.
“He was asked me to answer the equation on the board. I answered him that I honestly don’t know. Marami siyang sinabi pero one thing he said made me mad. Sinabi niya mas magandang natulog na lang ako habambuhay. That I am better off dead! Dean, I became a comatose patient for three years tapos sasabihan niya ako ng ganoon? Masisisi mo ba ako if I punch his disgusting face?” sabi niya.
“Dean, he’s a liar! I didn’t say that!”
“Yes, you do! I have evidence.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita kay Dean Ferrer ang isang video. Isang video clip kung saan kitang kita at dinig na dinig ang pagsigaw ni Mr. Diaz.
“Ha! Sinasabi ko na nga ba! You’re dumb, Santos! I don’t know why the admin accepted a guy like you! Sana habang buhay ka na lang natulog!”
“What did you just say? Am I better off dead? Bawiin mo ang sinabi mo.”
“Ang alin? Saan doon? You know what? I hate dumb students like you! I hate the whole being of you!” sigaw sa kanya pabalik. “Tama! You better off—”
At makikita sa video na sinuntok na niya ang guro.
Lahat sila napatingin kay Mr. Diaz. Mukhang hindi nito inaasahan na may nag-video sa nangyari kahapon.
“Mr. Diaz, care to explain?” sabi ni Dean Ferrer.
“Let me add a tablespoon of salt into your wound, Mr. Diaz.” Kinuha niya ang plastic box mula sa kanyang bag at inilapag iyon sa harapan ni Dean Ferrer.
“W-what? H-how?” hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Diaz.
“Mr. Nathaniel Diaz falsify his credentials. All the documents he showed and passed here are all false. They are fake.” Inilabas din niya ang mga papel na nakuha niya mula kay Sarah.
Tiningnan lahat iyon ni Dean Ferrer and mukhang nakumbinsi niya ito.
“Mr. Diaz, you are fired!”