Chapter Twenty-five: The Woman and the Tree
“Another day, another training,” sabi ni Axel habang nagja-jogging sa buong subdivision nila. Nakakaanim na laps na siya. Ngayong araw ay dinagdagan ni Renato ang laps niya ng dalawa. Noong unang linggo ay twenty laps a day at may pahinga siya tuwing Friday. Ngayong linggo ay naging twenty-two laps.
“Daig ko pa ang training noon sa Police Academy,” he said. Mabuti na lamang at sanay siy sa mga harsh trainings dahil noong nasa Police Academy siya ay talaga namang kakaiba ang trainings doon. Talagang patitibayin ang physical, mental, at emotional health kaya hindi na siya gaano nawiwindang sa pinagagawa sa kanya ni Renato.
Hindi rin niya makalimutan ang araw na tinulungan niya ang matanda at dinala sila ni Renato sa restaurant nito. At halos magningning ang kanyang mga mata dahil sa sarap ng mga pagkaing inihain sa kanila. Ayaw lang aminin ni Renato pero obvious sa mukha nito na sarap na sarap siya ng araw na iyon. Mula ng araw na iyon ay naging suki na siya. Minsan, after the ng training niya ay dumadaan siya sa resto para mag-order ng sweets.
Sa kanyang pagja-jogging ay napadaan siya sa isang jogging area. It looks like a park pero hindi pa ganoon ka-fully developed ang lugar. May mga matataas pang damo at talahib. May mga puno ng manga, langka, at acacia ang nakapalibot sa lugar.
“Wait, anak ng tokwa! May jogging area pala dito?! Nagpapakapagod pa akong umikot ng umikot dito sa subdivision!” reklamo niya at napakamot na lang ng ulo. Dito na niya naisipang mag-jogging.
“F*ck, Renato there. Bahala siya maghintay,” sabi niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng jogging pants at nakita sa meter na malapit na siyang mag seven laps. Sinimulan na niyang mag-jogging sa jogging area.
Malaki ang area. may pababang daan nga lang ito kaya kung babalik at medyo mahirap dahil paakyat ito. Pero okay lang iyon sa kanya. Nakakailang ikot na siya at sa meter niya ay nakakalabing-isang laps na siya. Sa ika-labing-dalawang laps niya ay may nakita siyang kakaiba. May nakita siyang tao na nasa likod ng puno ng manga. Hindi na sana niya ito papansin pero umakyat kasi ito sa puno at tumulay sa isang sanga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may itinatali itong lubid.
Masama ang kutob niya sa bagay na iyon. Masama ang kutob niya sa balak gawin ng babaeng iyon.
At hindi nga siya nagkamali nang isinuot ng babae ang lubid sa leeg nito at akmang tatalon. Mabilis siyang lumapit sa babae at agad na umakyat sap uno.
“’Wag!” sigaw niya at lumingon sa kanya ang babae.
“’Wag mo akong pakialaman!” sagot sa kanya.
“Maghunos dili ka! Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo!”
“Wala kang alam sa buhay ko! Wala kayong alam!”
“Kapag itinuloy mo ‘yan, lalong walang alam ang tao sa buhay mo. Ang bawat bagay ay nadadaan sa pag-uusap. Kung wala kang makausap ay pwedeng ako. I will listen to you. I will lend my ears to you. Hindi kamatayan ang sagot sa lahat ng bagay.”
“Ano bang pakialam mo sa isang tulad ko? You are just a mere stranger!” sigaw sa kanya.
“I’m just a stranger that cares for you! Kapag tunuloy mo ‘yan, alam mo ba ang mangyayari sa katawan mo? You will undergo asphyxia[i]! Magkakaroon ng damage ang carotid artery [ii] mo at hindi masusuplayan ng tamang oxygen ang utak mo! Magkakaroon ka din ng cervical vertebra fracture[iii], thyroid[iv], cricoid[v], at hyoid fracture[vi]! The worst ay tongue out ka kapag namatay! Pagpipiyestahan ka sa social media at news online!”
Dahil dito ay natigilan ang babae. Nakahinga siya ng maluwag nang hubarin nito ang lubid sa leeg.
“A-ayoko ng gan’on,” mahinang sabi nito.
“Come on, makikinig ako sa’yo,” sabi niya. Pareho silang natigilan nang makarinig ng cracking sound. At wala na silang nagawa nang tuluyang maputol ang sang ana kinakapitan nila.
Ramdam niya ang pagbasak ng pwet niya sa lupa. Nang idilat niya ang mata ay nakita niyang nakahandusay ang babae. Mabilis niya itong nilapitan at sinampal-sampal ang pisngi.
“Hoy miss! Gising! Miss!” sabi niya at hindi nagtagal ay dumilat na ang babae. Dito na niya napagmasdan ng husto ang babae. Kulay asul ang mga mat anito at paniguradong may lahing foreigner ito. Maamo ang mukha nito at may maikling buhokna aabot lang sa leeg nito.
“Ayos ka lang?” tanong niya ulit at tumango ang babae sa kanya. Tinulungan niyang makatayo ang babae at siya na din ang nagpagpag ng mga dahong kumapit sa damit nito.
“T-thank you,” sabi nito at umiwas ng tingin. Halatang nahihiya.
“Come on, like I told you, handa akong making sa’yo. May alam akong masarap na resto dito.” Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalaga at hinawakan na niya ang kaliwang kamay nito at hinatak paalis ng jogging area. Mabuti na lang at hindi sila nakakuha ng atensyon ng ibang mga tao. Paniguradong pag-uusapan talaga sila.
Hindi nagtagal ay nakarating sila sa Mangiatoia del leone—ang restaurant ni Lola Igna—ang matandang tinulungan niya noong isang linggo. Pagpasok nila ay agad silang binati ng mga staffs nito at umupo sila sa table na nasa pinakasulok ng lugar.
“Sige na, pick your order. Akong bahala,” sabi niya at tumango ang babae. Nang makuha na ng waiter ang kanilang order ay sinimulan niyang kausapin ang babae.
“Before anything else, I want to introduce myself. I’m Axel Santos but you can call me Xel,” pakilala niya.
“I’m Jasmine Hermosa.”
“Usually, ang pwesto ko ay doon sa may glass wall. Pero dahil I have a special case, dito tayo para makapag-usap tayo ng masinsinan. You can tell me everythinh. I won’t judge you or whatever. I’m just here to listen.” Ilang sandali nanahimik ang babae ngunit nagsimula na din itong magsalita.
***
“Where the f*ck is that dumbass?!” tanong ni Renato. Dalawang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik dito si Axel. Ang huling bilang niya ng laps ay anim pero paglagpas nito sa kanya at hindi na ito bumalik.
“Sir Renato.” Napatingin siya kay Harold na nakasuot ng school uniform nito. “Ayos lang po kayo?” tanong sa kanya.
“Obviously not. Your dumbass boss ay hindi pa rin bumabalik!” sigaw niya. Nanlaki naman ang mga mat ani Harold.
“W-what?!” Hindi na niya napigilan nang tumakbo palayo si Harold at nagsisisigaw.
“Boss Axel?! Boss Axel?!” Where are you?!”
Napailing na lang siya.
“I will triple your training dumbass Axel! Makita mo!”