Chapter Four: Squadra del drago
“Squadra del drago?” tanong ni Harold kay Broody Homra. Tumango naman ang lalaki.
“May alam po ba kayo about sa grupong ito?’ tanong naman ni Axel. Tumingin siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang secretary ni Broody. Nginitian siya at inilapag ang dalawang tasa ng kape sa harapan nila.
“Sa pagkakaalam ko ay grupo ito ng mga skate boarders. Bryan was a skate boarder before ko siyang itakwil. They were a group of young people back then. Other than that, ay wala na akong alam,” sagot sa kanila. Kinuha niya ang tasa na para sa kanya at sumimsim. Napangiti pa siya dahil sa quality ng kape na ginamit sa kanila.
“Great coffee. Thank you for your time, Mr. Homra,” sabi niya. “I-inform na lang kayo ng forensics team kapag natapos na nila ang autopsy report sa katawan ni Bryan.”
Paglabas nila ng meeting room ay nakita niya ang secretary. Ngumiti siya at nilapitan ito.
“I like the coffee you made. Hope you can give me some more,” sabi niya sabay lagay ng tarheta niya sa bulsa ng blouse nito. Ngumiti ang babae sa kanya at tumango. Nagsimula na silang maglakad papuntang elevator.
“Axel, halos lahat na lang ng mga babaeng nakikilala natin binibigyan mo ng calling card. Tigilan mo ang paglalaro sa kanila,” sabi sa kanya ni Harold. Umismid na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng kanyang partner.
Paglabas nila ng building ay agad silang sumakay sa kotse at pumunta sa isang fast food chain. Habang naghihintay ng order ay agad niyang inutusan si Harold.
“Hanapin mo ang tungkol sa Squadro del drago,” utos niya.
“Ito na, ito na,” sagot ni Harold habang tinitipa ang tablet na hawak nito.
“Yow guys!” Napatingin sila sa tumawag sa kanila at nakita nila si Victoria na papalapit sa kanila. Nagsalubong naman ang kilay niya nang makita ang head ng forensics team ng station nila.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Victoria. Umupo ito sa tabi ni Harold at sinilip ang ginagawa nito sa tablet.
“O? Bakit nagsi-search ka ng tungkol sa Squadra del drago?” tanong nito.
“Umm kasi nga si Bryan Homra ay member ng grupong ito,” sagot ni Harold.
“Talaga? Sa totoo lang ay may alam akong tambayan ng mga squadra tuwing hapon. Baka sakaling kilala nila sa Bryan Homra,” sabi nito.
“Saan?” tanong niya.
“Sa isang park malapit sa 5th avenue. Kadalasan ay mga skate boarders ang mga nandoon. Usually, two pm ay puno ng mga member ng squadra ang park na iyon.”
Nagkatinginan silang dalawa ni Harold at napatango.
“Thanks, Vicky!” sabi niya at ginawaran pa ng halik ang babae. Umirap naman sa kanya si Victoria.
“Naku Xel, tigilan mo ako sa kalandian mo. Hindi kita type.”
Nang dumating ang orders nila ay nagsimula na silang kumain. Ang iniisip lang niya ngayon ay ma-solve ang case na ito para naman magamit na niya ang kanyang vacation leave. Gustong-gusto na talaga niya magbakasyon.
Bandang alas dos y media ay narating nila ang isang skating park sa fifth avenue sa siyudad pa din ng Mista. Nakita nila ang iilang mga kabataan na naglalaro ng skate board. Lumapit sila sa isang kumpulan ng mga kabataan. Sa bilang niya ay mga nasa anim ang nandoon.
“Good afternoon. I’m Officer Axel Santos,” pakilala niya at ipinakita ang kanyang police badge. Natigilan naman ang mga kabataan na nandoon.
“Anong kailangan mo?” tanong ng isang lalaki. Sa tingin niya ay nasa edad bente ito. Kayumanggi ang complexion nito at naka-dread locks ang buhok. May tattoo itong dragon sa kaliwang braso at may piercing sa ilong at sa labi.
“Members ba kayo ng Squadro del drago?” tanong niya. Tiningnan niya ang bawat isang nandoon at iisa lang ang napansin niya. Pare-parehong may dragon tattoo ang mga ito sa kaliwang braso.
“Hindi namin alam ang sinasabi mo,” sabi nito sa kanya.
“Balita namin ay miyembro ng squadro si Bryan Homra. Natagpuan siyang patay sa kanyang hotel suite sa Paradise Hotel,” sabi niya.
“Patay na si Master Bryan?” tanong ng isang babae. Blonde ang buhok nito at may piercings sa kilay at labi. Tiningnan niya ito at nilapitan.
“Kilala mo si Bryan Homra?” tanong niya at tumango naman ito sa kanya.
“Isa siya sa naging teacher naming sa skate boarding.”
“May napansin ka bang kakaiba sa kanya, these past few days?” Nag-isip naman ang babae bago sumagot.
“Wala naman ako gaanong napansin sa kanyang kakaiba,” sagot nito.
“Last week kaya mukha siyang balisa,” sabi naman ng isang lalaki. Hindi ito katangkaran at sa tingin niya ay nasa labing-anim na taong gulang ito. Semi-kabo ang buhok nito at may nunal sa taas ng labi.
“Papaanong balisa?” tanong niya.
“Sabi niya feeling daw niya ay may sumusunod sa kanya. Eh binalewala ko lang naman iyon. Alam ko naman kasi na nagte-take siya ng drugs at naisip ko na resulta lang iyon ng drugs.”
“You still hanged out with him kahit na gumagamit siya ng droga?”
“Wala naman kasi kaming pakialam sa personal na buhay niya. Ang mahalaga sa amin ay maturuan niya kami sa skate boarding,” sagot ng lalaking naka-dread locks.
“Pero minsan narinig ko siyang kausap sa telepono. Sigaw siya ng sigaw ng Los Rojos. Tingin ko ay grupo iyon.”
“Los Rojos? I think it sounds a bell to me. Parang narinig ko na ‘yan dati,” sabi niya.
“Ano po bang nangyari kay Master Bryan?” tanong ng babae.
“He was shot dead, point blank to be exact,” sabi niya at itiniro ang pagitan ng kanyang kilay. “Nakatali ang mga kamay at paa ng duct tape at sinakal gamit ang cord ng blower.” Naiiling na lang sa kanya si Harold dahil wala siyang sintabing ikwento ang naging kalagayan ng biktima.
Alas sinco na ng hapon at pabalik na sana sila ng presinto nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Harold ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan niya at halata namang tuwang-tuwa ito dahil isang Corvette ang minamaneho nito.
“Hello?” sagot niya sa tawag.
“Hi, Xel the p*ssy breaker,” sabi ng babae sa kabilang linya. Napataas naman ang kilay niya dahil sa narinig.
“May I know who is this beautiful lady, I’m talking to?”
“Well, my name is Chelle. Ako ‘yung nakasabay mo sa elevator sa Paradise Hotel. You see, my boyfriend dumped me and naghahanap ako ng kalinga. Maybe you can give it to me?”
Mas lalong lumawak ang ngiti niya.
“You want me now?”
“Yes, darling.”
“Then give me ten minutes.” He ended the call at tiningnan si Harold.
“Stop the car, Harold,” utos niya.
“Ha? Bakit?”
“Basta.” Wala namang magawa si Harold at inihinto na niya ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba at pinaalalahanan pa ang partner.
“Ingatan mo ‘yang kotse ko. I-park mo ng maayos ah.”
“Oo na. Huwag kang mag-alala. Ayokong magbayad sa’yo.”
Tinanaw na lang niya si Harold na humarurot na palayo at pumara siya ng taxi. Pagpasok niya ay isang lady driver ang nasakyan niya.
“Miss, sa Paradise Hotel.” Tumango ang driver at nagsimula ng umandar papuntang hotel.