Chapter Forty-six: Meeting His Inner Circle
“That was a blast, my dumbass student,” sabi sa kanya ni Renato habang naglalakad sila sa school grounds. Kitang-kita nila kung papaano napahiya at ngumawa si Mr. Nathaniel Diaz dahil sa mga ginawa nito.
“I told you, I have ace. Hindi ako papayag na babaliktarin niya ako. Buti na lang din at nagsend ng video si Xia sa akin. I used it against him. Bonus na lang ang iba kong nakuhang impormasyon sa kanya,” sabi niya.
“Where did you get all those information?” tanong sa kanya.
“Kay Sarah. She was introduced by Harold.”
“Sarah? Sarah the hacker?” Tumango naman siya. Papalapit na sila sa fountain nang biglang tumigil sa paglalakad ang hitman na siyang pinagtaka niya.
“Bakit?” tanong niya.
“Tutal nanditio na din naman ako. Might as well kausapin na ang buo mong inner circle,” sagot nito sa kanya. Napakunot naman ang kanyang noo.
“Inner circle? Bakit?”
“The Liderlik Denemesi is coming close. Mukhang next month ay maglalabas na si Don Timoteo ng schedule regarding that,” sagot sa kanya. Inisip niya muna kung ano ang tinutukoy nito. Para kasing pamilyar sa kanya.
“Ano? Lider—what?” Agad siyang binato ng masamang tingin ni Renato.
“Did you really study your lesson? Binasa mo ba ang libro?”
“Yeah, I read all of that! Sa tingin mo ay masasaulo ko kaagad ang mga iyon? Eh ang dami-dami ng mga iyon!” sagot niya. Hindi na siya nakailag ng batukan siya ng hitman.
“Aray!”
“Alam dapat ng mafia boss ang kanyang mga binabasa. Isinasaulo niya dapat ito!” sigaw sa kanya. Hindi tuloy maiwasang pagtinginan sila ng ibang mga estudyante. Ang iba nagtataka, ang iba naman ay natatawa.
Yeah right. May nakakatawa ba?
Sinamaan niya ng tingin si Renato.
“Ano ba ‘yun Sir Renats?” tanong niya. Napabuga na lang ng hangin si Renato saka siya sinagot.
“Liderlik Denemesi ay ang succession trial. It’s a tradition mula pa sa unang head ng Cielo. Dito titingnan ng inner circle ni Don Timoteo kung karapat-dapat ba kayo na maging miyembro ng Cielo much more ng inner circle,” paliwanag sa kanya. Napatango naman siya.
“Ah okay. Naalala ko na.” Pinanuod niya si Renato na kunin ang cellphone nito mula sa bulsa ng itim nitong slacks at may tinawagan.
“Call everyone. Meet me on the rooftop,” sabi nito sabay end call. Hinawakan naman siya sa braso at hinila papalapit sa culinary building.
“H-hoy! Teka lang!”
Pagdating nila sa taas ay sinalubong sila ng malakas na ihip ng hangin. Mula sa rooftop ng Culinary Building ay kitang-kita ang kabuoan ng Universidad de Froilandon. Kita niya ang Science Garden, ang canteen, ang Business Building, at sa gitna ng malaking eskwelahan ay ang magarbo nitong fountain.
“Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng Froilandon,” sabi niya.
“I used to study here. Noong college ako,” sabi sa kanya at agad niyang nilingon ang hitman. Nakasandal ito sa metal railings at dinadama ang ihip ng hangin.
“Talaga? Anong course mo noon?”
“Culinary.” Dahil sa narinig ay hindi niya mapigilang mapahalakhak. Hindi siya naniniwala sa sagot nito. Masyadong-malayo ang hitsura ni Renato para kumuha ng isang culinary course.
“May nakakatawa ba?” tanong sa kanya.
“Weh? ‘Di nga? Ikaw? Isang culinary student? I can’t imagine!” sabi niya sa pagitan ng kanyang pagtawa. Nang mahimasmasan siya ay doon lang niya napagtantong seryoso ito. Agad siyang tumahimik.
“Tapos na?”
“Yeah. Sorry. Hindi lang ako makapaniwala.”
“Whatever.”
Sabay silang napatingin ni Renato nang bumukas ang pinto ng rooftop at lumabas sina Harold, Tony, at Celestine. May tatlo pang kasama sila pero hindi na niya ito nakikilala pa.
“Boss Axel! Sir Renato!” tawag sa kanila ni Harold. Mabilis na lumapit sa kanya si Celestine at humalik sa kanyang pisngi.
“Hello, Boss,” bati nito sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya komportable sa paraan ng pagbati ni Celestine sa kanya.
“Hello, Axel.” Napatingin siya sa isang lalaki. Bagsak ang buhok nito at may suot na itim na metal headband.
“Umm hello?” alanganing sagot niya dahil obvious na obvious sa kanya na hindi niya kilala ang lalaki.
Ito na naman tayo sa mga forgotten memories na hindi naman talaga.
“Hindi mo siya naalala?” tanong ni Renato at mabilis siyang umiling. “That’s Richard. Kirsten’s brother.” Napatango na lang siya.
“I-ikaw ba ‘yung boyfriend ni Bianca? Harold’s sister?” tanong niya at tumango naman ang lalaki sa kanya. “I’m sorry if I forgotten you.”
“It’s okay. Naiintindihan ko naman.”
“Axel.” Napatingin naman siya sa isang lalaki. Kulay blue ang buhok nito at umaabot hanggang baywang. Kung hindi lang siya nakasuot ng uniform ng panlalaki ay mapagkakamalan niya itong babae. Kahawig nito si Celestine.
“Boss, si Kuya Mykel. My twin,” sabi ni Celestine. Tumango na lang siya.
“Hello, usagi.” Naramdaman niya ang mabigat nitong kamay sa kanyang ulo. Nakangiti sa kanya ang lalaki. Matangkad ito at maputi. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Kulay blonde ang buhok nito na medyo kulot.
“Hi?”
“I’m Kris. I hope you will remember me.”
“Sana?”
“Kuya Axe!” Napalingon naman siya sa isang bata. Mukha itong high school student. Kulot ang buhok nito at may pares na kulay berdeng mga mata.
“That’s Lorence,” bulong sa kanya si Harold. Yumakap ang binatilyo at alanganin niya itong sinagot ang yakap.
“I’m sorry if hindi kita maalala sa ngayon,” sabi niya. Humiwalay si Lorence at ngumiti.
“It’s okay, Kuya Axe. Ang mahalaga ay gising ka na.”
“Enough of the introduction!” sigaw ni Renato at napatingin silang lahat sa hitman. “Axel, they are your inner circle.” Napatingin siya sa mga kasama niya.
“Kahit si Lorence? I mean he’s a kid—”
“Lorence is belong to Cosa Nostra the moment he was born. Kaya ‘wag mong sasabihan na bata lang si Lorence.” Naglakad papalapit sa kanya si Renato at tiningnan ang kanyang mga kasama.
“Harold is your right-hand man. He specialized in using bombs and dynamite. Magaling din siya sa archery. Tony is your left-hand man. He uses swords. Celestine and Mykel are twins. They are part of the intelligence unit ng Cielo. Lorence is the youngest. As what I’ve said, he was part of the Cosa Nostra pagkapanganak niya. Kris is the lider of Ricerca Sulla Fondazione. It’s a research team under the Cielo.”
Tumango naman siya. Hindi niya akalain na ganito ang miyembro ng kanyang inner circle.
“The Liderlik Denemesi will begin on next month. Naghihintay na lang tayo ng schedule na ilalabas ni Don Timoteo. I hope everyone train yourselves.”