Chapter Twenty-nine: Kindness is a poison in Cosa Nostra.
Hindi na siya nagulat nang makita si Axel na may kasamang bata habang pababa ng bundok. Makalipas ang halos dalawang oras mula ng makaakyat sa bundok ang binata ay pababa ito ngayon at may bitbit na paslit. Napabuga na lang siya ng hangin at naiiling.
“Maybe I should never get surprise every time na magte-training kami,” he said at napasandal na lang sa kotse niya.
“Yow, Sir Renats!” bati ni Axel sa kanya at mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa pagtawag nito sa kanya. Nang makalapit na sa kanya ang binata ay dito niya nakita ang hitsura nito. May sugat ito sa braso at dibdib. Halos mapuno na ng dugo ang suot nitong t-shirt at hindi niya mapigilang mag-alala.
“What happened?” tanong niya. Napadako ang tingin niya sa batang paslit na nakahawak sa kanang kamay nito. “At sino na naman ang binitbit mo ngayon? Noong nakaraang linggo ay si Jasmin, ngayon naman isang bata. You just can not drag other people!” Itinaas naman ni Axel ang magkabilang kamay na para bang sumusuko na.
“O relax lang. I just can’t leave him there! Alam mo bang hinabol kami ng isang mabangis na grizzly bear? Nakipagsuntukan pa ako sa hayop na iyon and it managed to scratched me! Tapos iiwanan ko ang bata doon. No way, Jose!” sagot sa kanya nito.
Ano pa bang bago? Hindi man halata sa mukha niya, Axel really has a soft heart. Medyo disadvantage ang ganitong characteristics bilang isang mafia boss. Kindness has no room in mafia society.
“Get in. We need to treat your wounds,” sabi niya at tuluyang pumasok na sa kotse. Agad namang sumunod ang dalawa. Pinapasok ni Axel ang bata sa backseat at pahkatapos ay pumasok ito at naupo sa passenger seat.
Tahimik ang naging byahe nila at bago sila makalabas ng probinsya ng Quirone ay huminto muna sila sa isang maliit na clinic. Tumingin sa kanya si Axel.
“Why did we stop?” tanong nito at pinigilan niyang maiinis sa tanong nito.
“Idiot. Sa tingin mo uuwi tayo kay Mama Natalie na ganyan ang hitsura mo? Ayokong sabunin ni Mama Natalie, idagdag mo pa si Harold na daig pa ang nanay mo,” sagot niya. Sabay-sabay na silang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng clinic. Pagpasok nila ay agad silang binati ng isang nurse.
“Good afternoon—Mr. Apollo! Long time no see!” sabi ni Nurse Joy. Ngumiti naman siya at ramdam niya ang kakaibang tinging ibinabato sa kanya ni Axel.
“Kumusta Miss Joy?” tanong niya.
“Okay naman po ako. It’s been a two years na din po nang hindi kayo nadadaan dito.”
“Oo nga eh. Is Doctor Shawn available?” Tumango naman ang nurse sa kanya.
“Yes.” Nadako ang tingin ng nurse kay Axel at sa bata. “Wala naman pong ibang patient si Doctor Shawn. Pasok na lang po kayo sa clinic niya.” Tumango siya at hinatak ang dalawa papasok sa isa pang kwarto.
Pagpasok nila doon ay naabutan nila ang doktor na busy maglaro ng isang mobile game sa cellphone nito. Pakiramdam niya mabibiyak ang ulo niya dahil sa mga nangyayari.
“P*tangna naman! Sabi ko sa mid ka lang eh! Ako ng bahala sa top!” sigaw ng doktor. Tumikhim naman siya at mukhang hindi siya narinig nito.
“Defeat!” sigaw ng isang boses mula sa cellphone at mukhang natalo na ito sa laro. “Nakakasar!” at sa inis ng doktor ay basta na lang nito binitawan ang cellphone at dumapa sa office table nito.
“Baka pwede mo gamitin ang taong ito?” tanong niya sabay tulak kay Axel. Dito na tumingin ang doktor at kitang kita niya ang paglaki ng mga mata nito.
“Renato!” sigaw nito at tumayo na.
“Save the chit chat. Gamutin mom una siya,” sabi niya. Mabilis na tumango ang doktor. Pinaupo sa hospital bed si Axel at dito na inasikaso ang binata.
“Hindi naman ganoon kalalim ang sugat na natamo mo. I guess its from an animal?” tanong ni Dr. Shawn. Tumango naman si Axel.
“Yeah. Grizzly bear to be exact. Tingnan mo din ang batang iyon ah,” sabi ni Axel sabay turo sa batang lalaki na tahimik lang na nakatayo sa isang gilid. Tumango naman ang doktor. Binalutan ng benda ang dibdib ni Axel at maging ang braso nito ay nilagyan din ng benda. Pagkatapos ay tumayo na ang binata at ang batang lalaki naman ang ginamot nito.
“Wait, alam ko may mga damit ng bata ako sa closet. Mga naiwan ng mga naging pasyente ko dito. Bakit hindi ka muna maligo? Para naman mapreskuhan ka?” sabi ni Dr. Shawn sa bata. Tumango ang bata at tinawag si Nurse Joy. Pinaasikaso ni Dr. Shawn ang bata sa nurse.
“Long time no see, Renato,” sabi nito sa kanya at tumango naman siya.
“Yeah. Mabuti na lang at bukas pa ang clinic mo.”
“Mukhang bagong estudyante mo ‘yan ah.” Sabay turo kay Axel.
“Yeah,” sagot niya.
“May ibang naging student ka pala? Hindi ako naimform!” sabi naman ni Axel.
“Pangpitong estudyante na kita. At sa lahat ng mga naging students ko, sa’yo sumasakit ang ulo ko. Hindi ka nga mahirap turuan but for godsake, lagi ka na lang may dala! Last time si Jasmin tapos ngayon ang bata naman. Like I told you before, you just can’t drag people’s lives!”
“I know pero hindi ko maaatim na iwanan ang bata doon sa gubat, sa bundok,” sagot ni Axel sa kanya.
“Axel, I know you have a kind heart but let me pop your bubles. Kindness is the poison to the Cosa Nostra,” sagot niya.
“Renato, ‘wag kang magsalita ng tapos. I find that man interesting,” sabi ni Dr. Shawn. “I don’t know why pero I have this feeling na siya ang mag-aayos ng kaguluhan sa Cosa Nostra,” dugtong nito.
“Wait, what is this Cosa Nostra?” tanong ni Axel.
“It means our thing. Mafia thing,” sagot niya.
“In short, mafia society,” sabi ni Dr. Shawn.
“Sir Renats, let me tell you something,” sabi sa kanya ni Axel. “I’m not the Axel everyone knew. Just let me be myself.”
Nang marinig niya iyon mula sa kanyang estudyante ay tila may kakaiba siyang naramdaman. I’m not the Axel everyone knew. Pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ito. Pero ano? Ano ang ibig sabihin ng kanyang estudyante? Just let me be myself. Iba talaga ang impact ng mga salitang iyon sa kanya.