Chapter Seven: The Death of Axel "Xel" Santos
“De p*ta! de p*ta!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ng isang pulang container van. Dahil sa pagbaril ni Harold sa tauhan ng Los Rojos ay nagkagulo na ang lahat. Mabilis silang pinaputukan ng mga tauhan ni Greg. Ano bang laban nila? Dalawa lang sila ni Harold at gusto niyang bugbugin ito dahil sa pagiging careless. Ilang tauhan mayroon ang Los Rojos at sa bilang niya ay nasa limangpung katao ang dala ni Greg.
“Kasalanan mo ito, Harold!” sigaw niya bago nakipagpalitan ng bala sa mga kaaway.
“I’m sorry, okay?! I’m sorry!” sagot sa kanya ni Harold.
“Tumakas na tayo!” sigaw niya. nakailang putok pa siya at tinamaan ang tatlong tauhan na humahabol sa kanila. Mabilis ang kanilang pagtakbo papalapit sa kanilang sasakyan. Ngunit ilang dipa na lang ang layo nila sa kotse ay nagpakawala ng RPG ang Los Rojos at tinamaan ang sasakyan. Sabay silang napayuko ni Harold nang sumabog ito.
“Bullsh*t!” sigaw niya. Tumakbo siya sa kanang bahagi ng pier kung saan nakalagay ang mga container vans. Dito na sila nagkahiwalay ni Henry. Sumuot siya sa mga espasyo habang hinahabol ng Los Rojos. Habang tumatakbo ay napansin niya ang isang tauhan na nasa itaas ng container van at papuputukan siya ngunit naunahan niya ito. Napasigaw pa ang lalaki at nahulog ito sa kabilang bahagi ng container van.
“Conseguir al Bastardo!” (Get the bastard!) Dinig niyang sigaw ng isa sa mga tauhan. Umakyat na siya sa isang container van. Patuloy pa din siyang pinapuputukan ng mga miyembro ng Los Rojos. Nakita niya ang isang container van na nakasabit sa isang crane. Bumwelo siya at agad na kumapit dito. Humawak siya ng maiigi sa hawakan nito sa pintuan. Dahil sa pagsabit niya ay umugoy ang crane. Mabilis siyang bumitaw at lumipat sa kaliwang bahagi kung saan mas maraming container van ang mga nakalagay.
Tumakbo siya nang tumakbo. Bawat espasyong nakikita niya ay pinapasukan niya. Pilit niyang tinatakasan ang mga humahabol sa kanya ngunit mukhang hindi siya pinapaboran ng langit. Sa pagliko niya sa kanan ay nakita niya si Greg na nag-aabang doon.
“Sh*t,” bulong niya. Aatras na sana siya pero nakita niyang papalapit na ang mga tauhan nito sa kanya.
“No tienes donde correr, Bastardo,” (You have n where to run, bastard) sabi sa kanya ni Greg. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang baril. Isang bala na lang ang mayroon siya. Walang pasabing sumugod siya kay Greg at itinutok ang baril. Nakita din niyang tinutukan siya ni Greg ng baril at sabay nilang kinalabit ang gantilyo. Nakita niyang natamaan sa balikat si Greg at naramdaman niya ang pagpasok ng bala nito sa kanyang dibdib.
Dahil dito ay natumba siya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib at tiningnan ito. Nabahiran ng dugo niya ang kanyang kamay. Nahihirapan na din siyan huminga. Sa bawat pag-inhale niya ay may kalakip na sakit.
Unti-unti na ding nagdidilim ang kanyang paningin. Nanlalamig na ang kanyang katawan.
I don’t want to die. I’m not yet ready. Please, don’t let me die. Kung may panginoon ay nakikiusap ako sa’yo ngayon. Iligtas mo ang buhay ko. Hindi pa ako handang mamatay.
At alas diyes kuwarenta y sinco ng gabi ay ang oras kung kailan huminto ang pagtibok ng puso niya.
“Axel! Axel! Axel!” sigaw ni Victoria habang sinasampal ang pisngi ni Axel. Nakatanggap sila ng tawag mula kay Harold na hinahabol sila ng Los Rojos. Pero huli na ang lahat. Nang makita niya si Axel na nakahiga sa semento at hindi na gumagalaw ay dali-dali niya itong nilapitan at dito na niya nakita ang walang buhay na si Axel.
“Axel, please wake up,” sabi ni Victoria. Inilagay niya ang kanyang dalawang daliri sa leeg nito ngunit wala na siyang nadamang pulso.
“Tumawag kayo ng ambulansya! Tulungan niyo si Axel!”
Pero kahit ano pang sigaw niya at tuluyan ng namaalam si Axel sa kanila.
“Thank you for coming to celebrate Axel’s life and share our grief at his passing. Nakilala ko na si Axel mga eleven years ago. Hindi pa ako napo-promote as lieutenant noon. Police sergeant pa lang ako noon tapos officer palang si Axel noon. Itinuring ako ni Axel na ama niya. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na lumaki siya sa isang bahay-ampunan. It was a privilege na itinuring akong ama ni Axel,” pagsisimula ni Police Lt. Rodel Carmen. Nasa Angel’s Home Cemetery sila at kasalukuyang ginaganap ang paglilibing kay Axel Santos.
Hindi mapigilan ni Victoria, at lalong lalo na ni Harold ang paglandas ng kanilang mga luha. Sinisisi ni Harold ang kanyang sarili dahil sa kapalpakang nagawa niya ng gabing iyon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi naman sila mapapansin ng mga Los Rojos at hindi sila hahabulin. Hindi niya akalaing sa ganoong paraan matatapos ang buhay ng partner niya na ilang taon na niyang nakasama.
“Sana lang pinagbigyan kita sa vacation leave mo. Kung hindi ko sana kinansela ang leave mo ay malamang nasa ibang bansa ka at nagpapakasaya. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana nakapagbakasyon ka ay paniguradong buhay ka pa.”
Hindi nagtagal ay dahan-dahan ng ibinaba ang casket sa magiging huling hantungan nito. Isa-isang lumapit ang mga naging kasamahan ni Axel at nag-alay ng dasal at bulaklak. Nagsimula na ding tabunan ng lupa ang casket.
Makalipas ang trenta minutos ay tuluyan ng natabunan ng lupa ang casket. Nagsimula na ding mag-alisan ang mga dumalo sa libing.
Sa huling pagkakataon ay naglagay ng puting rosas si Lt. Rodel Carmen bago tuluyang tumalikod. Si Harold naman ay napayuko na lamang at tumalikod na din. Hanggang si Victoria na lang ang naiwan doon.
“Ang bilis ng mga pangyayari.” Napatingin si Victoria sa nagsalita. Isang blonde na babae ang nasa tabi niya. naka-puting bestida ito at nakasuot ng itim na shades.
“Parang noong isang araw lang ay we had hot and steamy s*x tapos ngayon ay wala na siya.”
“Kung alam ko lang ay sana kinagat ko na ang alok niya. Ilang beses na din niya akong niyayaya noon. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay after ng case niya ay pagbibigyan ko na siya,” sabi niya.
“Nasa huli ang pagsisisi, girl.”
“Tama ka.”
“Hindi mo naranasang ma-break ang p*ssy mo ni Axel. Sayang.”