Chapter Six: The Stakeout

1189 Words
Chapter Six: The Stakeout                  Inabot niya ang kaha ng sigarilyo mula sa bedside drawer na katabi lang ng kama at kung saan nakapatong ang telepono. Itinaktak niya ito upang makakuha ng isang stick at agad na iniipit ito sa kanyang labi at sinindihan. Sa paghithit niya ng usok ay dama niya ang init na hatid nito at pagpasok sa kanyang baga. Sa pagbuga niya ay para siyang gumawa ng mga munting ulap sa kanyang harapan. Napalingon siya sa babae nang kunin nito ang sigarilyo sa kanyang kamay. Naki-hits din ang babae sa kanya. Kinuha niya ulit ang sigarilyo sa babae at muling hinithit ito. “You’re really indeed a p*ssy breaker,” sab isa kanya at umismid naman siya. “Countless women na ang napasigaw ko,” sagot niya. “How did you know about the Los Rojos? Kaya ba pumayag ka na puntahan ako dito?” tanong sa kanya at umiling naman siya. “Wala akong alam tungkol sa’yo. I f*cked you but still I don’t know your name. Nakita ko lang kasi ang tattoo mo. Might as well interrogate you,” sagot niya at humalakhak naman ang babae. “Interrogate? It was a f*cking torture!” sigaw sa kanya. “You said it was a sweet torture?” “Yes, indeed. A f*cking sweet torture!” “So tell me, what are you doing here in the Paradise hotel? Ano kinlaman mo kay Bryan Homra?” Tumayo ang babae at wala itong pakialam kung hubo’t hubad man itong naglakad sa loob ng room. Lumapit ito sa isang coffee table at nagsalin ng wine na nakapatong doon. Halos tunaw na din ang yelo na nasa stainless bucket. “I was Bryan’s girlfriend,” sagot sa kanya. “Really?” Tumango naman ang babae sa kanya. “My name’s Claire. Bahala ka na kung ano ang isipin mo sa akin. Sl*t, w***e, whatever.” “Ano alam mo sa pagkamatay niya?” tanong niya. Inabutan naman siya ng wine at malugod niya itong tinanggap. Inisang lagok lamang niya ito. “I actually don’t know. Nauna ako ng tatlong araw sa hotel na ito. Nag-usap kami noon na magpapakalayo-layo na. Okay naman sa akin dahil alam ko may hawak siyang malaking pera. Like around 1.2 million. Nakalagay iyon sa dalawang itim na duffel bag. Nang makita mo ako kanina sa elevator, wala akong alam pa sa nangyari sa kanya. I was actually waiting for him in my room. Hanggang sa nakasagap na lang ako ng balita na may natagpuang patay sa hotel na ito. It turns out that siya pala ang tinutukoy,” paliwanag sa kanya. Tumango na lang siya. Tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Doon ay naligo siya at kahit papaano ay nawala ang tension sa kanyang katawan. Kahit na nakakapagod ang ginawa nil ani Claire ay hindi naman niya ito naramdaman.                  Pagkatapos ay nagbihis na siya. Pinanunuod lang siya ni Claire na magbihis. Katulad kanina ay hindi pa rin ito nagbibihis o kahit man lang suotin ang rob ana nakakalat sa sahig. “Aalis ka na? the night is still young,” sabi sa kanya. “Sorry dear, I need to go,” sabi niya. Nilapitan niya si Claire at ginawaran ng halik bago lumabas ng silid nito.                  Los Rojos. Isang grupo na pinamumunuan ni Gregory Sandejas o mas kilala bilang Boss Greg. Isa itong drug cartel na galing pa sa ibang bansa at dinala dito sa bansang Azalea. Sila ang pangunahing supplier ng cocaine sa mga parokyano nito lalo na ang mga mayayamang negosyante. Ang cocaine din ang nangungunang drugs sa kanilang bansa kaya hirap ang gobyerno na sugpuin ang talamak na bentahan nito. Ayon kay Claire, may magaganap na transaksyon sa pier ng Teckslon. Ang Port of Teckslon ang pangunahing pier ng bansa. Sa tingin niya ay mukhang nabayaran na ang mga tauhan ng pier kaya malaya nilang nakukuha ang mga supply nitong drugs.                  “We need evidence first, Axel,” sabi ni Lt. Carmen sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi ng kanyang bossing. “Yeah, I know,” sagot niya. “Hindi naman kasi tayo pwedeng magpadala ng tropa at magkasa ng operation kung walang sapat na impormasyon at evidence. Mamaya kasi ay false information pala ang ibinigay sa’yo ng babae,” sabi ni Lt. Carmen. “Yes, sir. Mamanmanan na lang po naming muna ang grupo. Titingnan kung talagang may transakyong magaganap mamayang gabi.”                  Naiiling na lang siya na lumapit sa pantry at nagtimpla ng kanyang kape. Habang nagtitimpla ay dumating si Victoria at nagtimpla din ng kape. “Amoy s*x ka,” sabi sa kanya. Mabilis naman siyang napatingin sa babae. “Hoy! Naligo naman ako!” sigaw niya pabalik. Tumawa naman ng malakas si Victoria. Napatingin tuloy ang ibang kasama nila sa presinto sa kanila. “So, aminado kang you get laid last night?” “May bago pa ba? Besides, hindi ko naman iyon kinakahiya. Sabi ko sa’yo eh, tikman mo kasi ako.” “Nope! I told you, hindi kita type.” “Well it’s your lost.” “Anyway, may stakeout kayo mamaya?” tanong sa kanya at tumango naman siya habang sumisimsim ng kape. “Sama ako.” Mabilis siyang umiling. “Nope!” popping the letter Pp. “Sige na, please!” “Makulit ka. Ayoko. Ayaw mo nga akong tikman tapos sasama ka sa amin? ‘Wag na uy.” “Luh? Ano kinalaman ng bagay na iyon.” “Basta ayoko. Delikado.” Tumalikod na siya at iniwan si Victoria habang nakanguso sa pantry.                  Alas nueve y media ay nasa pier na sila ng Teckslon. Kasama niya si Harold na naghihintay sa loob ng isang SUV. Naiiling na lang siya dahil sa kalat ng sasakyan ni Harold. “Ano ba ‘yan Harold, ang kalat mo dito,” sabi niya. Inis niyang itinapon ang burger wraper na nasa dashboard. Nilunok naman ni Harold ang kinakain nitong donut. “Ano ba?! Eh kung ‘yung Corvette mo na lang ginamit natin, hindi ka sana nagrereklamo,” sagot sa kanya ni Harold. Hindi na lamang siya nagsalita at salubong ang kanyang mga kilay habang pinakikinggan ang paglamon ni Henry. Noisy eater. Ano ‘to ASMR?                  Alas nueve singkuwenta y sinco ay dumating ang tatlong SUV sa pier. Isa-isang nagbabaan sa kotse ang mga sakay nito. Bumaba na din siya ng sasakyan at nagtago sa mga container van. Sinisilip kung nandoon si Greg. Hindi nagtagal ay natanaw na din niya si Greg. Nakasuot ito ng pulang hoodie at simpleng jogging pants. Lumabas ang isang lalaki mula sa barko na nakadaong at nilabas ang isang crate. Nakita niyang binuksan ito ni Greg at tiningnan ang laman. “Axel, ano ng gagawin natin?” tanong ni Harold sa kanya. “Just shut up okay? Kukuhaan ko sila ng video,” sagot niya. Habang kinukunan ng video ay hindi nila napansin ang isang tauhan ng Los Rojos na nasa likod nila. “Sino kayo?!” sigaw sa kanila. Sabay silang napatingin ni Harold sa lalaki. Dahil sa pagkataranta ni Harold ay agad nitong binaril ang lalaki. Umalingawngaw ang putok ng baril at naalerto ang buong Los Rojos. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD