Episode 5 UNEXPECTED

3358 Words
Episode 5 UNEXPECTED     Kendra “O  Diyos ko naman Kendra ganda, anong oras na? Nakakabwisit ka. Sinabi ng ‘wag ng magtinda, talagang nagpausok ka pa.” Bwisit na litanya ni Aida sa akin habang hindi siya magkandaugagang isara ang payong na pangbubong ko sa ihawan. Ano bang pakialam niya kung gusto kong magtinda? Alas syete pa naman ang pageant pero para namang daig pa ng tatlong bakla ang hinahabol ng kabayong de itak sa pagmamadali, na parang tatapyasin ang mga lawit nilang maliliit. “Huwag niyo na akong daldalan dahil baka mag-backout ako, wala kayong kandidata.” Sabi ko naman habang itinatago ang mga bao kaya napatigil sila. Kanina pa kasi sila reklamo nang reklamo. Para naman bang Miss Universe ang sasalihan ko ay Miss Maligaya lang naman. Binibilisan ko na nga at inagaw ko na ang payong kay Aida dahil hindi niya maisara, pero kung kailan naman talaga nagmamadali ay saka naman talagang minamalas dahil humangin at inilipad ang lintik na payong. “Ayy!” Tili ko at para akong nakikibaka habang hawak ang katawan ng payong na sobrang bigat. “Bilisan mo na Kendra, magbibihis ka pa.” Sabi naman ni Lorna habang hila na ang ihawan ko papasok sa loob ng bahay. Pinilit kong maisara ang lintik na payong pero nagulat ko nang may sumabog na sa kung saan. Kaagad akong napatingin sa magarang sasakyan na lumiliko-liko sa kalsada. “Diyos ko Looooord!” Napatakbo ako at napatago sa may puno ng mangga matapos kong basta na lang iitsa ang payong sa may gilid ng pader dahil baka dumiretso sa akin ang kotse, pero tumigil naman ‘yon at sa mismong tapat pa ng bahay ko. Napakurap ako habang pinagmamasdan ang sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang kotse na ubod ng kinang. Wala naman halos dumaraan na mga ganoon kagarang sasakyan sa lugar namin, at kung meron man, siguradong hindi taga rito o kaya ay papunta kay kapitan. Pero ang nakikita ko ay hindi basta ganoon lang. Hindi pa ako nakakita sa personal ng ganitong kotse na parang halos sumayad sa kalsada ang katawan. Sa pelikula lang ako nakakakita at hindi ko alam na totoong nag-e-exist pala, hindi lang sa Hollywood. Napatunganga pa ako saglit dahil baka kailangan ng tulong ng may-ari. Lalo pa kung babae ay baka hindi makapagpalit ng gulong, pero sa pagkagulat ko ay lalaki ang bumaba. “f**k!” Mura niya kaya natigalgal ako. Umigkas na lang kasi iyon galing sa bibig niya nang lumabas siya sa kotse. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil hilot niya ang noo. Nakasuot siya ng isang itim na suit. Parang nakita ko ang ganoong klase ng damit sa magazine, at sigurado ay mamahalin ‘yon katulad ng kotse niya. Armani yata sa pagkakatanda ko o kung ano pa man. Ang laki niyang tao at pati katawan ay ganoon din. Malapad ang likod niya at parang isang lalaking galing sa libro ng metolohiya. Naku, imposible. Myth lang naman ang mga gods and goddesses kaya paanong may ganoong lalaki sa mundo? He reminds me of someone from my bitter past, but that’s so impossible. Sa tagal ng panahon ay hindi ako naniniwala na magku-krus pa ang landas namin ni Enrique Gabriel. And this man that I am looking at is bigger than that asshole and way lot different from the way how this man dresses himself. Rugged ang balahura na ‘yon at ito ay parang kagalang-galang ang dating. Iyong tipong gagalangin at parang iiwasan ng tao na masungkit ang balat dahil parang magkaka rashes kaagad. Napatulala ako nang inis niyang suklayin ang buhok gamit ang mga daliri at inilagay ang isang kamay sa baywang habang nakatingin sa likurang gulong ng sasakyan. Parang hindi niya matanggap na na-flat-an siya. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng paghanga ng ganito sa lalaki. Akala ko manhid na ang puso ko pero bakit parang iba ang pakiramdam ko sa lalaking yayamanin? Asa pa more Kendra, gusto mong majuntis na naman at iiwan ka na naman ng lalaking hinayupak? Pinilit kong huwag ng pansinin at nawala na rin ang atensyon ko nang sumigaw si Fe sa loob ng bahay. “Kendra! Bagong taon na, nanadya ka talaga! Kung ‘di ka lang maganda tatalupan kita!” Napahagikhik ako at balak ko na sanang tumalikod pero siya namang pagharap ng lalaking naka business suit. Por Dios y por Santo! Napaantanda ako ng krus nang wala sa oras, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko sa gulat. Kulang na lang ay tumalsik ang kaluluwa ko sa kalawakan nang mapagsino ko ang lalaki. Nangunot din ang noo niya habang nakatingin sa akin at ngayon ay hindi na lang ulo ang ipinihit niya kung hindi pati katawan na. Diyos ko po! Ang halimaw na ama ng anak ko! Diyos ko! Diyos ko! Bakit sa dami ng tao sa mundo, si Enrique Gabriel pa? Sana si Satanas na lang o ‘di kaya ay si Peruha. “KC?” Takang tanong niya at saka humakbang. Parang nakalimutan niya ang gulong niya na sumabog at parang hindi pa niya sigurado na ako si Kendra Christina. Kung sabagay ay sixteen lang ako nang maghiwalay ang mga landas namin, at ngayon ay bente kwatro na ako at magbe-bente singko na nga. Saka KC raw. Bakit KC pa rin? Siya lang at mga magulang ko ang tunatawag sa akin ng ganoon. Sana Kendra na lang. Parang nag-rhumba ang puso ko at alanganin ako kung tatalikod o hindi. Ang gwapo niya na sobra. Ibang-iba siya lalo sa Enriel na kababata ko. Masyado na siya ngayong sosyal at parang hindi ko basta-basta pwedeng hawakan. Ang buhok niya ay maikli na at pati tindig ay sobrang tikas, ‘yong tipo na parang matatakot ang tao na humindi sa lahat ng sasabihin niya. “What the hell, ikaw nga.” Ngumiti siya at parang natunaw lahat ng depensa ko. Diyos ko bakit ganito? Sa lahat ng ginawa niya sa akin talagang hindi pa rin siya pumapalya na bilugin ang ulo ko at kabugin ang aking buong sistema. Hindi ako ngumiti lalo na nang maalala ko ang anak ko. Si Ken, hindi pwedeng makita niya si Ken. “Hindi ako si KC. Pasensya na.” Kaagad kong talikod pero sa isang iglap ay hawak na niya ang siko ko. Ang bwisit! Kaagad akong napatalon papalayo, na sa kabila ng humahalimuyak niyang bango at kagwapuhan ay dinaig niya ang may sakit na dapat kong iwasan. Nawala ang ngiti niya at parang nalungkot ang mga mata habang pilit na tinitingnan ang mukha kong pilit ko naman itinatabingi. Bwisit! At sa pagkagimbal ko ay talagang hindi siya nangiming hawakan ako sa baba at ipinihit pa niya papaharap sa kanya ang mukha ko. “Ano ba?!” Angil ko sabay akto na susuntukin ko siya. Grabe ang laki niya. Grabe rin ang gwapo niya. Umidad siya pero mas lalo siyang nagging mapang-akit. Ang labi niyang mapula noon ay kulay pink na ngayon. “f**k s**t! It’s you.” Ngumisi siya at walang pasintabi na hinaklit ang kabuuan ko para yakapin. Natigilan ako at parang gusto kong umiyak sa sobrang inis. Sa isang iglap ay bumalik ang lahat ng sakit na akala ko ay napatay ko na. Pero bakit parang sama ng loob ang nararamdaman ko at hindi pagmamahal? O baka ‘yon lang ang gusto kong isipin pero hindi ng puso ko. Dahil alam ng Diyos na walang ibang lalaki akong minahal kung hindi siya lang, simula sa pagkabata ay siya na, pero hindi na iyon ganoon kadali ngayon. Puno ang puso ng pait. Kinuha niya ang pinakamahalagang parte ng pagiging babae ko at parang itinapon din niya na ganoon na lang. Wala akong kakilos-kilos dahil talagang nagulat ako. “It’s you. Don’t you dare damn lie? I know you so well.” Lalong humigpit ang braso niya sa may batok at ulo ko. Para naman akong estatwa na binitbit rito mula Luneta. Ayokong humawak sa kanya, hindi ko kaya. You know me so well? Decades ago, yes, but not now. I’ve changed and you could never bring back the fool Kendra that you used to dissipate very long time ago. You claimed my innocence and ruined it, but I swear to the moon and back that it will never happen again. Pilit akong kumalas sa kanya at halos itulak ko pa siya. Ayoko sanang ipahalata na nagagalit ako sa kanya pero parang mga bulati ‘yon na pinurga at gustong kumawala. Ang sama-sama ng loob ko at iniisip ko kung gaano ako kagaga na nagmahal ako ng isang iresponsableng lalaki na hindi ako pinanindigan. “Sinabi na ngang hindi.” Inis na pakli ko. Nakatitig siya sa mukha ko at parang hindi man lang siya apektado sa ipinakikita kong inis. Ganoon naman siya kahit noon pa. Para siyang walang kaseryosohan sa buhay. Parang hindi siya ang panganay sa tatlong barakong de la Cueva. “Pwede ba Enrique Gabriel, matagal na ang panahon nang huli tayong nagkita at ang KC na nakilala mo ay patay na. Ibang Kendra na ngayon ang kaharap mo.” Hindi na ang KC na inuuto-uto mo noon. “Is that the proper way how to welcome a friend – a childhood friend?” Ngumisi siya at gusto ko talaga siyang batukan. Parang ang saya ng damuho na nakita ako. Hindi na siya pwedeng magtagal. Baka makita siya ng anak ko o malala ay makita niya ang anak ko. Anong karapatan niya? Wala siyang karapatan. “Oo. Bitbitin mo ‘yang kotse mo at umalis ka sa tapat ng bahay ko.” Inis na tinalikuran ko siya pero ganoon na lang ‘yon na basta na naman niya hinawakan ang braso ko at ipinihit ako papabalik. “Wait. Why are you so cold? We’re okay since the last time we talked and it was when I said goodbye.” Aniya. Parang ramdam ko na malungkot ang boses niya dahil sa ipinakikita kong kagaspangan pero ito ang tama. We’re okay? Akala niya ay okay pero hindi! Ayoko na ng kahit na anong relasyon sa kanya kahit na simpleng pakikipagkaibigan lang. Kaaway na ang tingin ko sa kanya ngayon at hindi na ‘yon dapat na magbago pa. Tumingin siya sa kabuuan ng barong-barong na tinitirhan ko kaya marahas ko ng binawi ang braso ko sa kanya. “You live here? Why? How many years, months? Why did you leave Hacienda de la Cueva? Why did Mama never tell me? Your parents, where are they? I’ve heard Aling Trining is still working as my Mom’s care taker. What happened? Iniwan mo sila? Alam ba nila na nandito ka?” Takang tanong niya na parang hindi na maipreno pa. “Wala akong obligasyon na ipaliwanag sa iyo ang naging desisyon ko sa buhay ko. Umalis ka na at may pupuntahan pa ako. Sayang ang attire mong parang pamburol.” Sabay suri ko sa kabuuan niya na parang nang-iinsulto pero ngumiti siya at parang tumiim ang titig sa akin. “Bakit nagagalit ka? Saka alam ko ang mga ganyan na pintas mo, you find me so good looking.” Kumislap ang mga mata niya. Ganoon na siya dati pa. Ako ang unang nakakakita ng attire niya at ako ang critic. Inaasar ko siya para maitago ang paghanga ko kasi lahat naman ng isuot niya ay gwapo siya at bagay sa kanya, baka ng kahit sako bagay pa rin sa kanya, lalo na ngayon. Ay ewan! Umiwas ako ng tingin. “Kahit ilang beses mong sabihin na nagbago ka, you still show the real you, my dear young little best friend, my sweetheart.” Sinuri niya ang kabuuan ko at ewan ko ba kung bakit nanliit ako sa pakiramdam ko. Para akong basahan na nakatabi sa isang mamahalin na vase. Nakakababa ng dignidad bilang tao. Parang lalo ko tuloy nakikita ang katangahan ko na umasa akong mamahalin ng isang katulad niya na langit siya at hindi lang ako lupa kung hindi putik pa. “Siyam na taon na ang lumipas Enrique Gabriel at maraming nagbago. Anong kailangan mo para makaalis ka na? Kailangan mo ng tulong para hindi marumihan ang attire mong walang kasing tibay?” Tiningala ko siya.  Walanghiya, ang tangkad niya at mukha na siyang Kastila. Parang lahat sa kanya ay kumupas, buhok, kutis, mata. Iyong mata niyang light brown, parang mas lalo na kumupas pa. Namumula ang balat niya kahit na may bahid ng pagka-brown, iyong labi niyang manipis… Diyos ko, hindi ko makakalimutan ang una at huling beses na hinalikan niya ako, masarap ‘yon at nakakahibang. Pero hindi pala talaga nakikita ang totoong damdamin dahil sa halik lang. Ang inaakala kong may pagmamahal ay pampalipas oras lang pala niya. Para siyang tanga na nakatulala sa akin kaya bago pa man siya makasagot ay kaagad ko ng pinaypay si Kuya Estong na tumutoma sa kabilang kalsada. “Kuya Estong!” Nilagpasan ko si Enriel kahit ramdam ko na pumihit siya at pinag-aaralan ako. Nakakahiya ang hitsura ko at baka nga mukha akong ginahasa ng siyam na Arabo dahil sa gulo-gulo kong buhok at ang damit ko pa ay parang basahan. Puno ako ng pawis at amoy usok. Ay ewan! Pakialam ko sa kanya! Hudas naman siya! Anak siya ni Hudas Escariote na nagkanulo kay Kristo! Bwisit siya! Bwisit! Anong nagawa kong pagkakamali at bakit pinagkrus pa ang landas namin sa laki ng mundo? 510.1 million Km2 ang laki ng planet Earth, bakit naman siya pa sa lahat ng halimaw sa mundo? Diyos ko. Piping himaktol ng isip ko. “Bakit ganda?” Tanong ni Kuya Estong matapos noong uminom ng alak. Naramdaman ko na parang may summinghot sa ulo ko kaya nabitin sa pagnganga ang bibig ko para magsalita. Pumihit ako at si Enrique Gabriel ang lintik na suminghot sa akin. Halos magkahalikan na kami dahil sa lapit ng pagmumukha niya sa ulo ko. “Ano ba?!” Napausog ako. “Bakit ba nangsisinghot ka?!” Angil ko sa kanya. Maya-maya talagang patatamaan ko na siya. Ngumiti lang siya at parang hindi talaga matanggal ang saya sa mga mata niya. “I just miss you. Gusto ko sanang yumakap nang mahigpit saka humalik sa pisngi at sa noo kaya lang parang gusto mo akong suntukin. You smell like BBQ.” Lalo siyang ngumisi. Ay ewan! Hindi ko siya pinansin kahit na parang naramdaman ko rin ang pangungulila sa dating Enriel na kaibigan ko. Ang Enriel na sira ulo pero mahina. Ngayon ay parang matatag na siya at kakayanin ng magpasunod ng tao. Katulad na siya ni Don Enrico na mukhang makapangyarihan. “Huwag kang lumapit dahil hindi maganda ang inaamoy mo ang babae. Baka magalit ang asawa mo.” Irap ko sa kanya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagbabago ng anyo ng mga mata niya, saka siya tumango. Talagang nagmamahalan pala sila ni Amethyst. Hanggang ngayon mag-asawa pa rin sila. Bigla akong nakaramdam ng awa. Para ba iyon sa sarili ko? Hindi siguro, para iyon sa anak ko. Baka marami na silang anak ni Amethyst dahil ibang klase siya. Wala siyang sawa kapag umaangkin ng babae na para bang kulang sa kanya ang magdamag. “Kuya Estong, Kuya Martin, pakitulong naman dito sa mamang pangit na ayusin ‘yong gulong niya. Pupunta pa raw siya sa amateur kaya nakakurbata. Sayang ang attire.” Sabi ko sa mga lalaki na humalakhak pa. “Oo ba ganda. Ikaw pa.” Sabi ni Kuya Martin. Nang tumayo ang mga iyon  para tumawid ay kaagad ko silang sinalubong at binulungan. “Mga kuya, huwag n’yong mababanggit na may anak ako. ‘Yan ang tatay ng anak ko at may asawa na ‘yan. Bruha ang asawa niyan at baka maltratuhin lang si Kenriel.” Ani ko sa kanila. Hindi naman ‘yon totoo dahil kilala ko naman si Amethyst, mahilig lang sa sosyalan ‘yon pero mabait naman. Nawala ang mga ngisi nila at parang pumangit ang tingin kay Enriel. “Bakit hindi natin upakan para matauhan? Poging-pogi, wala namang bayag.” Sabi ni Kuya Estong kaya kaagad ko siyang hinawakan sa braso. “’Wag kuya. Hindi naman niya nalaman, nakwento ko na ‘di ba? Kasalanan ko naman kasi kaya ako nabuntis. Hayaan niyo na, pakitulungan na lang para makaalis na at baka makita si Ken.” “Magkakamatayan bago niya makuha ang Kenny boy natin.” Ani naman ni Kuya Martin. “Sige ganda, kami na ang bahala. Hihingian namin ng pantoma.” Sagot ni Kuya Estong. “Sige, kayong bahala, basta makaalis lang ‘yan.” Sabi ko naman. Pumihit ako at sinalubong ang titig ni Enrique Gabriel. Bumalik ako kung saan siya nakatayo at saka ko siya kinausap. “Sila na ang magpapalit ng gulong mo. Ngayon, bigyan mo na lang ng pang-inom. Mayaman ka naman at ‘di naman kawalan sa’yo  ang isandaan. Bakit ba kasi bumibili ka ng gulong na sumasabog?” Painsultong sabi ko sa kanya pero iba ang sagot niya. “Time wrought you into a beautiful woman, Kendra.” Seryosong sabi niya habang hindi matanggal ang mga mata sa mukha ko. Alam kong namula ako pero pilit ko ‘yong binalewala. Noon sanay ako na tinatawag niyang cute, ngayon hindi na ako sanay. Isa pa ay marami ng nagbago sa pagitan naming dalawa. “Anong maganda sa gulo-gulong buhok at punit na damit Enrique Gabriel? Huwag mo na akong lokohin. Ayan na ang tulong at asikasuhin mo ang sasakyan mo. Lumayas ka na at huwag ka ng babalik pa. At huwag na huwag mong mabanggit sa mga magulang ko na nakita mo ako, kung hindi isusumpa kita buong buhay ko na sana ay malagas lahat ng ngipin mo at pati ang anit mo.” Bwisit na sabi ko sa kanya pero tumawa siya. “You already cursed me. I miss you so much. I want to see you again.” Aniya kaya napakurap ako. Hindi. Hindi pwede. Ayoko. “Hindi na. Ayoko na magkita pa tayo. Kalimutan mo na ang best friend mo. Wala na siya at iba na ang buhay ko. Umalis ka na at pumunta sa pupuntahan mo. Huwag ka ng bumalik pa dahil wala kang aasahan na kaibigan sa akin.” Matigas na sabi ko sa kanya. Parang matigas ang ulo niya. Napansin kong parang hindi siya tinablan ng salita ko. Oo parang may panghihinayang sa mukha niya pero parang determinado siya. At sa pagtataka ko ay tumango siya maya-maya nang tila ba may maalala siya na kung ano. “Pogi, popormahan mo na lang ba ang muse namin o aayusin natin ang gulong mo? Aba, hindi madaling lumapit d’yan, daraan ka sa kamay naming mga manginginom dito. Mahal namin ang batang ‘yan at walang kahit na sinong pwedeng manakit.” Sabi ni Kuya Estong. Hindi naman iyon tinapunan ni Enriel ng tingin. Sa akin lang siya nakatitig, sa mukha ko. “The people here do love you.” Aniya. “Oo, kaya umalis ka na dahil wala na akong Enriel na kakilala pagkatapos nito.” Mapakla na sabi ko saka ako humakbang papalagpas sa kanya pero sa panagatlo pang pagkakataon ay hinawakan niya ang kamay ko na kaagad kong nabawi. “I’m happy to finally see you again.” Sincere na sabi niya pero bumuntong hininga ako. “Pwes ako, hindi. Huwag mong isipin na galit ako sa’yo. Ayoko na lang ng kahit anong alaaala tungkol sa kabataan ko at kasali ka roon. Wala naman akong dapat na ipaliwanag sa’yo kaya huwag ka na ring magtanong.” Sinulyapan ko ang mukha niya sa huling pagkakataon. Wala na siyang ngiti. Blangko rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Parang hindi niya napaghandaan ang sakit ng mga binitiwan kong salita. Tuluyan ko siyang nilayasan at nakahabol siya ng tingin nang pumasok ako sa bahay. Mabuti na lang at nasa likod bahay si Ken kasama si Aling Susing. Iyon ang ikinakakaba ng dibdib ko, ang magkita silang mag-ama. Hindi ako makapapayag na makihati siya sa anak ko at isinusumpa kong tatalupan ko siya ng buhay kahit minahal ko siya noon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD