Episode 4
EXHAUSTED
Enriel
“Papa,” Halos mapaluha ako nang makita ko si Papa na nakahiga sa hospital bed. Limang taon na rin kaming hindi nagkikita dahil ang huling bisita niya sa America ay noong nakaraang limang taon pa. And now, here I am. I am back to the country that is so close to my heart, back to my family. I might have been such a headache during my younger years but I was so into my family, especially to my parents. Mahal na mahal ko sila kaya hindi ko kahit kailan nagawang tumanggi sa lahat ng gusto nila para sa akin. At simula nang malustay ko ang paunang mana ni Papa sa Casino at nakasama ko pa pati ang kumpanya nang pati ‘yon ay maitaya ko pa sa karera ng kabayo, doon ako nagsisi nang husto.
He never backed me up. He told me to sacrifice for the mistake that I did. Ako ang gumawa ng paraan para maisalba ko ang de la Cueva Industries kahit na alam kong kaya naman ni Papa ‘yon. Humingi ako ng tulong sa Daddy ni Amethyst, and gladly, I already paid the 120 million collateral debt, a debt in exchange for marriage. Mahal ko naman si Amethyst kaya hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok na ‘yon ng ama ng asawa ko. But now I am asking. Did I make the right decision?
Niyakap ko si Papa nang ngumiti siya sa akin. “My big boy is finally here.” He gently patted my back. Parang wala namang nagbago kay Papa sa pisikal na aspeto. He’s still so good looking and burly, parang wala siyang iniindang sakit kahit na meron naman.
“Don’t worry about your old man. I’m still strong. Only that, you have to be more responsible. You don’t have a choice but to be the Chairman of de la Cueva Industries.” Sabi na kaagad niya sa akin. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago si Papa, napakaresponsable pa rin niyang padre de pamilya at basta tungkol sa kabuhayan ng mga anak niya, hindi siya basta-basta susuko talaga.
“Don’t think about it for now, Pa. Please spare yourself from stress.” Sabi ko sa kanya nang bumitaw ako.
I looked at Amethyst. She rolled her eyes and was forced to come over. Sumunod naman siya na yumakap kay Papa.
“Hello, hija. I’m glad to see you. You’re getting younger.” He smiled after gazing at Amethyst’s face.
Ngumisi naman ang asawa ko at parang proud na proud naman sa sarili niya. Maganda naman talaga siya pero sa tuwing umiiral ang masama niyang ugali ay wala akong makitang kagandahan sa kanya. As much possible I don’t want to look at her negative insolences, but she’s acting so badly almost all the time, so how can I even force myself not to see that dark side of her beauty? Pakiramdam ko pa nga ay nagtatago ang buong masamang pagkatao niya sa hitsura niyang walang kasing ganda.
“Thanks, Pa. I miss you. Masyadong babaero ang anak niyo at laging umuuwi nang ala una ng madaling araw. I bet na kaya niyo siyang patinuin or better yet kastiguhin para naman hindi ako ma-stress. A lot of things about him have changed but not himself to become a good husband.” Umikot ang mga mata niya at tumirik pa.
Kaagad akong napalabi. Damn her for telling stupid lies. Parang gusto ko siyang saksakan ng oxygen sa bibig para tumigil ang matabil niyang bunganga. “Please don’t stress Papa, Amethyst. You’re exaggerating things. You know you’re telling lies.” Saway ko sa kanya pero lumayas siya sa may harap ko at paismid-ismid na naupo sa sofa.
“Look who’s talking. Talk your ass out because no matter how many times you try to deny it, Papa knows that it’s true.” She added as if she were a damn critic.
Ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Papa kaya nagkatinginan kami ni Mama.
“Magpahinga ka na, Enrico. Enriel is here, so you must relax yourself. Huwag ka ng makialam sa buhay nilang dalawa dahil malalaki na sila.” Salo ni Mama para maiiwas lang ako dahil sa katabilan ng asawa ko. Mas pa-baby pa nga siya sa sarili kong ama kaysa sa akin. At mas pa-baby pa siya kay Papa kaysa sa sarili niyang ama.
Umiling si Papa at saka nahawakan ang dibdib. Mapapatay ko na talaga si Amethyst. Hindi na siya gumagawa ng tama. Ilang linggo ang lumipas simula nang ayusin ko ang flight namin pero walang nagbago sa relasyon naming dalawa.
“Son, I have an important event to attend. Hindi ko pwedeng-mamiss iyon, anak.” Papa said while lying back on his bed. Hawak niya ang dibdib kaya inalalayan ko siya. Salamat at hindi niya masyadong pinansin ang mga sinabi ng asawa ko.
“Sure Papa, anything.”
“My former employee who’s now a chairman of Baranggay Maligaya invited me to become one of the judges on their upcoming beauty pageant.” Sabi niya kaya tumango naman ako. “Since that I cannot go, I want you to stand on my behalf, in behalf of the contest. Nag-sponsor ako ng thirty-five thousand pesos para sa mananalo at may sobre pa akong iaabot, worth ten thousand, Enriel. At isang dinner date ang premyo naman ng bunso mong kapatid na si Grieco. Kaya lang hindi siya pwede na mag-judge kasi busy siya sa kanyang race school and he has a special event to attend to same that date.”
I nodded again. “As you wish Papa. Walang problema sa akin. Kahit anong ipagawa niyo, willing akong gawin lahat hangga’t hindi pa kayo maayos. If you’ll get better sooner than soon, I’ll give back the position of being the Chairman of de la Cueva Industries, I will act only as a temporary one.”
“No.” He holds my arm and squeezes it. “I want to retire and just enjoy myself. You will no longer fly back to America. Si Hendrick na ang bahala sa negosyong iniwan mo roon. Dito ka na sa akin at ikaw na ang bahala sa kumpanya. I could see how time molded you to become a fine and responsible de la Cueva. Iba ka na sa dating Enrique Gabriel na walang alam kung hindi ang magpasarap sa buhay.” Ngumiti siya at parang nakalimutan na ang idinaldal ni Amethyst tungkol sa akin.
At totoo nga yatang nagbago na ako. Sino bang hindi magbabago kung araw-araw ay hamon sa akin ang sarili kong asawa? Parang hindi ko na nga halos matandaan kung kailan ba ako huling ngumiti o kung alam ko pa bang gawin ang bagay na ‘yon.
“Thanks, Pa. Uuwi muna kami. I’ll be back to see you again and Mama.” Paalam ko sa kanya. “We just dropped by to check you as early as possible.” Paalam ko na kasi wala pa rin akong tulog.
“Yes, son.”
Hinalikan ko muna siya pagkatapos ay si Mama.
“Have some rest. Your Papa is doing okay. Sina Eco naman at Hendrick ang darating mamaya.” Mama smiled as she gazed at me. “You’re still so very good looking my baby boy.”
Ngumiti ako at parang ngayon ko lang naramdaman na maging masaya ulit.
After kissing my Mom goodbye, saka kami ni Amethyst lumabas ng kwarto. Nasa sasakyan naman ang mga maleta kaya wala namang bitbit na nakakailang.
Hinawakan ko siya sa kamay pero binawi niya. I looked at her face, questioning. Para siyang laging tigre kapag naglalambing ako. Parang inilalayo niya ang sarili niya sa akin at hindi ko ‘yon gusto. Napapahiya ako sa sarili ko at kung minsan tuloy ay hindi ko na lang ginagawa na maglambing.
“Pupunta ka sa pageant na ‘yon? Hindi ako papayag.” Mataray na saad niya kaya napabuga ako ng hangin. So, that’s what she’s getting mad all about.
I casually put my hands inside my pant’s pockets and looked straight. “I don’t have the will to defy my father’s intention to help those aspiring candidates of that beauty pageant.” I formally declared but she fumed.
“Well, I have!” She maddeningly insisted.
Kaagad kong nahugot ang kamay ko sa bulsa ng pantalon at hinawakan siya nang mariin sa braso. Hindi ko intensyon na masaktan siya pero kapag ang Papa ang pinag-usapan ay hindi ko mapipigil na huwag masaling si Amethyst. Nakakabwisit na siya.
“And what will you do?” Gigil na tanong ko sa kanya. Parehas kaming napatigil sa paglalakad. I faced her and gritted my teeth.
She tried to free her arm from my grip but I didn’t let go.
“Sasabihin mo kay Papa na hindi? Nakikita mo ba ang sitwasyon ng ama ko? For God’s sake, Amethyst, don’t be such a selfish hypocrite even just for this once! Kung hindi mo mahal ang ama mo, ako, mahal ko ang ama ko. Lahat ng hihilingin niya susundin ko at wala kang magagawa.” Inis na pabalya kong binitiwan ang braso niya. I couldn’t believe that time changed her to become so possessive. Para akong bata na mawawala sa kanya kapag nalingat siya. She wasn’t like this before. Malaya kami sa isa’t isa pero ngayon ewan ko kung bakit wala na akong kalayaan sa kanya. I am giving her all the liberty to decide for herself and do the things that she wants, just for me to have some kindness in return, to be reciprocated with trust and freedom, but none.
“Damn you, Enrique Gabriel! Sasama ako sa pageant na ‘yon at kapag nagkamali ang isang kandidata na landiin ka, magkakagulo sa buong baranggay na’ yon. That’s a cheap pageant! As cheap as the prize! Mga mukhang pera na nasisilaw sa thirty-five thousand pesos. And what? Magkakagalis pa ako roon. And you? Pupunta ka roon? Bagay ka ba sa lugar na ganoon? Look at you! Look at me! There’s no such thing as Baranggay nowadays. That’s so disgusting. Bakit naman tinanggap ni Papa ‘yon?” She sassed.
“Then stay home and stop f*****g me up! Matulog ka na lang at baka sakali na magbuntis ka pa at mabigyan mo ako ng anak.” Simpleng sagot ko na tagos hanggang buto.
Natigilan siya sa pagsunod sa akin. Parang sa huli ay nagsisi rin ako kung bakit ko ‘yon nasabi sa kanya. Damn! That’s so foul. Sana sinaling ko na lang sa ibang paraan at hindi ang patungkol sa kawalan namin ng anak. Pero sumusobra na siya at hindi ko matanggap na mas inuuna pa niya ang selos kaysa sa kalagayan ng Papa ko na Papa na rin naman niya.
Pinabayaan ko siya at least somehow matauhan lang naman siya sa kasamaan ng ugali niya sa akin.
Ipinagbukas ko pa siya ng pinto ng sasakyan nang makalabas kami ng ospital, pero masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. At bago pa man lang siya sumakay sa sasakyan ay buong lakas niya akong sinampal.
I inhaled deep when my jaws tightened. Tumaas baba ang dibdib ko sa pagpipigil na huwag akong gumanti. This is too much!
“Now you said it, finally.” She mocked me. “And I am telling you na kung napapabitaw ka na dahil hindi kita mabigyan ng anak, hindi ka makakawala Enrique Gabriel. You’re mine and no one can take you away from me. Ibaon mo ‘yan sa ulo mo.” Banta niya na parang punong-puno ng galit. Ang mga mata niya ay nagbabaga sa inis.
“Then act like a decent wife and not a b***h. Damn it! Punong-puno na ako at kung pati lahat ng kahilingan ng Papa ko ay sasalungatin mo, mas mabuti pang umuwi ka na sa ama mo at maghiwalay na tayo. At least for just a single moment of your life, you’ll learn how to love your parent so you’ll be able to figure out how I feel.” Bwisit na nilayasan ko siya at saka ako umikot sa kabilang side ng sasakyan. Wala akong pakialam kung sumakay siya hindi. Pikon na pikon na ako. Kung hindi lang ako nag-iisip na manindigan at maisalba pa ang meron kami, baka ako na mismo ang mag-file ng annulment kay Amethyst.
Hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang bagay na ‘yon dahil sa mga magulang ko. They won’t agree to it. They believe in the stupid saying na ang pinagbuklod ng Diyos ay hindi kayang paghiwalayin ng tao. Mabuti naman sila, masaya, ako? Ano ako?
I don’t question that church’s saying, but the reality helps me think of the logic and the reverse belief of that quotation. Hindi rin naman kasi tama na magpanggap na may pagmamahal pa at nag-uumapaw kung talagang wala na naman at prinsipyo na lang at sumpaan ang nagtatali sa dalawang mag-asawa. Masaya ang mga mag-asawang nagkakasundo pero paano ang katulad namin na parang aso at pusa palagi? I was against about that divorce, annulment or legal separation, but I also remembered that it was clearly stated in the Bible that if a man falls out of love on his woman, he must send her a letter cutting off whatever it is that binds them. Ibig sabihin ay pwede rin na maghiwalay na kung talagang wala ng pag-asa basta dapat ay may legalidad, kaysa sa matukso pa ang isang tao na mangaliwa o kaya ay maghanap ng kaligayahan at pagmamahal sa iba. Mas mortal pa yatang kasalanan iyon kaysa sa mag-file ng annulment o diborsyo.
Shit Enrique Gabriel. Mura ko sa sarili. Sumasakit na naman ang sentido ko sa sobrang inis. Huminga ako nang malalim para humugot ng pasensya. Tahimik na sumakay si Amethyst sa sasakyan pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Nakanguso na humalukipkip siya at diretso ang tingin.
We’re like two very different people that collided. Kung hindi lang ako malamang pinalaki ng mga magulang ko na kahit paano ay may respeto sa babae, baka araw-araw siyang may black-eye sa akin.
Paandarin ko na sana ang sasakyan pero kaagad akong napatingin sa cellphone na umiilaw sa phone holder. Si Grieco, my youngest sibling. Ano kayang kailangan ng walanghiya? Kadarating ko pa lang magyayaya na naman yata ng inuman kaagad kahit na nasa ospital si Papa.
I pressed the Bluetooth device on my ear and answered the call. “Ano?”
Tumawa siya sa kabilang linya. “Ang seryoso mo, bro. Bakit? Kinakalmot ka na naman ng walang hiya mong asawa? That would be nice kung kamot habang sumasarap dahil sumasagad ka, kaya lang kalmot naman ‘yan ng bangayan. Umbagan mo na kaya.” He laughed.
“Gago ka. Anong kailangan mo?”
“Puntahan mo ako sa condo ko. May sasabihin ako sa’yo. Balak ni Papa na ikaw ang maging judge sa pageant, kuya at gusto kong iuwi ang babaeng mananalo. Bahala ka ng pumili ha. ‘yong masikip sikip naman para masarap.” Sabay halakahak niya.
Tang-ina. Wala pa ring ipinagbago ang hayop. Babaero pa rin ang bunso kong kapatid at siya ang pinaka sa aming tatlo. Hindi naman ako babaero pero noon ay tumitikim din ako ng iba’t ibang babae. Si Hendrick ganoon din, pero si Grieco, talagang parang sinisilihan ang pwet kung makapag-palit ng babae.
“Bahala ka sa buhay mo. Ulol ka.” Binabaan ko siya ng tawag at si Amethyst ang sinulyapan ko.
Nakatingin siya sa akin at masama ang tabas ng mukha niya. “Sino ‘yon? Kapatid mong sira ulo? Ano, tinuturuan kang mambabae? Subukan mo, ewan ko kung anong abutin mo.”
Hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siyang magsawa sa pag-iisip ng hindi maganda. I just hardly pray for the day not to come that I’ll be tempted to do what she’s always been incriminating me. Palaging laman ng bibig niya ng pambababae ko kahit wala naman. Kung matukso akong gawin, bahala siya sa buhay niya.
Pero hindi pa ako baliw para ilagay sa alanganin ang buhay ng magiging babae ko. Alam ko kung gaano kapilya si Amethyst kaya sosolohin ko na lang ang problema at hindi na ako magdadagdag p