Episode 6
CONNECTION
Kendra
Sapo ko ang sariling dibdib nang sumandal ako sa pintuan matapos ko iyong maisara. Tatlong baklita ang nakatunganga sa akin at ang lalaki ng ngisi nila.
“Anong nginingisi niyo?” Pinormal ko ang sarili ko kahit na kumakabog ang puso ko nang husto.
“May fafah kang pogi. Bakit ka niyakap?” parang namumuso ang mga mata ni Fe na tanong sa akin. Parang nakalimutan niya ang ipinagpuputok ng mga lawit nila kanina.
Wala sa loob na napasilip ako sa butas ng bintana at kaagad na napaatras nang makita ko na nakatingin sa bahay si Enriel. Nakakbwisit talaga siya. Ano pa bang tinitingin-tingin niya na parang sumisigaw ang mga amta na miss na miss ako?
“Ay sus! Pasilip-silip.” Tukso ni Lorna sa akin. Nakisilip din sila sa bintana.
“Sino ba siya at bakit parang papaitan ang mukha mo? Sobrang pogi naman at mukhang big time.” Sabi naman ni Aida.
“Siya ang ama ni Ken.” Maikling sagot ko.
Sabay-sabay silang napanganga at tumingin sa akin. Huwag silang magkakamaling insultuhin ako at talagang gagawin kong BBQ ang mga lawit nila. Alam kong hindi kapani-paniwala dahil sa layo ng hitsura naming dalawa ni Enriel pero iyon ang totoo. Saka, malamang talagang bunga lang ng pagkakamali dahil lasing naman siya noon at ako naman ay sobrang inosente. But I never considered it as my mistake. Malamang na para sa kanya ay oo, pero para sa akin ay hindi. Una dahil iyon ang tamang pagkakataon na talagang ipakita ko na mahal ko siya, at pangalawa ay dahil may nabuo na bata. Noong kasamaan ng loob ko ay nagsisi ako pero hindi na nang matutunan kong tanggapin na hindi niya ako mamahalin kahit na kailan at dahil mahal ko ang anak ko at ayaw kong isama sa pagsisisi si Ken.
Ngayon talagang masasabi ko na kamukha niya si Ken. Walang ipinagbago si Enrique Gabriel, pero bakit tingin ko ay malaki? Ibang-iba siya sa lahat ng aspeto o baka nahubog na siya ng panahon. Matanda na siya at malamang na seryoso na sa buhay kaya pati pananamit niya ay pormal.
Napakaswerte ni Amethyst sa kanya.
“’Di ka nagbibiro?” Tanong ni Fe at isang iling ang isinagot ko.
“Hindi naman kami nagtataka. Maganda ka at mabait, kaya lang minsan ay luka-luka. Hindi naman malayo na talagang nagkagusto siya sa’yo.”
“Hindi siya nagkagusto sa’kin. Magkaibigan lang kami, ako lang. Ako ang takbuhan kapag nasasaktan. May asawa na ‘yan.” Sagot ko saka ako naglakad papunta sa kusina ng bahay.
“Ang saklap pala. Baka kunin si Kenny boy natin.” Ani Aida.
“Hah! Magkakamatayan!” Mabilis na sagot ko.
Hindi ako papayag. Papatayin ko sila kapag anak ko ang kinuha nila. May anak na naman siya sa asawa niya, ‘yon na lang ang mahalin niya. Call me selfish but I really am. Wala akong yaman, wala akong hacienda, wala akong magandang trabaho at si Ken lang ang meron ako. Hindi ako papayag na ang kaisa-isang yaman ko ay mawala pa sa akin. Ang pamilya ni Enriel, nasa kanila na ang lahat kaya hindi na dapat pa nilang ambisyunin ang kung ano ang akin na lang.
Parang naluluha ako nang masilip ko si Ken na nagdo-drawing sa center table ni Aling Susi. Maipanalo ko lang talaga ang contest ay ipapasok ko siya sa art tutorial. Naaawa ako sa anak ko pero wala akong magagawa dahil mahirap lang ang Mama niya.
“O, bakit ‘di mo lapitan?” Tanong ni Aling Susi nang sumulpot siya sa may tagiliran ko. Nakasilip lang kasi ako sa may pintuan at hindi naman ako nakikita ng anak ko.
“Aling Susi, hindi kaya maghinanakit sa akin ang baby ko kapag nalaman niya ang tungkol sa Papa niya, tapos ay malaman niya na mayaman at lahat ay kayang ibigay sa kanya na walang kahirap-hirap? Baka sabihin niya ay ipinagkait ko sa kanya ang magandang buhay.” Tuluyan akong napaluha.
Walang kaalam-alam ang anak ko na nasa kalsada lang sa tapat ng bahay ang ama niya. Parang ang sama ko tuloy na ina. Pero masisisi ba ako ni Ken?
“Bakit mo biglang naitanong ‘yan? Bakit bigla? Hindi mo ‘yan iniisip ah at sa pagkakatanda ko ay dalawang taon pa si Ken nang huli mong itanong sa akin ‘yan.” Pinagmamasdan ako ni Aling Susi pero patuloy ako sa pagluha kaya pinunasan ako ng matanda.
“Nand’yan na ‘yong Papa niya, Aling Susi.” Napahikbi ako.
Namilog ang bibig niya at saka natakpan ng kipkip na mga damit na kinuha sa sampayan. “S-Saan? Umuwi na? P-Paano mo naman nalaman?”
“Kung anong swerte nga naman kapag minamalas. Ang isang kahilingan ko lang ay ‘wag na ‘wag magkrus ang landas namin pero bakit ganito? Sinabugan siya ng gulong sa tapat mismo natin Aling Susi. Natatakot ako na baka makita niya si Ken.” Napakamot ako sa ulo.
“Diyos ko. Baka kunin niya ang apo ko. Naku, ipaba-baranggay natin siya. Huwag kang matakot. Asikasuhin mo na ang sarili mo at babantayan ko si Ken. Hindi ko s’ya palalabasin. Ipanalo mo para masunod mo ang gusto ng anak mo.” Niyakap niya ako.
Ayoko na ganito akong isang mahinang babae. Matatag ako pero talagang may minsan ay umiiyak ako kapag nalilito at hindi na alam ang dapat kong gawin. Sana hindi pa rin ako pabayaan ng Diyos dahil alam naman Niya ang lahat ng hirap ko sa anak na ibinigay Niya sa akin.
“Hoy Kendra!” Namumutlang paypay sa akin ni Loida kaya mabilis kong inayos ang sarili ko.
“Ano?” Inis na tanong ko. Parang tinatamad na tuloy akong sumali sa pageant na ‘yon.
“Nandyan si Fafah fogi, kumakatok sa pinto.” Natataranta ang bakla na parang kinikilig kahit na parang hindi malaman kung anong gagawin.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Ang tigas talaga ng apog ng hudas na si Enriel. Sasapakin ko na talaga siya. Hindi naman kami pwedeng lumayas ng anak ko. Hindi ko kayang iwan ang Maligaya. Ayoko ng panibagong pakikisama dahil mahirap maghanap ng totoong pamilya at totoong tao. Karamihan sa ngayon ay plastik at mga goma, elastic sila. Kapag hinila mo rito ay dito sasama at kapag hinila sa kabika ay doon na naman. Ayoko ng ganoon. Gusto ko rito sa Maligaya dahil narito ang mga pamilyang hindi sa akin tumuturing na iba.
Tinapangan ko ang mukha ko. “Aling Susi, ‘yong anak ko po.” Bilin ko rito.
“Oo, isasara ko ang pintuan.” Mabilis itong pumasok at ako naman ay naglakad papunta sa kusina ng barong-barong ko.
“Ayeee, Diyos ko Kendra ganda, baka bubuntisin ka ulit.” Susunod-sunod si Loida na parang kangaroo sa likuran ko.
“Ano ako, hilo?” sagot ko sa kanya.
Diretso ako sa pintuan at kaagad na binuksan ‘yon nang padabog. “Ano na naman?!” Ihinarang ko ang dalawa kong braso sa hamba para hindi makapasok si Enriel kung sakaling tangkain man ng halimaw na pumasok.
Diyos ko. Nakatayo siya sa harap ko. Parang maamong tupa ang mukha niya at para siyang…nagpapa-cute. Pwes! Hindi siya cute! Lintik siya!
“Can I have a liter of water please, for my car?” Ang lambing ng hudas.
Itinaas niya ang isang plastic container pero ang mga mata niya ay hindi maialis sa mukha ko.
“Hindi. Wala akong tubig, putol.” Dahilan ko.
Sabay-sabay na napahagikhik ang mga bakla sa likuran ko at gusto ko silang pag-umpugin na tatlo.
Parang napabuntong hininga si Enriel pero hindi ko ‘yon pinansin. “KC…” Pinutol niya ang sasabihin niya kaya sinalo ko naman kaagad.
“Kendra.” Mariin na sagot ko na parang ikinatigas ng mukha niya.
“Whatever you say, you’re still my Kendra Christina.” May kariinan din na sagot niya. Anong his? Sapakin ko kaya siya para matauhan siya na hindi ako naging kanya at kahit na kailan ay hindi ako magiging kanya pa.
“Naririnig mo ba ang sarili mo?!” Galit na tanong ko. “Yours? Gisingin mo ‘yang sarili mo kasi baka binabangungot ka, may asawa ka na Enrique Gabriel at anong karapatan mong angkinin ako na iyo? Hindi na ako ang maliit na Kendra na palaging nakaagapay sa’ yo noong mga panahon na pasaway ka sa Hacienda niyo. Marami ng nagbago at kasama ako ro’n. As what you’ve said, time turned me into a beautiful woman —” natigilan ako. Mali ‘yon. Kaagad niyang sinalo kahit hindi pa ako tapos.
“Indeed.” Naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ko kaya para akong natusta kasi nakangiti pa siya. Nanginig ang kalamnan ko, hindi ko malaman ang dahilan kung dahil sa inis ba o kung ano.
Nagtitili ang mga baklita sa likuran ko. Dinaig nila ang cheering squad. Ang galing! Mamaya mapo-pomp’yang ko sila.
“Kasama sa pagbabago na ‘yon ang buong pagkatao ko. May sarili akong dahilan.” Sabi ko na lang para hindi na ako gaanong naapektuhan sa compliment niya. “Gusto ko na mamuhay na mag-isa at kalimutan ang lahat ng nangyari, lahat.” Pagdidiin ko. Tumingin ako sa mga mata niya.
Lahat lalo na ang nangyari sa ating dalawa noon. Walang hiya ka, pinunit mo na, isinagad mo pa tapos nilayasan mo ako? Nakikipagtalik ka kay Amethyst? Gago ka!
“Namely?” Ngumisi siya.
Ah bwisit! Marahas akong napakamot sa ulo ko. Ang kulit ng lalaking ito talaga. Anong namely? Iisa-isahin ko pa? Gusto niya na sabihin ko na kasama pati iyong gabi na isinuko ko ang aking perlas ng silanganan?
Diyos ko. Parang nahilo ako nang maalala ‘yon. Hindi pala madaling makiharap sa lalaking minsan akong nagpatikim. Tikim ba ‘yong ginawa niya sa akin? Hindi ‘yon tikim, kain ‘yon. Lintik! Kahit lasing siya, kung humabas ang bibig niya sa kabuuan ng katawan ko ay parang hindi na siya sisikatan ng araw. At noon ko rin nalaman na kinakain pala ang kwan… aruy! Diyos ko! Hindi! Hindi ko pwedeng maalala ‘yon.
Kumurap ako nang makita ko ang ngisi ni Enriel. Ibang ngisi ‘yon. Diyos ko! Bakit niya ako nginingisihan?
“You’re red.” Aniya saka mas lalong lumaki ang ngisi niya at lumabas pa ang ngipin.
Para makaiwas ay inagaw ko ang bote na hawak niya. “Bibigyan kita ng tubig at umalis ka na. Maawa ka naman at bigyan mo ako ng katahimikan, Enrique Gabriel. Umuwi ka na sa asawa mo, pagkatapos!” Kusot ang mukha na umalis ako sa harap niya.
Kung tubig ang kailangan niya, di sige! Nawiwindang ang buong sistema ko at natatakot ako na baka sumulpot bigla si Ken. Hindi ko maitatago ang bata. Kamukhang-kamukha ng mga de la Cueva ang anak ko. Parang kamukha ni Grieco noong seven years old din kami. Ang bunso kasing kapatid ni Enriel ang kaedad ko, pero napakababaero naman ng walanghiyang ‘yon. Eleven pa lang kami ay ilang beses kong nahuli na nanghahalik ng babae kaya naman palagi na lang ipinatatawag si Don Enrico sa eskwelahan. Kaya inalis ‘yon sa public elementary school at dinala rito sa Maynila. Kung hindi malamang umalis si Grieco, baka kami ng lalaking ‘yon ang talagang mag-best friend.
Umaapaw na pala ang tubig sa container ay nakatanga pa rin ako. Nagmamadali kong isinara ang gripo at pumihit ako pabalik. Natigilan ako dahil nasa loob na ang halimaw at nakatingin sa mga drawing ng anak ko na nakasabit sa dingding.
Kinabog nang husto ang dibdib ko at dumoble ang takot, pero kinalma ko ang sarili ko.
Hindi niya pwedeng mahalata na may itinatago ako sa kanya. “Tubig mo.” Sabi ko at saka iniabot sa kanya ang lalagyan.
Tumingin muna siya sa akin bago niya kinuha. Parang hindi naman siya nakahahalata na may bata rito. Pwede ko naman kasing sabihin na anak ng dating nangungupahan ang may gawa ng mga ‘yon.
“Thank you.” Aniya.
Tumango ako at nameywang. “Umalis ka na Enrique Gabriel, may pupuntahan pa kami.”
“Saan?” Kulit pa niya.
Napaawang ang bibig ko. Lahat na lang ba aalamin niya? Kulay ng panty ko itatanong niya rin ba?
“I can drive for you.”
“Ah hindi.” Umiling ako. “Hindi ka naman mukhang driver. Saka baka hinahanap ka na ng asawa mo. Umuwi ka na.” Pagtataboy ko sa kanya. Kulang na lang ay itulak ko siya palalabas ng pintuan.
Pinagpapawisan na rin kasi siya at halos umabot din ang ulo niya sa bubong ng bahay. Maliit kasi ang bahay at mababa, mas moderno lang ng kaunti kaysa sa kubo dahil pader ang dingding, pero hindi finished ang labas.
“May asawa ka na ba?” Tanong niya saka tiningnan ang kamay ko. Mapapanganga sana ako pero kumamot ako sa batok.
“Oo… marami. May Arabo, may Amerikano, may Bristish, kung anong meron, ‘yon ang pwede. Asawa ko silang lahat.” Sabi ko.
Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil dumilim ang mukha niya. “Are you working as a stripper?” nagsalubong ang mga kilay niya pero hindi ako natinag.
Kung iyon ang makapagpapalayas sa kanya, handa kong sabihin ang lahat. Kahit pa nga sabihin ko na ako ang pumatay kay Lapu-Lapu ay gagawin ko, basta lumayas lang siya.
“Oo, may sakit ako, HIV. Kaya umalis ka na dahil nakakadiri ako. Alis na.” Taboy ko pa sa kanya pero parang pinag-aaralan pa niya ako. Saka niya inilibot ang mga mata sa paligid at napatutok sa ihawan ko.
Ngumiti siya. “Little liar. You will never be a stripper. Kahit sabihin mo na nagbago ka, kilala kita.”
Ay ewan ko na. Nakakainis. “Pwes, bahala ka sa buhay mo. Darating na ang boyfriend kong Bombay, baka mag-away kami kaya umalis ka na. siya ang boyfriend ko ngayon kasi ay nangungutang ako sa kanya ng puhunan, may kasamang arinola at may libreng ihi pa, bra at panty at payong at may condom pa.” Hindi ko na alam kung paano ko pa siya paalisin.
Diyos ko Lord, makunat pa siya sa dalawang daang taunin na linta. Bakit ba ayaw niyang umalis? Hindi ako komportable sa kanya lalo na sa presence niya. Nakakailang at nakakatakot. Habang nagtatagal siya ay baka lalong lumaki ang chance na magkita sila ng anak ko.
Naging determinado ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “One more thing before I leave.” Sabi niya. “I promise not to bother you anymore.”
“Ano na naman?!” Inis na piksi ko sabay kamot sa ulo ko.
“Hug me and let me kiss you on your forehead.” Aniya.
“Ano?!” Nanlalaki ang singkit kong mga mata. At kung ako ay gulat ay parang maiihi naman sa kilig ang tatlong bakla na nasa may divider na at nakasilip ang mga ulo sa may gilid.
“If you won’t abide, I’ll stay for a while.” Ngumiti si Enriel at saka naupo sa bamboo set.
Lintik naman. Parang mahihiya ang set ko sa kagwapuhan niya. Para siyang artista na hindi ko maintindihan. Kung gwapo na siya noon, pihado at walang duda na mas higit pa ngayon. Ang bango-bango niya, at ang linis-linis lalong tingnan.
Naupo siya at prenteng inilagay ang mga braso sa sandalan. Dinaig niya ang hari sa tibay ng aura niya.
Makailan akong napakurap. Hindi ko gustong gawin pero mukhang determinado si Enriel na manindigan na hindi aalis kapag hindi ako sumunod. Pero hindi ako kumilos kaagad. Nag-iisip ako. Ayoko kasi. Ayokong mapadikit sa kanya. At kahit na sabihing pagtakpan ko ang lahat ng kasalanan niya at pananakit, hindi ko pwedeng pagtakpan ang katotohanan na naging magkaibigan talaga kami.
“Please Kendra, isa lang. Give me peace.” Pakiusap niya. Parang nalungkot ang mga mata niya.
“Basta tuparin mo ang sinabi mong aalis ka na. Ipababaranggay kita kapag hindi.” Duro ko sa kanya.
“With all my heart.” Sumpa niya.
All your heart ng mukha mo, letse ka!
“Papagawan ko ng kasulatan sa legal counsel ko.” Nag-ekis siya sa dibdib niya.
Tinanguan niya ako para lumapit na pero parang nakapako ako sa kinatatayuan ko. At nang maisip ko si Ken ay kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit. Ano bang gusto niyang yakap ay ang bantot ko nga kasi? Nakakabwisit na talaga.
Yumukod lang ako kasi nakabukaka siya. Ayoko ngang mapadikit sa k’wan niya. Sa huli kong pagkakatanda ay sobrang laki ng alaga niya at nanunuklaw pa, tumitibok-t***k sa kamay ko at sa loob… Ay sus! Ano na Kendra? Sarili ko na ang gusto kong sapakin. Sa kabila ng galit ko at hinanakit ay parang hindi ko pa rin talaga makalimutan ang gabi na ‘yon.
“Huwag kang hihinga! Hindi ako mabango.” Banta ko sa kanya sabay duro pero tumawa na siya.
“Okay, I won’t.”
Yumukod pa ako nang kaunti at saka isinampay ang baba ko sa balikat niya. Kaunti lang din ang yakap ng braso ko sa may batok niya at ang layo ng pwetan ko sa katawan niya. Sa maikling salita ay nakatuwad ako para makaiwas pero kung anong iwas ko naman ay bigla niya akong papayakap na kinabig kaya napatili pa ako at napaupo sa kandungan niya.
“I miss you so much.” Gigil na sambit niya at halos durugin niya ako. Ramdam ko ‘yon dahil parang nahirapan akong huminga.
“Enrique Gabriel,” Saway ko at pilit na kumakalas pero talagang parang mga bakal ang braso niya na ayaw matanggal. Ipinulupot niya sa may baywang ko at talagang ini-lock pa niya. Saka niya ako hinalikan sa may tainga.
Diyos ko! Dinaig ko ang binuhusan ng isang balde ng yelo sa pagkatuod nang mangaligkig ako. Bakit ganito siyang umakto? Parang walang nagbago kahit na ilang taon na ang lumipas.
Hindi ako gumagalaw, nakadikit lang ang nguso niya sa may tainga ko o mas tamang sabihin na mukha niya ang nakasiksik doon.
“Thanks for granting it. Keep my word but never hesitate to come to me whenever you need me. Like those times when I badly needed you, I want to do the same even if it’s too late. Find me at de la Cueva Industries and never hold back, anytime KC.” Bulong niya.
Parang gusto kong umiyak at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa pagdagdag ng inis ko na bakit ngayon niya ito sinasabi? Noon ko ito kailangan pero umalis siya at iniwan ako para mag-asawa. Nasaan ang kapal ng mukha ko na lumapit pa sa kanya ay may-ba na siyang priorities ngayon at hindi ako kabilang doon.
Hinalikan niya ang pisngi ko nang sobrang diin bago niya ako nginitian at tinitigan sa mata.
Kaagad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Si Enrique Gabriel pa nga rin talaga siya. Wala siyang pakialam kung hindi ako naligo o kung ano, basta na lang siya nangyayakap at nang-aakbay.
“Kalimutan mo na nagkita tayo.” Huling pakiusap ko sa kanya at tumango naman siya. He stood up and picked up his bottle.
“But never forget what I said.” He playfully chucks my chin using his knuckles.
Tumalikod siya at naglakad papalabas ng bahay. Tumigil pa siya sa pintuan kaya nahigit ko ang paghinga ko. Baka kasi bumalik pa. Lumingon lang siya at malungkot na ngumiti, saka matikas na naglakad papalayo.
Noon lang ako nakahinga pero abot-abot pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Ayokong magsalita ng tapos, pero hinding-hindi ako lalapit sa kanya. Ibebenta ko na lang ang dangal ko na minsang sinira niya kaysa sa magkautang na loob pa ako sa kanya at sa huli kapag nalaman niya ay gawin niyang pambayad utang ang anak ko.