Episode 3
SELFISH LOVE
Enriel
I stopped from packing my things and sat on the bed. Naitukod ko ang mga palad sa sarili kong noo. The moment has finally come for me to face everything. Kung seryoso ako rito sa America sa iilang business ng pamilya, not when I get back home. Nasa Maynila ang pinakapusod ng negosyo. Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko. I need a break. God, I badly need one and escape from my miserable life, from my wife, from the hectic schedules, from stress, from stupid clients and everything, but how? Ako na ang uupo na bagong Chairman ng kumpanya ng mga de la Cueva, and being the eldest, here it comes now. Pwede kayang mamatay na ako para matahimik na ako at mawalan nan g problema? Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng takbo ng buhay ko. bunga pa rin yata ito ng ginawa kong kasalanan sa mga magulang ko at sa babang palaging nakaagapay sa akin pero tinalikuran ko lang na parang isang lumang basahan.
Nagulantang ang mundo ko nang tumawag sa akin si Mama at umiiyak, my father is in the intensive care unit of the hospital, due to a heart failure. Para akong dinagukan hindi lang sampung ulit. Parang biglang bumigat ang responsibilidad na nakaatang sa mga balikat ko, ang bigat ng nararamdaman ko. Noon, kamuntik kong maibagsak ang kumpanya dahil sa kagaguhan ko. Kaya nga hindi naipagkatiwala sa akin ni Papa ang buong negosyo at pinahawak lang ako ng ilan dito sa ibang bansa. Kaya nakasal ako kay Amethyst kahit na pakiramdam ko ay may parte na sa puso ko ang nauukupa ni KC, Kendra Christina.
Kaya lang pilit kong pinatay para sa kapakanan ng pamilya ko at sa pagsalba sa pagkalugi ng negosyo na ako naman ang may kasalanan. Pati buhay ko ay nasaklawan ng mga magulang ko dahil sa pagkakamaling ‘yon, at parang naging tagatubos ako ng yaman na kamuntik ko ng mawala. Iniwasan ko si Kendra kahit na parang gusto kong lapitan, hindi ko siya tinitingnan kahit na parang hinihila niya ang mga mata ko, pinilit na huwag kausapin tungkol sa isang gabi na hindi ko makakalimutan sa tanan ng buhay ko, when she surrendered her body and soul to me, to an asshole like me.
Isang tanong lang ang nagawa ko bago ako sumunod sa mga magulang ko at sa ama ni Amethyst na pakasalan ang asawa ko ngayon, kung nabuntis ko ba ang best friend ko na nakikikala ko lang kapag may problema ako.
Pero ang sagot ni KC, hindi. Wala raw nabuo noong dalawang beses sa isang gabi na ‘yon.
That’s the sign that I was waiting, doon na ako nagdesisyon na pakasalan ang ex girlfriend ko. Kaya ko naman gawin ang obligasyon ko kung nabuntis ko si KC, pero mas pinili ko na ang obligasyon ko bilang panganay na anak, bilang responsableng anak na naglustay ng pera at nagpahamak sa kumpanya para lang sa kapritso ko nang mlulong ako sa Casino at nagging libangan ko ‘yon sa Manila. Kaya naman ng mga magulang ko na tubusin ang halaga na nawala ko kaya lang ay tinuruan nila ako ng leksyon kung paano ako tatayo sa sarili kong mga paa para matuto ako sa pagkakamali na ako rin naman ang pumili.
At sa paglipas ng panahon, hinahanap ko sa puso ko ang espesyal na lugar para sa kanya, hindi ko alam kung nandito pa. Pero sa tuwing may mabigat akong pinagdaraanan, palagi ko siyang naaalala. She’s been my crying shoulder when I was feeling so down. Siya ang naging taga-salo ng lahat ng sama ng loob ko kapag basta ako tinatalikuran ni Amethyst para sa mga barkada niya at kapag pakiramdam ko ay hindi ako mahal.
Taon na ang lumipas na wala na akong mapaghingahan ng lahat ng pagod at hinanakit ko sa mundo. My wife has finally become a stranger to me, a headache and not a companion. Pero sa pagkaalam ko ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko at hindi si KC o sino mang babae. I learned how to like that girl but that ended there.
Hanggang doon na nga lang ba? Hanggang doon ba kung palaging sumasagi pa rin siya sa isip ko kahit na wala na akong balita sa kanya dahil mukhang tinotoo niya ang banta na kakalimutan na ako?
I sighed. God, what was it? Kung saan-saan na napunta ang takbo ng isip ko. parang naguguluhan ako.
Papaangat pa lang ako ng mukha pero nakatayo na si Amethyst sa may pintuan, may bitbit siyang dalawang pilato kaya nangunot ang noo ko.
“Okay, start packing my things and I’ll pay both of you.” Utos niya sa dalawang babae habang nakataas ang mga kilay at magka-krus ang nga braso sa dibdib.
Why the heck does she have to pay these people for a simple task that she can do all by herself?
Tumalikod siya at umiling na lang ako, saka tumayo. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi ng isang dalagita babang nakatingin sa akin.
I smiled at her and she immediately evaded my eyes. Bakit ba parang bentahe pa ako sa mga teenagers? I’m thirty and Amethyst is thirty-five, only that she still looks so young because of her anti-aging creams or what those f***s are. Regular siya sa isang derma clinic ni Dr. Cawayan at hindi ko naman siya pinakikialaman. She has her freedom to do all the things that she wants to do, but he’s doing the inverse of it when it comes to me, gwardiyado niya ako at ayaw akong papupuntahin sa mga special events, even business gatherings. Napakaselosa niya at kung pwede lang na paghinga ko ay bilangin niya baka ginawa na niya.
“Ang gwapo pala talaga niya lalo sa malapitan.” Bulong ng isa sa mga babae kaya nabitin ang kamay ko sa tangkang pagdampot sa mga nakahanger na damit sa loob ng aparador.
I smiled. So, do I still carry that charm somehow? Akala ko ay ang tanda ko na dahil sa stress.
“Gaga, stop it. Baka marinig ka ng asawa niyan, sabunutan ka rin at ihulog sa pool, katulad no’ng ginawa ro’n sa janitress na pinagselosan.” Pasimpleng singhal naman ng isa. “Mamaya ay sa balkon ka pa ihulog, eh di patay ka. We’re here to study and not to give Mama a headache. Saka ang bata mo pa, kirengkeng ka na.”
Lalo akong napangisi kahit na parang sinuntok ako sa panga. Isang malaking suntok ang mga salitang ‘yon na kilala pala ang asawa ko sa paggawa ng mga masamang bagay. I wanted to build a wholesome image for my wife, but I don’t have the willpower to do so. Amethyst has her own mind and proper way of thinking what’s better or what’s worse, nagkakataon lang na napapasama dahil sa biglang bugso ng damdamin lalo kapag tinatamaan ng selos. Ang janitress ng condo na sinasabi ng dalawang dalagita ay ang palaging bumabati sa akin at ngumingiti. Gago ako kung sasabihin kong hindi ko napapansin na may paghanga ‘yon sa akin, kaya lang hindi ko binibigyan ng malisya dahil may asawa na naman akong tao.
Kaya lang nang minsan na batiin ako at ngitian ay kasama ko si Amethyst. Pinaalis lang niya ako at sa pagbalik ko ay sinasabunutan na niya ang babae at walang pag-aalinlangan na itinulak sa swimming pool na pitong talampakan ang lalim.
Wearing my business suit, I was damn forced to jump to save the Filipina girl. Lunod malamang ang babae kung hindi ako bumalik dahil hindi pala marunong na lumangoy.
Sa galit ko ay kamuntik ko ng mapagbuhatan ng kamay si Amethyst pero pinigil ko pa rin. That had leaded us into some serious trouble. Nalagay sa alanganin ang buong condominium na pinaghirapan kong maipundar dahil sa kanya. Ang kauna-unahang negosyo na bunga ng pagod ko at puyat na galing sa sarili kong pera at katinuan.
“Ladies,” tawag ko sa dalawang babae na sabay na napalingon. “Better keep quiet, she might hear you talking and I don’t want to light up her wick, because she might explode.” I managed to say with a smile.
Lalong namula ang isa sa mga dalagita pero sabay naman na tumango.
“We know, Mr. Dela Cueva.” Sagot ng isa na mukhang mas matanda sa dalawa.
I nod at them. Parang hindi na matanggal ang tingin sa akin ng isa hanggang sa sikuhin ‘yon ng kasama at pinandilatan ng mga mata.
Maya-maya ay narinig ko ng lumalagatak ang sapatos ng asawa ko sa sahig.
“My make-up first and all my beauty products. I want a separate bag for those. Get it. It’s inside the closet.” Tumayo siya sa may pintuan at mataray na pumosing. She looked at me with those firing eyeballs.
“How’s Papa?” She asked, walking toward me.
“Didn’t you call Mama?” Balik tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin nang yumakap ang isa niyang braso sa baywang ko at sininghot ang balikat ko.
“Ikaw naman ang kausap, bakit tatawag ako?” Sagot niya na parang balewala lang sa kanya ang nangyari sa ama ko. Pero ano nga ba naman ang hahanapin ko sa kanya ay ganoon naman siya talaga?
Limang taon na kaming kasal bago ko napansin na parang mas maraming beses pa niyang kinakamusta ang mga kaibigan niya kaysa sa sarili niyang mga magulang na nasa Pilipinas. Malayo ang loob niya sa Daddy niya simula nang nag-asawa si Daddy Xavier. Parang kaaway ang trato ni Amethyst sa madrasta niya kaya pati ama ay nadamay sa pagiging ignorante niya. Pero inintindi ko kasi bilang nag-iisang anak siya, alam kong nagseselos siya sa stepmother niyang halos kasing edad lang niya.
“Mama told me that she’d call if something happens. Wala pa naman akong natatanggap kaya mukhang maayos na siguro si Papa.” Sabi ko saka inilagay ang mga damit sa maleta.
Pahaplos-haplos siya sa akin na mukhang naglalambing. Parang nato-trauma na tuloy ako na baka paglipas ng ilang minuto lang ay mas malala na namang pang-aaway ang maging kapalit ng haplos niya.
“Bakit pa tayo uuwi? Makikita ko lang si Erika bruha.” Umirap siya at inirolyo ang mga mata. Bumitaw siya sa akin at mataray na humalukipkip.
“God, Amethyst, hanggang ngayon ba ay issue pa rin sa’yo ang stepmother mo?” I shook my head and grabbed another set of my clothes.
“Oo at hanggang hindi siya namamatay ay issue siya. Sana mamatay na siya!” Tumaas kaagad ang boses niya.
Napaawang ang bibig ko at tumingin sa kanya. “Jesus Christ, how could you even say that? She’s extending her arms to reach you but you keep on pushing her away together with your Dad.”
“Sige!” Galit na sigaw niya kaya napapikit ako nang mariin. Kumirot ang sentido ko at baka masampal ko siya kapag hindi ako nakapagpigil. Wala pa akong tulog dahil sa Papa ko pero heto at mukhang ako na naman ang kaaway ng asawa ko.
What a happy life?
“Kampihan mo pa ang babaeng ‘yon. Ihuhulog ko ‘yon sa kanal kapag tumingin-tingin sa’yo.” Banta niya.
“Will you damn stop it? You’re acting so pathetic. Wala bang karapatan ang tao na tumingin sa akin?” I feel so exhausted. Naitukod ko na lang ang braso ko sa hamba ng kabinet sa pagtitimpi. Umiwas ako ng tingin at saka umigting ang mga panga.
“Wala, dahil akin ka.” She said, her eyes blazing in selfishness. Tumalikod siya at kumikendeng na lumabas na naman ng kwarto.
“Yeah f**k!” I grumbled. Nasaan na ba ang anak at nang matahimik naman ang asawa ko kahit sandali lang. Baka kapag nagkaroon kami ng baby ay magbago siya kahit kaunti. I feel that insecurity is eating up her system. Kawalan niya ng lakas ng loob at kumpyansa sa sarili dahil siguro hindi niya ako mabigyan ng anak, kaya ganito na siya kagaspang. She’s too selfish when it comes to me that’s why I can’t even conclude that she doesn’t love me. Alam ko na mahal niya ako kaya lang parang mali naman ang paraan ng pagpapakita niya, nakakasakal na. And I pray not to feel being smothered too tight for I might only wish to free myself to have some peace of mind.