"Manang!" pagsisigaw ko sa aking kwarto. bakit wala na ang mga gamit ko? Saan na napunta? "Manang!" muli ay sigaw ko. Ilang minuto bago dumating si Manang. "Bakit, Ma'am?" nag-aalala naman ito na lumapit sa akin. "Nasaan ang mga gamit ko? Magbibihis ako wala rito ang mga damit ko? Even my underwear? Nasaan ang mga 'yon?" nag-aalburuto na parang sasabog na 'ko dahil hindi ko alam kung saan na napunta ang mga gamit ko. Naiinis na ako kakahanap. Feeling ko nakalimutan ko na rin yata kung saan ko ang mga ito nilagay. "Pasensya ka na, Ma'am. . .hindi ko pala nasabi sa inyo. May mga pumunta dito sa bahay. Pinaayos ang mga gamit niyo. Ang sabi kayo raw ang nag-utos." sumbong sa akin ni Manang. "Ano?" Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang lalamunan ko dahil sa sinabi nito. Hindi ako mapakali