"How's my wife, doc? Kamusta ang dinadala niya?" nag-aalalang tanong ni Elijah sa doctor na kalalabas lang mula sa room na kinaroroonan ni Lailani. Nagtanggal ito ng mask at hinarap siya. "You have nothing to worry about. Your wife and baby are safe. Your wife only had a little bleeding as a result of her fear. Mabuti na lang at nadala mo kaagad dito ang asawa mo. Naagapan natin kaagad." sagot ng doctor. Napasabunot sa sariling buhok si Elijah. "Oh, thanks god!" Napatingala siya at nakapagdasal pa. Ngumiti ang doctor. "Pwede mo ng puntahan ang asawa mo." sabi nito. Kaagad niyang pinuntahan si Lailani sa loob ng room nito. Pagpasok niya ay tulog na tulog pa ito ng mahimbing. Pinagmasdan at tinitigan niya ang mukha nito. Hinaplos niya ang mukha nito at ginawaran ng halik sa noo. "I lo